Kabanata 206
Mula sa malayong mesa, pilit binabasa ni Kira ang labi ng tatlong taong kanina pa niya pinagmamasdan. Lalo lamang tumindi ang kanyang kuryosidad sa seryosong ekspresyon ng mga ito.
‘At sino naman ang babaeng iyon? Kalaguyo ba siya ni Tito Rage iyon at natuklasan na ni Klaire?‘ aniya sa isipan.
Lihim na umaasa si Kira na tama ang hinala niya. Wala na siyang ibang gusto kung hindi makita si Klaire na mawalan ng lahat ng bagay na mayroon ito ngayon!
Nang magpaalam si Erica para pumunta sa banyo, mabilis na sumunod si Kira. Nagkunwari siyang naghuhugas ng kamay sa sink hanggang sa lumabas si Erica mula sa cubicle.
Agad naman nakilala ni Erica ang babae. Minsang ipinakita ni Klaire ang larawan ni Kira sa phone nito.
Sa isip niya, ‘bakit siya narito? Nakita ba niya kami?‘
“Do you have any lipstick? I left mine at home,” tanong ni Kira kay Erica, na nagtagal sa paghuhugas ng mga kamay dahil nalunod sa pagdududa ang isipan.
“Hindi ko lang alam kung magugustuhan mo ang kulay niyan,” tugon ni Erica at pinahiram sa babae ang lipstick.
“Salamat,” kumurba ang kilay ni Kira nang makita ang mamahaling brand ng lipstick.
Sa kabila ng simpleng anyo ni Erica, may mga magagarang gamit siya. Napansin na ni Kira ang mamahaling bag nito kanina, pati ang pagkailang ni Klaire sa kanilang pagkikita ay lalo pang nagpatibay ng hinala niya.
‘Kabit nga ni Rage ang batang ito,‘ sambit ni Kira sa isip.
“I like the color,” sagot ni Kira na may kaunting ngiti habang ina–apply ito sa kanyang labi. Nang isauli ang lipstick, sinulyapan niya ang nakatatak na pangalan sa takip nito. “Oh, hindi ba’t sobrang mahal nito? Nakakahiya naman na hiniram ko pa.”
“Walang problema. Ang boyfriend ko ang bumili nito. Marami na siyang binigay sa akin kahit marami pa akong gamit sa apartment,” sagot ni Erica na may magiliw na ngiti.
Lalong lumapad ang ngiti ni Kira. Tama nga yata ang hinala niya! Wala lang kay Rage De Silva ang bumili ng mga ganoong kamahal na bagay, e!
“Mayaman siguro ang boyfriend mo.”
“Oo. Isa siyang mayamang lalaki na-” Sadya namang pinutol ni Erica ang sasabihin para mapaisip si Kira.
‘May asawa?‘ lihim na hula ni Kira, “Parang complicated ang relasyon niyo,” usisa pa niya, medyo lumambot ang tono.
Ibinaba ni Erica ang tingin, kunwaring malungkot. “Tama ka. May asawa na ang boyfriend ko. Niloko niya ako. Sabi niya, binata pa siya.”
Kung malalaman lang ni Kira ang tunay na relasyon ni Erica kay Miguel, siguradong madudurog ang puso nito.
Alam ni Erica na hindi kailanman tunay na minahal ni Miguel ang babaeng kaharap.
1/2
“Oh, I’m sorry. I didn’t mean to pry into your personal matters,” sagot ni Kira, sabay tapik sa balikat ni Erica.” Huwag kang malungkot. Madalas, sa huli… ang kabit ang nananalo.”
Pagkaalis ni Kira, napahagikhik si Erica.
“Tanga ba siya?”
Ngunit agad nag–iba ang kanyang mukha.
Kung hindi siya pinaghihinalaan nito bilang kabit ni Miguel. Iniisip ba nito na siya ay kabit ni Mr. De Silva? Baka nakita niya silang nag–uusap kanina!
Mabilis siyang bumalik sa mesa at ikinuwento kay Klaire ang buong pag–uusap nila ni Kira sa banyo.
“Nakaharap ko ang asawa ni Miguel sa restroom,” wika ni Erica, habang tinitingnan ang paligid ng café.” Umalis na yata siya. Parang iniisip niyang kabit ako ni Mr. De Silva.”
“Ano? Paano nangyari ‘yon? Bakit ba palaging inaakusahan ni Kira ang asawa ko ng pambababae?” inis na tanong ni Klaire.
Lubos niyang kinasusuklaman ang sinumang nagdududa sa katapatan ni Rage sa kanya. Lalo tuloy sumiklab ang kagustuhan niyang ipaalam kay Kira ang pagtataksil ni Miguel. Napakasarap sigurong makita ang mukha nito kapag nalaman ang totoo!
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)