Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 208

Hindi pa rin tuhayang nakapag imbestiga si Kira tungkol kay Erica dahil hindi niya alam ang pangalan nito. Gayunpaman, kumbinsido pa rin siyang kerida ni Rage ang babaeng yon.

Muli niyang nakasalubong si Erica nang pumasok siya sa kumpanya ng De Silva Group. Hindi niya alam na nag

intern pala ito bilang personal assistant ni Miguel.

Sabihin mo kung ano ang gusto mo. May tiwala ako sa asawa ko,malamig na sagot ni Klaire.

Come on, Ate. Nakilala mo na ang babaeng iyon minsan sa café. Alam mo ba? Nakausap ko pa siya. Sinabi niya mismo na kabit siya ng isang may asawang lalaki. Hindi mo ba talaga nakikita kung gaano kabaho ang asawa mo? Ito mismo ang bumibisita sa office ni Uncle Rage.

Napairap na lamang si Klaire, ayaw nang patulan si Kira. Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Walang iba kung hindi si Erica. Madalas silang magpalitan ng text messages.

Ang kabit na yon ni Miguel ang palaging nagrereport sa kanya ng mga kilos ni Rage kapag kasama nila si Miguel sa kumpanya.

Siya ang kabit ng asawa mo, hindi ng akin,ani Klaire sa isip niya.

Hindi na ako makapaghintay na makita ang babaeng iyon na pumalit sa yo rito sa mansyon. Dapat magpasalamat ka at may ibang babaeng kayang paligayahin ang asawa mo dahil wala ka nang silbi sa katawan mong iyan,irap ni Kira, iniinsulto ang katawan ni Klaire.

Ngumiti lamang si Klaire. Don’t worry. Ako rin naman. Hindi na rin ako makapaghintay na maging official na bahagi ng pamilya De Silva ang babaeng iyon. Huwag mo nang alalahanin ang bedroom affairs ng asawa ko. Hindi ba mas dapat mong intindihin ang sarili mong asawa?

Naningkit sa pagdududa ang mga mata ni Kira sa sandaling iyon. Sa isip niya, paano nanatiling kalmado si Klaire at nagawa pang sabihing tatanggapin niya ang kabit ng asawa nito? Mali ba ang pagkakaunawa niya kay Erica?

Bigla na lamang gustong halukayin ni Kira ang pagkatao ni Erica para makumpirma ang hinala niya. Kung makakita siya ng matibay na ebidensya, hindi na makakangiti pa si Klaire kahit kailan!

Sana maging payapa ang pagsasama ninyo ni Uncle Rage,ani Kira, tila may kasamang insulto ang tono niya. For now, okay? Sige na, mageexercise muna ako para hindi lumobo ang katawan ko tulad ng iba riyan! Baka bigla na lang maattract ang asawa ko sa mas batang babae kapag hindi ko inalagaan ang figure ko.

Kahit pa maganda ang katawan mo, walang kasiguruhan na mananatiling loyal sa iyo ang asawa mo. Baka dapat ang una mong ayusin ay ang ugali mo,atake ni Klaire na may mapanuksong ngiti habang pinapanood si Kira na nagwalkout at bumubulongbulong.

Makalipas ang ilang sandali, natanaw ni Klaire ang mamahaling kotse ng kanyang asawa na papasok sa parking. Tumayo siya at sinalubong ito.

Sa halip na si Kanor, si Klaire mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Ngumiti si Rage at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

Did you miss me? I have so much work today. You must be so lonely without me,sabi ni Rage na may banayad

1/2

na ngiti sa mukha.

Yumakap si Klaire sa bewang nito habang nakasampay naman ang braso ng lalaki sa kanyang balikat.

Oo, namiss kita. Hindi mo na ako sinasama sa office kasi,nagmamaktol na wika niya.

Ayokong mainip ka lang habang naghihintay sa akin na nagtatrabaho,paliwanag naman ni Rage.

O baka naman nahihiya ka lang kasi naging pangit at mataba na ako?seryosong tanong ni Klaire.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)