Tulad ng hari at reyna, napakaganda nilang tingnan na magkasayaw. Maging ang mga bisita ay hindi makapaniwalang ganoon ka–perpekto ang bagong kasal.
Malakas na palakpakan ang sumunod matapos ang kanilang sayaw. Ang ibang mga magkasintahan ay nagsimulang magsayaw rin sa bagong musika.
Sa dami ng mga mga magkasintahan na umiikot sa paligid nina Rage at Klaire ay tuluyan nang nawalan ng kaba ng babae.
Ngayon, tila talagang ini–enjoy na niya ang kasiyahan. Matagal na niyang pinangarap na makasayaw ang isang lalaki, at ngayon, natupad iyon ni Rage para sa kanya.
Samantala, napansin ni Chris si Charlie na papalapit muli kay Klaire, kaya mabilis siyang kumilos at hinarang ang babae. Tulad ng isang prinsipe, yumuko siya at iniabot ang kanyang kanang kamay sa babae.
Nagulat nang husto si Charlie. Bakit biglang lumapit sa kanya ang supladong lalaking ito at niyaya siyang sumayaw?
Matapos ang ilang segundong pag–aalinlangan, at sa parehong dahilan ni Klaire, tinanggap ni Charlie ang kamay ni Chris. Ayaw rin niyang mapahiya ang lalaki kung tatanggihan niya ito.
“Your best friend seems to be having fun. Huwag mo na masyadong kulitin si Charlie. Baka mawalan pa siya ng pagkakataong makipag–date kung patuloy kang dumidikit sa kanya,” bulong ni Rage sa tainga ni Klaire.
Hindi agad naintindihan ni Klaire ang sinasabi ng asawa. Abala pa siya sa pag–e–enjoy sa musika at sa pagsayaw nila. Hanggang sa mahagip ng kanyang kulay hazel na mga mata ang lalaking kasayaw ng isang pamilyar na babae–kapwa tila nahihiya pa!
Nagulat si Klaire na si Chris pa ang nagyaya kay Charlie na sumayaw. Ang pagkakakilala niya kasi lalaki ay mas mahiyain at mas suplado pa kaysa kay Rage.
Isa rin pa lang normal na lalaki si Chris, na kayang ma–inlove sa isang babae… naisip ni Klaire.
“Alam mo ba, ito ang unang beses na lumapit si Chris sa isang babae. Baka in love na siya sa kaibigan mo. Huwag mo na silang guluhin,” dagdag pa ni Rage.
Ngumiti si Klaire. Mukhang bagay naman si Charlie kay Chris. Mabait at maaasahan ang personal assistant ni Rage.
Sa kanyang puso, naniwala si Klaire sa sinabi ni Rage. Baka nga ‘love at first sight‘ ang nangyari sa dalawa.
“Mas relaxed ka na ngayon. Mukhang nagustuhan mo talaga ang pagsasayaw natin,” ani Rage habang lalong hinigpitan ang yakap sa kanya, hindi alintana kung hindi na angkop sa musika ang kanilang sayaw. Ang mahalaga, mayakap lang niya si Klaire!
Tumango si Klaire. “Gusto ko ang ganitong sayaw. Thank you.”
Umangat ang dulo ng labi ni Rage, ngunit hindi ito napansin ni Klaire. Ilan sa mga colleague ni Rage ang napanganga pa nang makita ang malawak na ngiti sa kanyang mukha–halatang masaya–masaya.
1/2
Kabanata 102
+25 BONUS
Sa gitna ng kasiyahan, napansin ni Klaire si Miguel na may kasayaw na mas batang babae. Nasaan si Kira? Hindi niya makita ang kanyang bruhang stepsister.
“Do you want to dance with him? Papayagan kita, pero ngayon lang.”
“Sino ang tinutukoy mo?” kunwaring tanong ni Klaire. “Pagod na ako… gusto ko nang umupo.
“Alright, let’s end this party.”
Ang party na dapat ay tatagal ng limang oras ay natapos nang apat lang.
Sakay ng isang convertible, bumiyahe sina Rage at Klaire paikot sa lungsod papuntang hotel na inihanda para sa kanilang wedding night. May parada rin at libreng pagkain sa daan habang dumaraan ang kanilang sasakyan.
Lubos ang pagkahiya ni Klaire. Ayaw kasi siyang payagan ni Rage na isara ang convertible. At bukod pa roon, mabagal na mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan.
Intensyon ni Rage na ipagsigawan sa buong mundo na kanya lamang si Klaire. Na wala na dapat sinuman ang maglalakas–loob na lapitan siya…
“Ngumiti ka sa lahat. You don’t want your embarrassed face to be on the front page of the newspaper tomorrow morning, do you?“”
“Bakit ba kailangan pa ng mga ganito? Ayoko ng maraming tao.” Parang gusto nang ilumubog ni Klaire ang sarili sa dagat sa sobrang hiya. “Hindi naman tayo sikat, pero ganito kalaki ang atensyon na nakukuha natin.”
Marahang napatawa si Rage. “Nakalimutan mo na ba kung sino ang asawa mo? Simula ngayon, isa ka nang babaeng pinakaimportante kaysa kanino man. Huwag mong kakalimutan ‘yan…”
Ngunit… pakiramdam pa rin ni Klaire ay sobra ang lahat ng ito para kay Rage.
“Sige na… huwag ka nang sumimangot. Malapit na ang surpresa ko para sa iyo.”
Doon lang tuluyang napagtanto ni Klaire kung nasaan na sila. Hindi siya makapagsalita—nakatingin lamang sa lugar na ayaw na niyang balikan kailanman.
Hindi napansin ni Rage ang reaksyon ni Klaire. Abala ito sa pakikipag–usap sa may–ari ng hotel na sumalubong sa kanila. Pagkatapos, inalalayan niya si Klaire papunta sa hotel room na inireserba nila.
Napasinghap si Klaire nang makatapak sa harapan ng pinto. Tumigil ang kanyang paghinga nang makita ang numero ng hotel room na kanilang pagtutuluyan sa gabing iyon.
Kabanata 103

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)