Hindi mapakali matapos tanggihan ni Rage, mabilis na sumunod si Klaire sa asawa niya. Tatawagin na sana niya ito pero biglang lumiko ang mga hakbang nito, hindi patungo sa silid ng ama.
‘Saan siya pupunta?‘
At iyon naman pala… nage–exercise nga si Rage mag–isa. Sumilip si Klaire at napako ang tingin habang pinapanood itong mag–workout.
Pero bigla ring nag–iba ang ekspresyon ni Rage at tila nabalisa. Pumasok ito sa banyo na nakakabit sa parehong kwarto. Nang hindi ito lumabas kaagad, nag–alala si Klaire na baka sumakit ang tiyan nito o may iba pang naramdaman kaya pinuntahan niya ito.
Sa may pintuan ng banyo, ang narinig niya lamang ay ang mahinang daing ng asawa, at ang mga pagmumura nito. Kumakabog ang dibdib niya nang pinihit ang seradura.
Pagkabukas, nanlaki nang husto ang mga mata at napaawang ang bibig ni Klaire nang makita ang asawa niyang nagsasarili habang umuungol at binabanggit ang pangalan niya.
Natigilan siya, at walang masabi.
Nanigas din si Rage, bagama’t bahagyang gumagalaw pa ang kamay nito.
Namuo ng katahimikan ang lugar, baga’t pareho silang nakatitig sa isa’t isa pero pareho ding may mga naiisip.
“Kaya pala ayaw mo akong sipingan kasi mas gusto mong magsarili?”
Nanatili ang paninigas ni Rage sa kinatatayuan. Ni hindi na gumalaw pa ang kamay niya. Mula nang makilala si Klaire, para bang muling binatang hayuk si Rage. Hindi niya mapigilan ang sariling pagnanasa sa tuwing malapit ito sa kanya.
Pero lahat ay nagbago nang makita niya ang lumalaking tiyan ng asawa. Hindi dahil hindi na siya naaakit, bagkus lalo pa nga niya itong minamahal…
Nitong isang buwan na ang nakaraan, nang dumalaw si Mateo sa opisina niya para pag–usapan ang negosyo. Matapos nilang mag–usap tungkol sa business, nag–ungkat na ito ng mga personal na bagay.
“Your wife isn’t here. Sabi ni Amanda, palagi mong dinadala si Klaire dito sa office. May dala pa naman sana akong regalo para sa kanya.”
“She’s resting at home because she’s exhausted,” sagot ni Rage na may makahulugang ngiti.
“Huwag kang masyadong makipagtalik sa kanya ngayong malaki na ang tiyan niya. In the past, Amanda even bled because we did it too often. Hindi na ipinanganak nang buhay ang ikatlo naming anak dahil do’n,” biglang bumigat ang boses ni Mateo sa pag–alala nang nangyaring ‘yon.
Simula nang pag–uusap na ‘yon, natakot na si Rage na baka matulad ang pagbubuntis ni Klaire kay Amanda. Sa sobrang takot ay hindi na niya sinubukan pang makipagtalik dito. Higit pa diyan, hirap siyang kontrolin ang sarili sa harap ng kagandahan ng asawa.
Kahit na kumonsulta siya kay Doc Alfy at sa iba pang mga OB–GYNE, hindi nawala ang takot ni Rage. Paulit–ulit
1/2
siyang sinabihan na ligtas ang pagbubuntis ni Klaire, at kinakailangan niya lang sumunod sa mga instructions na binigay sa kanya.
Sa loob ng isang buwan, lihim lamang niyang iniibsan ang sarili dahil hindi niya kayang tiisin iyon. Hindi niya kayang magtataksil kay Klaire sa paggamit ng ibang babae para maparausan, kahit maaari naman at walang makakaalam.
At ngayon, nalantad na sa asawa niya ang kahihiyan niya! Pakiramdam niya ay nababaliw na siya. Naghahalo ang hiya at pagkabahala sa dibdib niya.
Isang malakas na kalabog ng pinto ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Isinara ni Klaire ang pinto ng banyo at lumapit sa kanya.
“Honey, hindi na ba ako attractive para sa ‘yo? Ako na mismo ang lumalapit sa iyo at nagre–request pero-”
Iyon ang unang pagkakataon na nakakita si Klaire ng isang lalaking nagsasarili… ‘tapos ay asawa pa niya! Pakiramdam tuloy niya ay wala siyang silbi sa asawa!
“N–No… T–This is not…” nauutal na sambit ni Rage, walang mahanap na tamang salita. Pero ang makita si Klaire na nahuli siya, para bang mas tumindi pa ang pagkasabik niya rito.
Hinubad ni Klaire ang munting saplot sa ilalim ng suot niyang dress.
“Ipikit mo na lang ang mga mata mo kung ayaw mong makita ang katawan ko. Kailangan kong gawin ang tungkulin ko bilang asawa mo.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)