Ibinaba ni Klaire ang balikat at tinabig ang kamay ni Rage. Napanguso siya sa inis at humiga muli sa kama.
“Matulog ka na lang ulit. Ako na ang bahala sa almusal mo.”
“Hindi ba’t inuutusan mo na ang mga kusinera para maghanda ng almusal?”
Nakalimutan na ni Rage… gusto sana niyang sabihin na siya ang nagluto para kay Klaire–gaya ng sinabi ni Mateo kagabi. Kwento ni Mateo, lalo raw nahulog si Amanda sa kanya mula nang ipagluto niya ito ng almusal
araw–araw.
Gusto niyang gayahin ang lalaki. Pero ang problema, hindi siya marunong magluto at ayaw niya ring matuto kung maaari namang bayaran ang iba para gawin iyon.
“Oo, pero tumulong din naman ako. Huwag ka na munang madaldal. Matulog ka na lang ulit. Gigisingin kita kapag handa na ang lahat.”
“Tumulong akong maghugas ng prutas,‘ bulong ni Rage sa sarili.
Ni–lock niya ang pinto ng silid ni Klaire at bumalik sa labas para muling tutukan ang romantic breakfast setup. Mula sa ngiting ibinigay niya kanina kay Klaire, agad iyong napalitan ng iritadong ekspresyon nang makitang hindi pa rin tapos ang kanyang mga tauhan sa pag–aayos ng bulaklak.
“Ang bagal niyo! Gusto niyo bang mamatay sa gutom ang asawa ko?!” sigaw ni Rage.
Dahil sa ingay sa labas pati na ang ugong ng helicopter na nagdadala ng mga bagong bulaklak ay hindi na makatulog si Klaire. Paano siya makakabalik sa tulog kung lahat ng tao sa labas ay abalang–abala?
Unti–unting dumilim ang langit na kanina’y maaraw. Ang kulog mula sa itaas ay lalo pang nagpahirap kay Klaire na makapikit muli.
Hindi rin siya makalabas dahil naka–lock ang pinto mula sa labas. Makalipas ang kalahating oras, narinig ni Klaire ang kaluskos ng susi mula sa labas.
“Get up, lazy ass… let’s have breakfast outside. The weather’s so nice.”
*BANG!*
Isang malakas na kulog ang sumunod sa sinabi ni Rage.
Ngunit patuloy pa rin sa pagngiti si Rage at ayaw pa ring sukuan ang plano niya.
“Mukhang uulan… sabi ni Amanda, pabago–bago raw ang panahon dito.”
Tumawa si Rage nang malakas ngunit halatang pilit. Naiinis na rin siya dahil wala ni isa sa mga plano niya ang natupad ngayong umaga. Gayunman, napangiti pa rin si Klaire nang makita ang bagong itsura ng flower garden.
Nakatayo ang mesa at mga upuan sa gitna ng mga bulaklak na hugis puso. Sa itaas ng mesa, may puting payong na bumabagay sa paligid. Kahit madilim ang kalangitan at may naririnig na kulog, napakaganda pa rin ng tanawin sa paningin ni Klaire.
1/2
Kabanata 171
+25 BONUS
“Diyan ba talaga tayo kakain?” nag–aalangan si Klaire habang nakatingala sa langit.
“Oo naman…”
Kumain sila ng almusal sa gitna ng mga bulaklak, sa ilalim ng maulap na langit. Hindi ito ang inasahan ni Rage! Unti–unting bumagsak ang ambon sa ibabaw ng payong sa itaas nila.
“Tapos ka na bang kumain?”
Tumango si Klaire. Ngunit bago pa sila makatayo, ang maliliit na patak mula sa langit ay biglang lumaki na parang butil ng mais. Kasabay ng mga kidlat na animo’y naghahati ng langit patungo sa karagatan.
“Ah!” sigaw ni Klaire at tinakpan ang kanyang mga tainga gamit ang dalawang kamay. Pumikit siya nang mariin nang makita ang kidlat na tila sobrang lapit. “Natatakot ako! Tatamaan tayo ng kidlat kung tatakbo tayo sa gitna ng malawak na daan!”
“Says who?” pilit inaalis ni Rage ang payong na nakatusok sa gitna ng mesa. Nagtatagis ang bagang niya at umuumbok ang kanyang mga braso sa malakas na paghatak sa hawakan ng payong. “Oh! Tanggal na! Let’s go home!”
Napayuko si Klaire sa paanan ni Rage. “Sandali lang… baka tamaan tayo ng kidlat!”
“I’ll protect you and take the lightning strike first. Quick, take this umbrella, and I’ll carry you.”
Takot na napatitig si Klaire sa hawakan ng payong na gawa sa metal.
“Hindi mo ba alam? Electrical conductor ‘yan ang hawak mo! Bitawan mo na ‘yan!” sigaw ni Klaire.
Malakas na napabuga ng hininga si Rage. Hindi niya alam na takot pala si Klaire sa kidlat. Para itong batang babae na umiiyak sa bawat kulog.
Ang masaklap pa, pinaalis na ni Rage ang lahat ng tao para sana sa romantic moment nila. Wala siyang mapag- utosan para buhatin ang mabigat at malaking payong.
Ayaw niyang mapaano si Klaire kaya agad niya itong binuhat, hindi binibitiwan ang payong.
Takot na takot na talaga si Klaire pero hindi na siya tumutol dahil gusto na rin niyang makapasok sa loob.
Mabilis tumakbo si Rage, basang–basa, sinisikap protektahan si Klaire mula sa ulan. Pagkarating nila sa villa, basta na lang niya itinapon ang payong sa gilid.
“Hindi ka naman nabasa? Sandali lang, kukuha ako ng tuwalya.” Agad siyang naghanap matapos i–lock ang pinto.
Nanatiling nakatayo si Klaire sa gitna ng kwarto, hindi makagalaw. Nang makabalik si Rage, bigla siyang umiyak at sinuntok ang dibdib nito habang galit na nakatingin.
“Baliw ka ba?!” sigaw niya.
Nagsimulang kabahan si Rage.
Nabigo ba ang sorpresa niya kay Klaire?
Kabanata 171
“Damn… it’s all because of the rain!”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)