“Tapos na ang honeymoon natin. Hindi ka ba nag–aalala na baka ma–bankrupt ang kumpanya mo?” Bahagyang itinulak ni Klaire palayo ang mukha ni Rage habang pilit itong humahalik–halik sa kanya. Sa rearview mirror ng sasakyan, napansin niyang paminsan–minsan ay sumusulyap si Kanor sa kanila.
“What kind of question is that? You always forget who your husband is…”
“Kahit gaano ka pa kayaman, maaari ka pa ring ma–bankrupt kung palagi kang nagtatamad–tamad,” paliwanag ni Klaire sa kanya.
Hindi nagsisinungaling si Rage nang sabihin niyang gusto lang niya ng isang araw pang bakasyon kasama si Klaire. Besides, wala namang mahalagang trabaho sa kumpanya ngayong araw. Gusto pa niyang masulit ang honeymoon nila dahil kahapon ay bumalik na siya sa trabaho.
Labag man sa kalooban, napilitang magpaubaya ni Rage. Tumuwid siya ng upo at tumitig lang sa bintana, habang napapabuntong–hininga bawat ilang minuto ng biyahe.
Pagdating nila sa kumpanya, agad silang napansin ng lahat ng empleyado. Ito ang unang pagkakataon na hayagang nagpakita si Rage sa publiko kasama si Klaire na ngayo’y official at legal na asawa na niya.
Mula sa pagiging malambing kanina, biglang nagbago ang lalaki at naging isang makapangyarihang boss pagkapasok nila sa building. Tila bigla namang tumalon ang puso ni Klaire sa karisma nito, hanggang hindi na niya mapigil ang sarli sa pagngiti nang mag–isa. (1)
Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya nang sumunod sa kanila si Chris at nagsimulang mag–usap ang dalawa tungkol sa trabaho. Lubos na naka–focus si Rage sa trabaho niya, tila nakalimutan na si Klaire ay nasa likod lamang niya.
‘Bakit pa ba ako sumama rito? Kung alam ko lang na balewala din ako rito… mas gusto ko pang makasama si mama,‘ inis niyang isip.
Kahit sa opisina, nakaupo lang si Klaire sa sofa at walang ginagawa na para bang isang rebulto, paminsan- minsan ay sinusulyapan ang asawa pero hindi siya kinakausap.
Ibang tao si Rage pagdating sa trabaho. Nakatuon lamang siya sa mga dokumentong hawak, walang salitang sinasabi para sa asawa niya.
Pero unti–unti, ang inis ni Klaire ay napalitan ng paghanga. Mas lalo pang gumuwapo ang asawa para sa kanya habang seryoso itong nakaharap sa trabaho.
Minsan, kumukunot ang noo nito kapag may nakikitang pagkakamali mula sa mga tauhan. Hindi ito nag- aatubiling pagsabihan ang mga ito, kahit naroon pa siya.
Napangiti na lamang si Klaire nang makita ang bagong secretary na namumutla matapos pagalitan. Kung siya pa ang nagtatrabaho kay Rage, malamang siya ang nasa sitwasyon ng lalaki.
“I’m done here. Ano’ng kasunod sa schedule ko?” matalim na tanong ni Rage kay Chris, na nakaupo sa desk nito, kasabay nang tingin na para bang sinasabing, ‘Tell there’s nothing more‘.
Sa kasamaang–palad, hindi naintindihan ni Chris ang titig ni Rage, inakalang gusto nitong matapos agad ang
1/2
lahat ng trabaho sa araw na ‘yon.
“Darating po si Mr. Abraham mamayang alas dos, Sir,” sagot naman ni Chris.
“Fine. I’ll have lunch with my wife first. Sabihin mong maghintay siya kung wala pa ako.” Matalim ang sulyap na ibinigay ni Rage kay Chris sa hindi pagkakaitindi ng kagustuhan niyang magkaroon ng mas maraming oras
kasama si Klaire.
“Opo, sir.”
Pagkaalis ni Chris, agad na lumapit si Rage kay Klaire. Halatang pagod at isinandal niya ang ulo sa balikat ng
asawa.
“Are you bored?” tanong ni Rage sa kanya.
“Medyo, pero gusto kong pinapanood kang nagtatrabaho.”
“Shall we have lunch here, or do you want to eat out?” tanong ng lalaki, tila may diin ang tono niya sa unang
opsyon.
“Sa restaurant ko gusto.” Alam ni Klaire na gusto ni Rage manatili sa opisina, kaya’t sadyang pinili niyang lumabas. Ayaw niyang ma–distract ito sa trabaho dahil lamang sa kanya.
“Alright, let’s go. Mangangalay na naman ang mga binti ko sa pabalik–balik sa restaurant at opisina,” bulong ni Rage.
“Ayaw mo pala talagang kumain sa labas kasama ako? Fine, dito na lang tayo kakain.” Nagpaubaya na lang si Klaire, at ayaw na niyang magreklamo pa ito buong araw.
Bahagyang ngumiti si Rage at umorder ng pagkain nila. Pagdating ng mga ito, agad niyang ginaya si Klaire sa private room sa opisina para magtanghalian.
“Why isn’t there dessert?” reklamo ni Rage, habang nakatitig kay Klaire na tila walang pakialam. “Ah, oo nga pala. Nasa harap ko na pala ang dessert ko.”
“Rage, busog pa ako. Maduduwal lang ako kung gusto mong may gawin tayo ngayon,” tugon ni Klaire.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)