Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 205

Nang sabay na kaharap sina Rage at Klaire, dinapuan ng kaba sa dibdib si Erica. Marami na siyang narinig tungkol kay Rage, ngunit hindi niya inasahang si Klaire ay mukha ring matapang gaya ng lalaki. Ibangiba ito sa paglalarawan ni Miguel.

Walang problema,tugon ni Klaire, nakipagkamay kay Erica at nagpakilala, habang nanahimik lamang si Rage, nakikinig sa usapan nila.

Ang hindi inaasahan ni Erica, sa ilalim ng matapang na mukha ni Klaire ay may natatago naman palang kabaitan ito. Nagkuwentuhan muna sila bago dumiretso sa seryosong pakay ng mga ito.

Nabanggit na sa akin ng asawa ko ang naging plano ni Miguel, at gusto kitang makilala para personal na magpasalamat,sabi ni Klaire.

Wala po yon, Madam. Sa totoo lang, ako pa ang nagmungkahi ng planong yon kay Miguel para magtiwala siya sa akin, kaya agad kong kinontak si Mr. De Silva,paliwanag Erica.

Bagama’t matapang ang anyo ni Erica, dama ni Klaire ang mga sugat sa puso nito. Bata pa ito ngunit napilitan sa isang bagay na hindi nito ginusto.

Lihim na humanga si Klaire sa bilis ng pagdedesisyon at tapang ni Erica na papanagutin si Miguel. Hindi katulad niya, na dati ay nagtago kay Rage dala ng takot.

Pero salamat talaga, Erica. Dahil sa iyo, nalaman namin na kaya pala ng gumawa nang gano’ng bagay ni Miguel. Matagal ko na siyang kilala at hindi ko akalaing gagawin niya ito.

Naniniwala po ako na nagbabago ang tao dahil sa ambisyon at pagkahumaling sa tao. Pinagsisisihhan ni Miguel na hindi po natuloy ang engagement ninyo, at kasalanan niya mismo dahil pabaya siya at hindi nagtitiwala sa yo. Ang pagsisising iyon ang nagtulak sa kaniya na humantong sa ganito,sagot ni Erica. Noong una ko siyang nakilala, hindi naman siya ganito. Nirerespeto niya ako kahit isa lang akong mahirap na babae na walang katayuan sa buhay

Tumango naman si Rage, halatang humahanga kay Erica. Nagsisimula niyang magustuhan ang dalaga. Ang judgment at tapang nito ay kahangahanga para sa edad nito.

Then what are you going to do with Miguel? Kahit tutol ako sa ginawa niya, pamangkin ko pa rin siya.

Paminsanminsan ay yumuyuko si Erica habang kinakausap ni Rage, hindi makatingin nang diretso sa kanyang madidilim na mata kahit hindi naman niya ito pinagbabantaan.

Napakagalang ng kilos niya sa harap ni Rage, ngunit kay Klaire ay parang kaibigan lamang.

Pagpasensyahan niyo po ako kung didiretsuhin ko po kayo. Gusto kong panagutan ni Miguel ang ginawa niya sa pamamagitan ng pagpapakasal sa akin. Hindi sapat ang pera lang sa pagkakamali niya. Wala na akong pinaghahawakan kung hindi ang dangal at dignidad ko langpero iyon ang kinuha niya.

Natigilan si Klaire sa sinabi ni Erica, Kung magpapakasal ito kay Miguel, siguradong mahihiwalayan ng lalaki si Kira. Magiging napakalupit niyon sa kanyang stepsister.

Ngunit hindi pa rin nawawala ang galit niya kay Kira, lalo na matapos mawala ang apelyido ng kanyang ama sa

1/2

kanya. Isang kahihiyan para sa kanyang yumaong ina.

Kahit masaya na siya ngayon kay Rage, gusto pa rin niyang ipakita kay Kira na nagkamali ito sa pagagaw ng kaligayahan ng iba. At marahil, sa piling ni Erica, tuluyan na siyang makakalimutan ni Miguel.

Hindi kita pipigilan,matatag na wika ni Rage.

Ngumiti naman si Klaire sa asawa. Marahil iyon din ang iniisip ng lalaki sapagkat hindi niya kailanman lubos na mabasa ang laman ng isipan nito.

Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong namin. At huwag mo na ulitin iyon kay Miguel. Baka mabuntis ka pa habang kasal pa siya sa asawa niya,babala ni Klaire sa babae.

Pero ginawa ko po iyon para mapilit siyang managot,paliwanag ni Erica. Nangako siya na papanagutan niya ako kung sakaling mabuntis ako.

Hindi tama iyon lalo na kung wala naman kayong relasyon. Ikaw lang ang masasaktan kapag bigla niyang binawi ang pangako niya.

Habang pinaguusapan nila ang plano ni Erica, may isa namang babae ang matagal nang nakamasid sa kanila.

Mataman na nakatingin si Kira nang husto, hindi pinapansin ang mga kaibigan sa tabi niya.

Narinig kaya ni Kira ang pinaguusapan nila?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)