Biglang tumaas ang kilay ni Rage. “What do I want? Ito lang naman…” aniya, at hinalikan ang asawa.“ Malambot, matamis, parang jelly. Ito ang dessert ko. Hmm. Why is my wife such a pervert lately?”
“Hindi ako pervert, ha! Ikaw ang palaging gusto nang gano’n,” sagot naman ni Klaire na namumula sa hiya.
“I want it, but later. My business partner is already coming. Samahan mo muna ako sa labas habang naghihintay,” paliwanag ni Rage sa kanya.
At dahil tapos na ang trabaho ng asawa, umupo si Klaire sa tabi ni Rage. Hinila siya nito palapit at paminsan- minsan ay hinahaplos ang tiyan niya.
Sakto naman na kumatok si Chris at pumasok. Sumunod naman si Miguel. Agad tinabig ni Klaire ang kamay ni Rage, pero ibinalik nito ang paghagod sa tiyan niya, walang pakialam kung sino ang nasa harap nila.
“Bakit narito si Miguel?” bulong ni Klaire. Mula nang malaman niyang sinubukan nitong ipahamak ang asawa niya, hindi na siya mapakali sa presensya nito.
“He’s the one in charge of this project,” ani Rage at tumigil sa ginagawa nang tumayo ang dalawang lalaki sa harap ng desk niya. “Have a seat.”
Lalong nagpakita si Rage ng lambing kay Klaire sa harap ni Miguel, na siyang nagpainis lalo sa lalaki, kahit pa patago itong nakaramdam ng takot na baka nadiskubre na ng uncle nito ang nangyari kagabi.
Sa totoo lang, ayaw pa sanang humarap ni Miguel kay Rage. Kung hindi lang dahil sa pamimilit ni Mr. Abraham, iiwas sana siya. Ang malinaw lang sa alaala niya ay ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Erica.
Nakayanan ni Rage na makaalis kahit sinubukan itong patulugin gamit ang gamot. Naisip ni Miguel na baka alam nito ang naging plano niya. Pero medyo gumaan ang loob niya nang makita ito na kumikilos na parang walang nangyari. Ni hindi man lang nagalit.
“Sinamahan ko lang si Mr. Bonifacio at dinala ang mga papeles mula kay Mr. Abraham. Mauuna na po ako, sir,” paalam ni Chris bago umalis.
Tatlo na lamang silang naiwan doon. Pilit namang umakton ng normal si Miguel, tinatago ang kaba sa dibdib niya. Samantalang si Rage naman ay abala sa pagbabasa ng dokumento.
‘Bakit ganiyan siya makatitig sa akin?‘ naisip ni Miguel nang mapansin ang seryosong tingin ni Klaire.
Nawala ang kaba niya kay Rage nang maisip niyang interesadong muli si Klaire sa kanya. Lubos niyang na- misinterpret ang tingin nito. Ang totoo… galit si Klaire at gusto ng paliwanag sa ginawa niya laban sa asawa.
Kahit hindi naman tumitingin, alam ni Rage na hindi makaiwas ang pamangkin sa pagtitig kay Klaire. Pinangako niya sa ama niya na hindi siya gagawa ng iskandalo o makikipag–away kay Miguel, kaya naman ay pinigilan niya ang sarili.
“Dito ka pa rin ba nagtatrabaho, Klai–este, Tita?” basag ni Miguel sa katahimikan.
Gusto niyang muling ayusin ang relasyon nila matapos siyang sampalin nito. Baka muli siyang pagkatiwalaan nito kung magpapakumbaba siya gaya noong magkarelasyon pa sila.
1/2
Ngunit bago pa makasagot si Klaire, sumingit na si Rage.
“Where were you last night? Hindi ka umuwi?” seryosong tanong nito.
“I was with my friend, Uncle. Ikaw? Nakita kitang umalis kasama ang isang babaeng nagtatrabaho sa bar,” sagot ni Miguel.
Gusto sanang patunayan ni Miguel kay Klaire na hindi karapat–dapat si Rage para sa kanya. Kahit nabigo ang kanyang plano, pinilit pa rin niyang maghasik ng pagdududa sa isip ng babae. Unti–unting naglaho ang takot niya, pinalitan ng maling akala at pag–asa mula sa seryosong tingin ni Klaire.
“Dinala ako ng babaeng iyon sa hotel,” diretso ang sagot ni Rage, nakatutok pa rin sa kontrata.
Napakurap si Miguel at tiningnan ang tiyuhin. Sa isip niya, bakit ganoon ka–simple kung sumagot si Rage, kahit naroon si Klaire? At bakit hindi man lang nagselos o nagalit si Klaire?
At isa pang tanong ang umikot sa isip ni Miguel. ‘Hindi ba talaga nila mahal ang isa’t isa at nagkukunwari lang sa harap ng iba?”
“Ano’ng ginawa mo kasama ang ibang babae sa hotel habang nagdadalang–tao si Auntie, Uncle Rage?” mariin na tanong ni Miguel.
“I just suddenly felt sleepy and couldn’t keep my eyes open. Hindi ba ikaw ang mas nakakaalam ng nangyari kagabi?”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)