Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 103

Bakit nandito na naman tayo? Pinilit mo na nga akong magpapicture dito kahapon,reklamo ni Klaire.

Makaguluhang ngumiti si Rage. Tumayo siya sa likod ni Klaire, inilapit ang ulo at bumulong, Buksan mo ang pintonasa loob ang regalo mo.

Nagaalinlangang binuksan ni Klaire ang pinto ng Room 4306. Nang tuluyan na itong bumukas, nanlaki ang kanyang mga mata’t napanganga sa gulat.

Aanossinosino siya?Hindi makapaniwala si Klaire sa nakita. Isang lalaking nakatali sa upuan, may puting tela na nakasalpak sa bibig nito.

Iling ito nang iling, namumula ang mukha, at mga ungol lamang ang lumalabas sa bibig na tila may nais sabihin ngunit hindi magawa.

Lloyd Santos… Hindi ko alam kung anong pangalan ang ginamit niya sa’yo, dahil madalas magpalit ng pangalan ang lalaking ito kapag may nilalapitan siyang babae. Siya ang lalaking gagalaw sana sa iyo noong gabing iyon,paliwanag ni Rage.

Lalong nanganga si Klaire. Ito pala ang tinutukoy ni Rage na regalo?

Ano naman ang gagawin niya sa lalaking ito? Madalas talaga, hindi niya maintindihan ang mga naiisip ng asawa.

AanoHindi maituloy ni Klaire ang sasabihin.

Hinila siya ni Rage papasok sa kwarto at isinara ang pinto. Noon lang napansin ni Klaire na hindi lang silang tatlo ang nasa loob.

May apat na malalaking lalaki sa sulok ng silid, at sabaysabay silang yumuko bilang pagbati sa kanila. Hinila ni Rage ang isang upuan at sinenyasan si Klaire na umupo roon. Sumunod naman siya, kaharap si Lloyd Santos.

Totoo ngang wala siyang nagawa sa’yo. Pero puwede naman sana niyang tanggihan ang utos ng stepsister mo, pero hindi, ginusto niya ito. Ano ang balak mong parusa sa hayop na to?bulong ni Rage.

Napalunok si Klaire. Biglang sumagi sa isip niya na kaya ni Rage na gawin ang kahit ano. Kasama na ang pagpatay sa lalaking nakaupo sa harap nila.

Hindi ko

Agad siyang pinutol ni Rage, Kung hindi dahil sa’yo, hindi natin alam kung ilan pa ang mabibiktima ng gagong yan. At para sa kaalaman mo, may nabuntis na siya, tapos iniwan lang.

Kinumpirma ni Klaire sa sarili ang sinabi ni Rage. Kung nagawa nitong tangkaing gahasain siya, tiyak na hindi lang siya ang maaaring gawan nito nang masama. At kung totoo ngang may babae itong binuntis at tinakasan, hindi niya ito mapapalampas!

Perohindi rin niya alam kung anong dapat gawin sa lalaki.

Kung ipapautos niyang bugbugin ito, baka sumobra ang apat na lalaki at mapatay pa ang Lloyd na ito. Kita pa naman sa katawan ng mga tauhan ni Rage na hindi sila bastabasta.

Kabanata 103

+25 BONUS

Puwede mong hilingin na bugbugin siya hanggang matutoo tapusin na lang siya nang tahimik,alok ni Rage. Lalong bumilis ang pagiling ni Lloyd, ngayon ay umiiyak na habang nanginginig sa takot, namumula ang buong

mukha.

Ang tingin ni Lloyd kay Klaire ay puno ng pagmamakaawaparang nagsusumamo na patawarin siya at palayain. Pero tinitigan lang siya ni Klaire nang may matinding pagkasuklam. Kinasusuklaman niya ang mga lalaking tulad nito. Kung si Rage man ay tumakas at naging iresponsable pagkatapos ng lahat ng ito, hindinghindi niya rin ito mapapatawad.

Mabilis na nagisip si Klaire ng parusa na hindi lalabag sa batas ngunit magsisilbing babala sa lalaking ito. Gusto kong pagdusahan niya ang kasalanan niya at hindi na ulitin pa. Pero ayoko siyang mamatay. Kailangan niyang panagutan ang babaeng nabuntis niya,mariin na pahayag ni Klaire.

Ngumiti si Rage at tinanguhan ang mga tauhan. Pagkatapos ay inakay palabas si Klaire mula sa kwartong yon.

Sa totoo lang, matagal nang gustong parusahan ni Rage ang lalaking iyon bago pa ang kasal nila. Pero may siyang mga plano.

iba

pa

Ipinautos na niyang parusahan si Lloyd noon pa. Ang presensya ni Klaire sa kwarto kanina ay isa lamang babala.

Gusto ni Rage na sabihan ni Lloyd sira Kira na huwag nang muling guluhin si Klaire. Dahil kung hindi, tatapusin niya si Kira gaya ng ginawa niya kay Lloyd.

Saan tayo pupunta?tanong ni Klaire pagpasok nila sa elevator.

Sa top floor.

Akala ni Klaire ay gusto ni Rage na doon sila magpalipas ng wedding night sa kuwarto kung saan unang silang nagkakilala. Pero nagkakamali siya! Ang totoo, gusto talagang sirain ni Rage ang Room 4306 na yon upang wala nang makakaalam ng mga nangyari noong gabing iyon.

beses

Matapos parusahan si Lloyd, iniutos ni Rage sa kanyang mga tauhan na sunugin ang kwarto hanggang sa tuluyan na itong hindi magamit.

Bahagyang ngumiti si Rage habang iniisip ang mangyayari pa lamang.

We’re here.

Pagdating sa marangyang kwarto na binanggit ni Rage, agad na napahanga si Klaire at nagikot sa loob. Napatingala siya nang biglang bumukas ang kisame matapos pindutin ni Rage ang isang button sa remote.

Kabanata 104

+25 BONUS

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)