“Kinamuhian niyo po ako? B–Bakit?” tanong ni Klaire. Gulat na gulat siya sa sinabi ng tiyuhin.
Ngunit bago pa siya makakuha ng sagot, binuksan ni Jordan ang pintuan sa harap nila. Hinila rin nito ang kamay niya mula sa braso niya para mapalapit pa sa kanya.
“Hindi na natin kailangang pag–usapan ang malulungkot na bagay sa espesyal na araw na ito. Ngumiti ka…” Ngumiti ang lalaki habang pumapalakpak ang mga tao sa kanilang pagdating.
Nawala bigla ang pag–uusisa ni Klaire sa sinabi nito. Muling bumalik ang nerbiyos niya sa dibdib. Lahat ng mga mata ngayon ay nakatuon sa kanya.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit sila sa altar.
Sa dulo, nakatayo si Rage nang buong tikas habang hinihintay si Klaire. Walang bakas ng ngiti sa mukha nito. Akala tuloy niya, galit pa rin si Rage dahil sa nangyari kagabi.
‘Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Galit pa rin ba siya dahil pumasok si Miguel sa kuwarto kagabi? Pero… hindi ko naman kasalanan ‘yon!‘
Hanggang sa nakatayo na siya kaharap si Rage. Ginawa nila ang parehong proseso tulad ng nauna nilang kasal, pero sa pagkakataong ito, maraming tao na ang saksi.
Sa malaking monitor screen na inilagay sa courtyard at sa gilid ng kalye, makikitang masaya ang bagong kasal. At nang isuot na ni Rage ang singsing sa daliri niya, napahinto ang lahat sa paghinga.
Narinig ang masigabong palakpakan sa bawat sulok ng lugar nang maghalikan sila. Hinila ni Rage ang baywang niya para muli siyang halikan matapos ang isang maikling halik. Pero iniwas niya ang labi, nahihiya ang mukha.
Napuno ng tawanan ang buong lugar. Hindi inaasahan ng mga tao na ganoon kamahal ni Rage De Silva ang kanyang asawa na wala siyang pakialam sa mga matang inggit na inggit na nakatingin sa kanila.
Nagpatuloy ang kasiyahan at mas naging magaan ang aura doon. Ilang sikat na musicians rin ang nagpasaya sa paligid.
Pero hindi lahat ay masaya para sa bagong kasal… (1)
Sa libu–libong babaeng nabigo dahil ang isang Rage De Silva ay opisyal ng kasal, isang babae na nasa isang sulok ng kwarto ang halos nagpupuyos sa galit.
Mahigpit na hawak ni Kira ang kanyang wineglass habang galit na galit na nakatingin kay Klaire. Ayaw niyang makita ang walang hiyang babae na maging sentro ng atensyon. Hindi pa niya matanggap na wala man lang masamang balita na lumabas tungkol sa pagpapakasal ni Klaire sa tiyuhin ng dati nitong fiancé!
Lahat
ng pagsisikap niya para pabagsakin si Klaire… kasama na ang pakikipag–usap niya sa ilang mga reporters para ipakalat ang balita tungkol sa diumano’y relasyon nina Klaire at Rage habang siya pa ang fiancée ni Miguel
ay hindi nagtagumpay.
…
Malaki na ang ginastos ni Kira para guluhin ang araw na ito. Pero may isang taong gumastos ng sampung beses pa para pigilan ang plano niya!
Kabanata 99
+25 BONUS
Siyempre, inasahan na ni Rage ang lahat ng ito.
Isa lamang si Kira sa mga mumunting langgam na tinapakan niya para maging maayos ang kanyang kasal.
“Grabe, ang swerte ng stepsister mo. Ninakawan mo na nga ng fiance, pero sa huli, siya pa rin ang nakabingwit nang mas malaki,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Kira na dumalo rin sa bachelorette party ni Klaire noon.
“Kahit pa halos 40 years old na si Rage, iiwan ko rin ang boyfriend ko para sa ganyang lalaki,” sabat naman ng isa pa. “At pati si Miguel na asawa mo… wala ‘yan kumpara kay Rage De Silva. Luging–lugi ka, Kira.”
“Speaking of, wala si Miguel mula kanina. Nasaan na ang asawa mo?”
Lalong nag–init ang ulo ni Kira nang marinig ang mga pang–iinsulto ng mga kaibigan niya. Akala niya mga tunay niya itong mga kaibigan, pero sa totoo lang, kinukutya lang siya ng mga ito. Sa huli, iniwan niya ang mga
ito.
Ngunit napahinto siya nang makita ang asawa na nakaupo kasama ang isang batang babae. Halatang malungkot si Miguel habang mahaba ang sinasabi nito sa babae.
“Dapat ako ang pakakasalan niya. Nagsisisi ako na pinakawalan ko siya. Dapat mas pinagkatiwalaan ko pa si Klaire noon,” pagsisisi ni Miguel habang umiinom pa ng alak.
Agad na hinablot ni Kira ang baso ni Miguel bago pa ito makainom muli.
“Ano ba ‘tong ginagawa mo? Sino ‘tong putang babaeng ‘to?! Ang sabi mo, sasama ka kay Mommy Rita! Bakit nandito ka kasama ang ibang babae?”
Inalis ng dalaga ang kamay ni Miguel sa baywang nito at saka dali–daling umalis. Tumayo naman agad si Miguel at tumalikod sa asawa papunta sa VIP area.
Pipigilan na sana ni Kira si Miguel, pero bigla na lamang hinablot ni Theodore ang braso niya.
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko simula pa kahapon?” Galit ang tono ni Theodore, pero pilit niya itong pinababa para walang makarinig.
“Anong kailangan mo, Papa?” Nakatingin pa rin si Kira sa papalayong asawa.
“Pumunta na naman sa akin ang abogado ng mga De Silva. Pinagbabayad ako sa perang ninakaw mo. Nasiraan ka na ba ng ulo ha, Kira? Sampung bilyon ‘yon!”
Bumaling ang tingin niya sa ama. Namutla ang mukha niya sa takot habang binubuksang muli ang isyu na iyon.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)