“Tingnan mo… parang balahibo ka lang…” ani Rage, tila hingal na hingal nang marating nila ang
Pinisil naman ni Klaire ang pisngi ng lalaki hanggang sa mapa–aray ito.
kwarto.
“Sinungaling! Hingal na hingal ka nga diyan!” Biglang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Totoo nga. Sobrang bigat na niya para kay Rage na dati naman ay nabubuhat siya nang walang kahira–hirap. Ni hindi nawawala ang stamina nito noon kahit halos araw–araw siyang buhatin noon!
“Pagod lang ako sa mga meeting buong araw. It’s not that I mind carrying you.”
Inupo ni Rage si Klaire sa sofa, saka hinubad ang kanyang jacket at polo. Kumislap sa ilaw ang kanyang mga muscle na basang–basa ng pawis. Agad na napalitan ng kilig ang lungkot ni Klaire.
“Honey, bakit hindi mo na ako ginagalaw? Dahil ba tumaba na ako at hindi ka na naaakit sa akin?” malungkot na tanong ni Klaire sa asawa.
“Nothing like that. In fact, you look even more adorable with your baby bump.” Tapat ang boses ni Rage nang sabihin iyon at sanay siyang nabibighani sa asawa higit kailanman.
“Kung ganoon, bakit hindi mo ako sinasama sa office kung hindi mo naman kinahihiya ang asawa mong mataba?”
“Stop saying you’re fat! Buntis ka at natural lang na magbago ang katawan mo,” paliwanag ni Rage, kasabay no’n ay dinampian niya ng halik ang labi ng asawa. “Hindi sa ayaw kitang isama. Lumalaki na ang tiyan mo. Ayoko lang na mapagod ka kakalakad o kakasakay ng elevator.‘
“Talaga ba? Iyon lang ba ang dahilan?” mapilit na tanong ni Klaire. “Kung ganoon, bakit hindi mo na ako ginagalaw? Lagi ka na lang abala sa trabaho at kahit pag–uwi mo, puro papeles na lang inaatupag mo at hindi mo ako pinapansin?”
Biglang bumakat ang ugat sa sentido ni Rage. Halos araw–araw, iisa lang ang tanong ng asawa. Totoo, pinipigilan niya ang sarili. Sinasadya niyang magpaka–busy para hindi siya matuksong sipingan si Klaire.
“I don’t want to hurt our child,” aniya, sabay halik sa tiyan ng asawa, iniangat ang damit at idinampi ang tainga rito. “I want to touch you so bad. In fact, gusto na kitang ikama ngayon. Pero natatakot akong hindi ko makontrol ang sarili ko.”
“Pero gusto ko…”
Hindi kontento si Klaire sa dahilang iyon. Alam nilang pareho na hindi ipinagbabawal iyon ng doktor.
Hinaplos niya ang balikat ng asawa, hinayaan ang mga kamay niyang dumausdos sa pawis nitong balat na nang- aakit sa kanya.
“Gusto kong maramdaman ang init mo,” mahina niyang bulong.
Ipinikit ni Rage ang mga mata at marahang inalis ang mga kamay ng asawa. Ibinaba niya ang mukha sa dibdib ni Klaire, mabigat ang paghinga habang rumaragasa ang pagnanasa sa kaibuturan niya.
1/2
Kinagat niya ang loob ng kanyang bibig para lamang makapigil.
“Don’t tease me. Pagod ako. Pwede naman pagkatapos ipanganak ang baby natin, okay?” saad ni Rage sa kanya.
Napapaos ang boses ng lalaki. Ramdam ni Klaire na gusto rin siya ng asawa. Siya rin… desperado siyang mahawakan nito. Pero wala itong ginawa.
Hindi siya papayag! Ayaw niyang maging totoo ang mga sinabi ni Kira, kahit malaki naman ang tiwala niya kay Rage.
“Wait a minute…” Kumalas si Rage at biglang tumayo saka nagpatuloy, “Kakausapin ko muna si Papa. I’ll be back by dinnertime.”
Pagkatapos no’n, agad itong lumabas ng kwarto.
“R–Rage! Bakit mo ako iiwan? Pwede ka namang pumunta kay Papa mamaya, pagkatapos
Ngunit wala na si Rage.
Dumiretso na si Rage sa gym, saka ibinuhos ang kanyang pagpipigil sa bawat gamit na naroon.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)