Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 204

*DUNG

Halos gusto nang tumalon palabas ng dibdib ni Miguel ang kanyang puso. Agad bumalik ang kanyang kaba at takot matapos marinig ang mga sinabi ni Rage.

You were still there when I fell asleep on the couch,dagdag pa ni Rage, habang hindi tumitingin kay Miguel dahil ayaw niyang mawalan ng kontrol at mahulog sa pagtatalong pilit niyang iniiwasan. You should have taken me home, at hindi hinayaang hatakin ako ng kung sinong babae.

Untiunting humupa ang malakas na tibok ng puso ni Miguel. Napanatag siya dahil hindi alam ni Rage na siya mismo ang nagdala dito sa kwarto kung nasaan si Erica.

I’m sorry, Uncle. Medyo nalasing ako kasi pilit akong pinainom ni Mr. Abraham. Hindi na ako nakauwi at nakitulog na lang ako sa apartment ng kaibigan ko.

No problem. Sakto naman na dumating si Chris at ginising ako. The woman actually fell asleep while waiting for him,sagot ni Rage.

Kilala ni Klaire si Miguel mula pagkabata, kaya malinaw niyang nakita ang ginhawa sa mukha nito. Pero bakit nagsisinungaling si Rage? Karaniwan, magagalit ito kapag may nakikialam sa relasyon nila.

Dahil ba pamangkin niya si Miguel?

Hindi matanggap ni Klaire ang ginawa ni Miguel. May karapatan siyang singhalan ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, hinawakan ni Rage ang kanyang kamay. Nakatitig pa rin ito sa mga dokumento, bahagyang umiling na parang sinasabing manahimik na lamang siya. Napabuntonghininga na lang si Klaire, dala ang matinding pagkadismaya.

Buti na lang pala at nariyan si Chris. He’s always reliable. Kung hindi siya dumating sa oras, na ako

ngayon dahil hinayaan kita na may kasamang ibang babae.

baka nakunsensya

Nagsimulang mabasag ang gapising pasensya ni Rage dahil sa mga panguuyam ng pamangkin.

How could I possibly want to spend time with another woman when I have such a perfect wife?ani Rage, kasabay ang isang nakakalokong ngiti na lumitaw sa kanyang labi.

Pagkarinig kay Rage na tinawag si Klaire bilang kanyang asawa, lalo lamang nagapoy ang selos at pagkamuhi ni Miguel. Sasalungat na sana siya, pero may biglang kumatok sa pinto.

Pumasok sina Mr. Abraham at ang kanyang assistant, kasama si Chris. Umabot nang mahigit isang oras ang pag- uusap nila tungkol sa negosyo.

Your wife is very beautiful, Mr. De Silva,wika ni Mr. Abraham, sabay sulyap nang malandi kay Klaire.

Samantala, agad naman na pinagsalikop ni Rage ang mga daliri nila ni Klaire, saka sinabing, That’s true, pero hindi ko gusto na pinagmamasdan ng ibang lalaki ang kagandahan ng asawa ko.

Malamig ang naging tugon ni Rage kay Mr. Abraham.

Ah, sorry.Napilitang tumawa si Abraham at iniwas muli ang tingin niya.

1/2

Pagkatapos ng meeting, nagpaalam na sina Abraham at Miguel na umalis. Ngunit biglang tinawag ni Rage ang pamangkin bago ito makalabas.

Miguel, I want to talk to you.

Bumalik naman si Miguel sa upuan sa harap nina Rage at Klaire saka napatingin sa kanila.

Ano po yon, Uncle?tanong nito.

Hindi na ako magpaligoyligoy pa. Alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa asawa ko. Binalaan na kita noon pa na kalimutan mo na si Klaire at ituring na lang siya bilang tiyahin mo. Don’t disappoint me, Miguel.

Mariing nakagat ni Miguel ang ibabang labi, mahigpit na nakakuyom sa ilalim ng mesa ang kanyang mga kamao. Nakalimutan niyang may access si Rage sa lahat ng surveillance camera sa De Silva residence at hindi maaaring si Klaire ang nagsumbong sa kanya.

I’m sorry, Uncle. I was having a lot of problems at that time. Matagal na kaming magkakilala ni Klaire. Siya ang lagi kong napagsasabihan at kinailangan ko siya ng mga oras na yon

Don’t do it again. I won’t give you a third warning,banta ni Rage, kasabay ang matulis niyang titig. Kahit anak ka pa ng kapatid ko, hindi kita palalampasin kung patuloy mong sisirain ang pagsasama namin ng asawa ko.

Opo, Uncle. Pasensya na ulit. Hindi na mauulit.

Bakit hindi mo binanggit yung nangyari kagabi?usisa agad ni Klaire sa asawa nang makaalis si Miguel.

You heard what Papa said after breakfast, right?ani Rage, saka hinila ito palapit at hinalikan sa noo. Huwag kang magalala. You don’t need to think about anything but having fun.

Pasensya na po, Mr. at Mrs. De Silva, nalate ako dahil nagwala si Miguel sa apartment ko,hingal na sabi ni Erica nang dumating sa kanilang meeting place. Umupo siya matapos siyang paanyayahan ni Klaire.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)