Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 101

Kabanata 101

Halos sumabog ang puso ni Rage sa tuwa sa narinig at sa reaksiyon ni Klaire. Napakacute talaga ng asawa! Parang gusto na niyang lamunin nang buo ang asawa sa sobrang pagkasabik dito!

Hanggang sa hindi na niya namalayan na untiunti na siyang yumuyuko para sana mahalikan ang ang labi ni Klaire. Ngunit alam ni Klaire ang balak ng lalaki. Marahan niyang itinulak ang pisngi ni Rage gamit ang

hintuturo.

Ano bang balak mong gawin? Nasa harap tayo nang maraming tao.

Napakurap si Rage nang mapagtanto ang gustong gawin. Para malaman nila na masaya tayo sa isa’t isa,aniya. At para malaman ng mga babaeng naghahabol sa akin na sa pagmamayari mo ako. So, don’t be shy. Come here. Dapat marunong kang manindak para protektahan ang asawa mo sa mga babae.

Sa inis, kinurot ni Klaire ang tiyan ni Rage dahil lalo pang ngumunguso ang lalaki. Nahihiya siya nang mapansing may ilang bisita na nakatingin sa kanila, pabulong na nagtatawanan.

Akala siguro ng mga tao sa paligid ay sadyang mahal na mahal nila ang isa’t isa at sabik na sabik na sa kanilang honeymoon. Pero sa totoo lang, hindi pa nila naiintindihan ang damdamin sa isa’t isa.

Ginusto ni Rage si Klaire dahil sa responsibilidad niya sa babae at sa hindi maipaliwanag na pagnanasa niya rito kapag nakikita ito. Samantalang si Klairehindi niya pa alam ang tunay na nararamdaman niya para kay Rage. Mula nang mabuntis siya, tila hindi na rin niya maintindihan ang sarilipara bang naging ibang tao na siya.

Why do you keep avoiding me?reklamo ni Rage. Kailangan nating ipakita sa mga tao na masaya tayo. Gusto mo bang isipin nila na nagkukunwari lang tayong magasawa?(1)

Marahang tinulak ni Klaire ang dibdib ni Rage para hindi gaanong halata sa harap ng maraming tao. Huwag mong sirain ang magandang pangalan ng mga De Silva, Mr. Rage De Silva.

Mabuti na lang at lumapit ang bestfriend niyang si Charlie at sinagip siya sa paguusap na yon.

Klaire! Miss na miss na kita!sigaw ni Charlie at agad na umupo sa pagitan nila ni Rage, saka niyakap siya nang mahigpit.

Chabakit hindi ka dumating noong tinawagan kita noong isang araw?tanong niya, medyo nagtampo siya nang hindi sumipot si Charlie sa biglaang bridal shower sinet up ng mga De Silva para sa kanya.

I’m sorry, best. Hindi maganda ang pakiramdam ko noon at masyado ka nang late tumawag,sagot ni Charlie.

Nagkuwentuhan nang masaya ang dalawang babae dahilan para lubos namang mainis si Rage. Paalisin na ba niya ang langgam sa tabi niya? Palagi kasing istorbo ang Charlie na ito sa pagitan nilang dalawa ni Klaire!

Hindi! Agad na pinalis ni Rage ang ideya. Siguradong pagagalitan siya ni Klaire kapag pinaalis niya ang bestfriend nito.

Hanggang sa may naisip na ideya si Rage.

Bakit kaya hindi niya imatch si Chris kay Charlie? Kapag naging sila, hindi na madalas na magkikita sina Klaire at ang bestfriend nito

1/2 2

Kabanata 101

+25 BONUS

Agad na hinanap ni Rage ang personal assistant na nakaupo pa rinpormal at hindi gumagalaw. Tinititigan lang nito ang mga musikerong kumakanta, pero halatang wala naman itong interes sa performance ng mga ito,

Bakit ba pinagaaksayahan pa ng lalaki ang mga musikero kung hindi naman pala nito gusto ang mga ito?

Nang may dumaan na waiter, tinawag ito ni Rage at pinakiusapang ipatawag si Chris. Ilang sandali lang, naroon na ang matangkad at guwapong lalaki sa tabi ng upuan ni Rage.

Ano po ang kailangan ninyo, Sir?

Ikinumpas ni Rage ang hintuturo bilang senyas na lumapit pa si Chris. Pagkalapit ng lalaki, bumulong siya sa tainga nito, Ayaw nang pakawalan ng Charlie na ito ang asawa ko. Kunin mo ang atensyon at samahan mo. Wala naman siyang kasamang date nang dumating dito.

Tumango naman si Charlie, agad na naintindihan ang gustong mangyari ng amo. Pumalakpak siya nang isang beses at agad nagbago ang musikanaging isang mabagal at romantiko. 1

Naghiyawan ang mga bisita na gusto nang makita ang bagong kasal na sumayaw muna. Taasnoong tumayo si Rage, iniabot ang kamay kay Klaire at binangga pa ang mukha ni Charlie na parang wala lang ito sa pagitan nila.

Napasimangot si Charlie at napamura nang mahina. 1

Samantala, ayaw talaga ni Klaire na sumayaw. Sinabihan na niya si Rage kanina pa lang nang malaman niya kung gaano karami ang mga bisita nila sa kasal. Pero ayaw din naman niyang mapahiya ang asawa sa harap ng maraming tao kaya tinanggap niya ang imbitasyon nito.

Hinawakan niya ang kamay ni Rage. Inakay siya ng lalaki sa gitna ng event hall. Ang mga tao ay nagsitayo at pumalibot sa kanila.

Nagkatitigan ang magasawamalalim at puno ng emosyon ang kanilang mga mata. Hinila ni Rage ang baywang ni Klaire palapit sa kanya at sinimulan nilang igalaw ang katawan sa saliw ng tugtugin.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)