Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 100

Hindihindi po ako ang nagnakaw noon, Papa

Wala akong pake sa dahilan mo! Kailangan mong isauli agad ang perang yon sa mga De Silva! Dahil sa katangahan mo, hindi tuloy ako ang naghatid kay Klaire sa altar, kundi yung gagong yon!

Ito ang unang beses na ipinakita ni Theodore ang galit niya sa anakanakan. Talagang nagngingitngit siya nang makita si Jordan na nasa unahan kasama ng pamilya De Silva, habang siya ay hindi pinayagang makapasok sa VIP area dahil wala siyang special invitation. 1

Nakakahiya para kay Theodore lalo na’t marami sa kanyang mga kakilala ang nakakita sa kanya sa labas at nagtaka kung bakit wala siya sa hilera ng mga VIP. At lahat ng ito ay dahil lang sa kagagawan ni Kira na kinalaban si Rage De Silva!

Si Ate Klaire ang nanira sa pangalan ko, Papa! Gusto niyang masira ang kontrata ko sa De Silva Company,maluhaluha si Kira at tila iiyak na.

Si Matilda na tahimik lamang kanina ay niyakap ang anak. Bakit ka naman ganyan? Inaakusahan mo si Kira na gumawa ng kahiyahiyang bagay?

Nang makita ni Theodore ang malulungkot na mukha ng anak at asawa, agad na lumambot ang puso niya. Kahit kailan ay hindi niya makakayanang makita ang mga ito na malungkot.

Tingnan mo ang panganay mong anak! Ni ayaw nga tayong kilalanin at mas pinili pang ipahiya ang pamilya natin dito,panunulsol ni Matilda sa asawa.

Tiningnan niya nang masama si Klaire na nakangiti sa ilang officials na ipinakilala ni Rage. Nagpuyos ang dibdib ni Theodore, puno ng galit at pagkamuhi sa sariling anak.

Iyon nga lang, walang kamalaymalay si Klaire at wala na ring pakialam sa galit ng ama. Nakita na niya sina Theodore at Matilda kanina, pero hindi niya pinansin ang mga ito.

Your wife is still very young, Mr. De Silva. Marunong kang pumili,sabi ng isa sa mga kakilala ni Rage. 1

That’s how it isHindi ko siya matanggihan dahil sobra niya akong mahal,sagot ni Rage.

Tinitigan nang masama ni Klaire ang asawa. Samantala, napailing lang si Rage na may nakakalokong ngiti.

Pero kahit ganoon, kitangkita ng mga kalalakihang kaibigan ni Rage kung paano ito laging palihim na tumitingin kay Klaire. Kahit ngayon, ninanakawan pa rin niya ito ng sulyap kahit kausap ang iba.

Congrats, Rage.Isang magandang babae ang nakipagkamay kay Rage. Sayang, hindi tayo ang nagkatuluyan. Dapat pala pinagpatuloy ko ang panliligaw sa yo hanggang sa mahulog ang loob mo sa akin.

Dahil sa narinig, lumapit si Klaire kay Rage. Hindi niya gusto ang pagiging malapit ng magandang babae sa

asawa.

Sino tong babaeng to? Isa ba siya sa mga nakarelasyon ni Rage noon?

Napansin ni Rage ang paninibugho ni Klaire kaya ginatungan pa niya ito, Oh, Jade, ang tagal nating di nagkita. Lalo kang gumanda.

Lalo pang nainis si Klaire nang marinig ang papuri ni Rage sa babaeng nagngangalang Jade. Napakasexy ng katawan nito at parang artista. Hindi niya namalayang napiga na niya ang braso ni Rage nang mariin.

Well, kukuha lang ako ng inumin. Nasasaktan ang puso kong makita kang ikinasal na sa iba.

Sunodsunod na rin ang pagbati ng mga babaeng ipinagkasundo noon kay Rage. Hindi na mapigilan ang pagkairita ni Klaire. Wala na ang ngiti niya kahit nagtatawanan ang mga tao sa harapan nila.

What’s wrong, my wife? Pagod ka ba?tanong ni Rage nang makaupo sila.

Hindi. Gusto ko lang umuwi agad,malungkot ang boses ni Klaire.

Pakiramdam ni Klaire ay pinabayaan lang siya ni Rage mula kanina. Panay ang pakikipagusap nito sa mga bisita, lalo na sa mga magagandang babae. Dagdag pa ang epekto ng kanyang pagbubuntis, mas naging sensitibo siya kaysa dati.

Nabahala naman si Rage nang mapansin niyang medyo basa ang mga mata ni Klaire. Sumobra ba ang panunukso niya?

Pero sa kabilang banda, natuwa rin si Rage dahil halatang mahal na mahal siya ng asawa. Gusto niyang marinig na sabihin mismo ni Klaire ang mga salitang yon sa harap niya.

Huwag mong isipin yung mga babaeng yon. Alam mo naman, marami ang may gusto sa asawa mo. Lift your chin up and be a shield for me,pagpapalakas niya ng loob nito.

Pero lalo lang nadismaya si Klaire sa sinabi ng asawa. Bakit siya ang kailangang magtaboy sa mga babaeng yon? Dapat alam ni Rage ang limitasyon at iwasan na ang pagpuri sa ibang babae, o kahit kausapin ang mga ito.

Bakit ka pa rin nakasimangot? Sabihin mo na lang kung anong gusto mong gawin ko para ngumiti ka. This is our special day, don’t be sad

Ganoon lang ang paraan para paaminin ni Rage si Klaire sa nararamdaman nito. Sa totoo lang, handa siyang sundin ang gusto ng asawa. Gusto lang niya makita ang nakakatuwang reaksyon ni Klaire.

Mga ex mo ba sila?

Matipid siyang napangiti.

Hindi. Bakit, nagseselos ka?pangaasar niya. 3

Lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Klaire sa braso ni Rage. Ayoko na pinupuri mo ang ibang babaeAyoko silang nakikitang ngumingiti sa yoGusto ko nang umuwi ngayon!

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)