Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 207

Huwag mong pilitin ang sarili mong magpataba para sa baby, Klaire,payo ni Rita. Ang mahalaga, normal at malusog kayong dalawa. Pwede mo namang ayusin ang timbang ng baby kapag nalabas mo na siya. Isipin mo na lang na kapag sobrang laki ng sanggol na iluluwal mo, mahihirapan ka

Tila nanlumo naman si Klaire sa ideyang yon. Kaya ba ng kanyang birth canal na padaluyin ang baby nila? Bigla siyang namutla sa takot.

Masakit ba ang manganak? Gusto ko sana ng normal delivery, pero natatakot ako. Takot din ako sa CS. Ano ba ang gagawin ko, Mama?

Tinatakot ka lang ng Ate mo, Klaire. Sandali lang naman ang sakit, at nawawala iyon kapag nakita mo na ang anak mo na ligtas na nakalabas. Kaya mo ang normal delivery,depensa naman ni Anna.

Pinagalitan agad ni Anna ang anak na si Rita, na halata namang nagaalala lang para kay Klaire. Ang totoo, halos apat na buwan nang buntis si Klaire pero sa pagkakaalam ng lahat, ay dalawang buwan pa lamang ang tiyan niya.

Ngunit mapilit talaga si Rita. Seryoso ako, Ma. Sobra ang laki ng tiyan ni Klaire para sa buwan niya. Regular ka bang tinitingnan ni Doc Alfy?

Huwag mo siyang takutin, Rita,mariing pinutol ni Anna ang pamimilit ni Rita. Klaire, magpahinga ka na. Matagal na tayo rito sa labas.

Pagbalik sa kwarto, pinagmasdan ni Klaire ang sarili sa salamin. Hinawakan niya ang kanyang chubby na pisngi nang may pagkadismaya. Mas tumaba nga siya at nawalan na ng kurba ang katawan.

Ito ba ang rason kaya hindi na sita sinasama ni Rage sa opisina nitong mga nakaraang araw?

Biglang dumapo ang lungkot sa dibdib niya, pakiramdam ay magisa kahit pa kasama naman niya roon ang pamilya ni Rage. Pati nga sina Charlie ay binibisa rin siya madalas.

Dahil bored na siya at wala pa rin si Rage, pinili niyang magtungo sa garden. Pero wala na sina Anna at Rita doon.

Sa paglingon niya upang hanapin ang mga ito, bigla niya namang nakaharap si Kira. Sinasadya niyang hindi ito pansinin, ngunit dumiretso ito sa kanya palapit.

Why do you look so sad, ate? May problema ba?

Wala kang pakialam.Mariin na sagot ni Klaire.

Maayos naman ang pagbubuntis mo, hindi ba?Mula nang makita niya si Klaire at Rage kasama si Erica dalawang buwan na ang nakalipas, tumigil na si Kira sa hayagang pagatake kay Klaire. Sigurado siyang kusang lilitaw ang ebidensya ng pagtataksil ni Rage, at pakiramdam niya malapit nang mangyari yon.

Maayos na maayos naman. Ikaw? Pinagbubuntis mo na ba ang anak ni Miguel? Hindi ba sabi mo, mas naging sweet na kayo?

Napairap si Kira, at biglang sumimangot. Hindi ko minamadali ang pagbubuntis, ate. Bata pa kami ni Miguel at marami pa naman kaming oras. Hindi katulad mo na nagasawa ng halosHindi na niya tinuloy ang linya.

Pinilit ni Klaire na manatiling kalmado. Wala namang saysay ang makipagtalo kay Kira.

1/2

Hindi na niya pinansin ito. Umupo siya sa harap ng garden, hinihintay ang pagbalik ni Rage, ngunit sinundan siya ni Kira at naupo sa tabi niya.

Wala ka bang ibang magawa kung hindi sundan ako? Bakit ka pa narito?inis na tanong ni Klaire.

Hindi umimik si Kira, at pinagmamasdan lamang ang katawan ni Klaire.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)