Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 200

AAhhHindi ko mapigilan kaya patawarin mo ako

Ito na lamang ang nasambit ni Miguel matapos ang marahas nilang pagtatalo ni Erica.

Ano ba ang problema mo? Sinabi mong tutulungan mo ang buhay ko, pero kung gagawin mo pa to, baka talagang magdalangtao ako sa yo,umiiyak na sabi ni Erica.

Mayamaya pa ay kumislap sa dibdib ni Miguel ang kaunting konsensya, ngunit kaunti lamang dahil ang katawan ni Erica ang nagpawala ng kanyang kontrol.

Dahil iyan sa bawal na gamot,depensa ni Miguel.

Matagal nang nawala ang bisa ng gamot ilang oras na ang nakalipas pero ginamit pa rin ni Miguel bilang dahilan para tamasahin ang katawan ng dalagang nasa kanyang mga bisig.

Siguro naman ay hindi mo sinasadyang magkamaling bigyan ako ng gamot na iyon, di ba?

Tahimik na nakatitig si Miguel sa pader ng kwartong hotel nang sabihin iyon. Hindi niya maiwasang magduda kay Erica. Halos lahat na lang kasi sa paligid niya ay gustong kontrolin ang buhay niya, magtaksil sa kanya, at gamitin siya.

Samantala, itinulak naman siya ni Erica at sinabi, Baliw ka ba?! Bakit ko naman ipapahamak ang sarili ko kung hindi ka naman mananagot! Hindi ko alam kung bakit mo ininom ang baso na inihanda ko para sa Uncle mo!

Nagsimula namang mabalot ng guilt ang loob ni Miguel dahil tila totoongtotoo ang sinasabi ni Erica sa kanya. Sa isip niya, baka nga si Rage mismo ang nagpalit ng mga baso nang hindi niya nalalaman.

Hindi ko intensyon na pagdudahan ka. Gusto ko lang—

Tumahimik ka na, Miguel! Binigay ko na sa yo ang katawan ko para matupad ang maruming pagnanasa mo, tapos inaakusahan mo pa ako nang walang dahilan!galit na saad ni Erica.

Hinila ni Erica ang kumot na nakatakip sa kanya at nagmadaling pumasok sa banyo na hubo’t hubad, at pinukaw muli ang reaksyon ni Miguel sa kanyang kagandahan.

Tila biglang gumulo ang isip niya. Nahahati ito sa pagitan ng likas na pagnanasa sa dalaga at ang pagsusumikap na pigilan ang sarili na gawin muli ang parehong kamalian.

Ngunit tila gumalaw ang katawan niya nang kusa, sumusunod sa kung ano ang naiisip niya. Agad siyang sumunod kay Erica, paulitulit na humihingi ng tawad. Sa totoo lang, gusto niya lang tamasahin muli ang katawan nito bago umalis.

Erica, patawarin mo ako. Huwag ka na magalit,wika ni Miguel, habang niyayakap siya mula sa likod, at humihingal. Hindi kita iiwanan kung magdadalantao ka.

Paano ang babaeng si Klaire?! At ang legal mong asawa?!

“Si Klaire ay asawa iyon ng Uncle ko. At si Nora naman, alam mo na ang tungkol sa amin.

Samantala, tinangay na ng pagnanasa si Miguel. Wala na siyang ibang iniisip kung hindi ang kasiyahang naging

adiksyon na. Kailangan niyang masiyahan muna ang pagnanasa at saka na iisipin si Klaire. Tungkol naman kay Kira, hindi na siya gaanong nagmamalasakit dito.

Erica, please. Masakit kung iiwan mo ako nang ganito.

Peke ang pagaatubili ni Erica, ngunit sa huli, pumayag din siya. Mas mabuti pa nga na mabuntis siya agad kay Miguel. Hindi lang para matiyak ang pananagutan niya kung hindi para matupad din ang pangako niya kay Rage na makuha ang puso ni Miguel.

Habang inuulit ni Miguel ang kanyang pagkakamali, hindi niya nalalaman na siya ay nahuhulog na sa bitag ni Erica, ang kanyang asawa naman ay malungkot na nakaupo sa hapagkainan.

Sinira ng pagiging malambing nina Klaire at Rage sa harap niya ang gana ni Kira at halos gustong maduwal. Sa paningin ni Kira, nagpapakitanggilas lamang si Klaire nang malaman nitong hindi umuwi si Miguel kagabi.

Kira, bakit kaunti lang ang kinain mo?mahinahong binuhat ni Klaire ang pagkain patungo sa pinggan ni Kira. Kumain ka pa. Huwag masyadong magalala tungkol kay Miguel. Alam natin na mabuti siya.

Ngumiti naman si Anna sa kabaitan ng kanyang daughterinlaw, sa kabila ng mga pagkakamali ni Kira noon. Samantala, tila wala namang gaanong atensyon si Baltazar na ngayon ay nalulunod sa sarili niyang iniisip.

Nasaan na kaya si Miguel ngayon? Bakit hindi siya umuwi buong gabi? At bakit tila iniwan niya ang asawa sa bahay ng kanyang lolo? Seryoso ba talaga siyang maghabol ng diborsyo? Gusto ba niyang hiwalayan si Kira hindi dahil kay Klaire, kung hindi dahil sa isa pang babae?ani Baltazar sa kanyang isipan.

Papa, bakit tila nagiisip ka rin? Kumain ka pa,paalala ni Klaire.

Naging abala si Klaire sa paghahanda ng mga ulam para sa lahat, magaan ang loob habang naglilingkod sa kanyang pamilya.

Darling, may mga maid naman dito. Nalilito na ako sa ginagawa mo. Umupo ka na at magpahinga,sabi ni Rage sa kanya.

Pagkatapos ng almusal, agad na nagpaalam si Kira at umakyat sa kwarto, habang nanatili naman ang iba.

Hinintay ka ni Klaire hanggang sa napagod na siya kagabi. Nasaan ka ba?pinigilan ni Anna ang sarili sa pagkain, ngunit hindi na siya nakatiis.

Nakipagkita ako kay Abraham. Kilala mo siya, Ma. Palagi niya akong iniimbitahan uminom kapag dumadalaw,paliwanag ni Rage at napansin ang hinala sa mga mata ni Anna. Wala akong ginawa na makakasira sa dangal ng pamilya. Ano ba ang iniisip ng nama? Perpekto na ang asawa ko at wala na akong kailangan na iba pa.

Dahil diyan, ngumiti nang bahagya si Klaire sa papuring iyon ng asawa.

Hindi naman iyon ang sinabi ng ina mo!tugon ni Anna, sabay buntonghininga. Pero dahil sa trabaho mo, baka palagi mong iiwan si Klaire hanggang gabi. Hindi papayagan ni mama na lumipat kayong dalawa habang buntis siya. Kung may mangyari, narito naman ang mama at papa mo para samahan siya.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)