“Maraming inimbitahang importanteng tao si Rage, mula sa loob ng bansa at pati ang mga kaibigan niya sa ibang bansa. Ang mga empleyado ng kumpanya naman ay papanoorin lang ng kasal n’yo mula sa labas ng gusali. Wala kasing lugar na sapat ang laki para pagkasiyahin silang lahat,” paliwanag ni Anna.
“Gusto pa ngang bilhin ni Rage ang isang football stadium para doon na lang idaos ang kasal n’yo. Pero hindi iyon pinayagan ng gobyerno,” patuloy pa niya.
“I–ilang bisita po ba ang dadating, Mama?” kuryosong tanong niya.
Hindi siya pinayagan na makialam sa paghahanda ng kasal. Pinili lang niya ang theme, wedding dress, at maliliit na bagay para hindi siya mapagod.
“Hindi ko rin alam, hija. Pero ang sure ako, may mga anim na libong VIP guests na pwedeng umupo sa mga upuang nasa courtyard ng gusali. Hindi natin sila pwedeng ihalo sa ibang tao para na rin sa kaligtasan at kaginhawahan nila. Marami pa namang matataas na opisyal din ang naroon.”
Napalunok si Klaire. Akala niya simpleng kasal lang ito tulad ng sa normal na couple. Hindi niya akalaing isang engrandeng selebrasyon ang ihahanda ni Rage, bagay na ni sa panaginip ay ‘di niya naisip.
Lalong kinabahan si Klaire matapos marinig ang kwento ng mother–in–law. Nanlamig ang kanyang mga kamay nang pumasok sa area ng gusali ang kanilang sasakyan.
May mga dosenang reporters na inimbita mismo si Rage at handa na para salubungin ang pagdating ng bride- niya. Tumayo na rin ang mga bisitang nakaupo doon, bilang pagbibigay–galang sa pagdating niya.
“Ma… parang gusto ko nang umuwi.” Namumuo na ang luha sa mga mata ni Klaire.
“Ay… huwag kang iiyak, anak.” Inilapit ni Anna ang kamay sa mukha ni Klaire. Gusto sana niyang haplusin ang pisngi nito pero ayaw niyang masira ang makeup nito.
Grabe ang kaba ni Klaire. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito kalaking atensyon mula sa napakaraming tao. Sa labas pa lang ng bakuran, siksikan na ang mga tao na parang mga langgam.
“Pakalmahin mo ang sarili mo bago ka bumaba.” Hinawakan ni Anna ang kamay niya, pinapalakas ang loob niya. “Nandiyan din ang kapatid ng Mama mo, si Jordan Villanueva. Kakadating lang niya sa bansa ngayong umaga at sasamahan ka niya mamaya.”
Tama… ngayon lang naalala ni Klaire iyon. Noong mga nakaraang araw, nabanggit nga ni Rage na kokontakin niya ang pamilya ng Mama niya.
Isang beses pa lang nakausap ni Klaire ang kanyang Uncle Jordan sa telepono–isang simpleng pagbati lang. Kaya imbes na kumalma, lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa nerbiyos.
Pinapunta ni Anna ang driver sa tabi ng isang gusali kung saan nandoon lang ang mga event staff. Agad na bumaba si Klaire kasama ang mother–in–law at pumasok sa isa sa mga kwartong inihanda para sa kanya.
Mabilis ang tibok ng puso ni Klaire nang bumukas ang pinto. Sandali na lang, makikita na niya sa unang pagkakataon ang kanyang uncle.
Isang lalaking matangkad at may pangangatawan ng isang atleta ang nakatalikod sa kanila. Nang humarap ito,
1/2
Kabanata 98
+25 BONUS
nanlaki ang mata ng lalaki sa nakita.
“Ikaw na siguro si Klaire…” Lumapit ang lalaki kay Klaire at iniabot ang kamay. “I am Jordan, the youngest brother of your mom Jasmine. Nice to meet you, Klaire. Kamukhang–kamukha mo ang kapatid ko.”
Napako si Klaire sa pagkakatitig sa lalaking nagpakilalang kapatid ng kanyang ina. Gwapo ito, may facial features na kahawig na kahawig ng mama niya. May matipunong panga, at mga matang kulay hazel na gaya ng sa kanya. Pati ang boses nito, mababa at lalaking–lalaki.
“Ah… ang awkward naman nito. Ayaw mo bang makipagkamay sa akin?”
Napabalikwas si Klaire at agad tinanggap ang kamay ng uncle niya.
“P–pasensya na po… Uncle…”
Ngumiti ito sa kanya. “Halika na… pamangkin.” Mahinang tumawa ito.
Ipinulupot ni Klaire ang kanyang braso sa braso ng lalaki. Samantala, lumabas na rin si Anna upang hanapin ang asawa nito.
Inakay ni Jordan si Klaire papunta sa pinto ng venue. Bago pa man sila tuluyang pumasok, humarap si Jordan kay Klaire at binigyan siya nang kakaibang tingin–isang titig na hindi niya mawari.
“B–bakit po, Uncle?” Naramdaman ni Klaire ang pagkailang sa titig na ‘yon.
“Ang weird lang ng pakiramdam… na naglalakad ako kasama ka.”
Weird? Bakit?
Hindi na nagtanong pa si Klaire. Ayaw niyang magmukhang pamangking tsismosa sa unang pagkikita pa lang
nila.
Napangiti si Jordan.
Pero ramdam ni Klaire na may kakaiba sa ngiting ‘yon ng lalaki. Hindi tulad ng kanina. Ang mga hazel na mata nito ay parehong seryosong nakatitig sa kanya.
“Matagal kitang kinamuhian, Klaire… Villanueva…”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)