*BLAG*
+25 BONUS
Padabog na binuksan ni Rage ang pinto ng walk–in closet kaya tumama ito sa pader. Hindi na niya kayang tiisin pa ng pag–amin ni Miguel ng nararamdaman nito at ayaw niyang maguluhan si Klaire.
“Bitawan mo si Klaire, Miguel!” singhal ni Rage, nag–aalab ang mga mata sa galit.
“Uncle? Anong ginagawa mo rito?” Itinuro ni Miguel ang mukha ni Rage, saka tumingin sa likuran nito. “Ah… tama nga si Kira… matagal na kayong may relasyon… Simula pa lang nang ma–engage kami.” Itinuro niya naman si Klaire.
Tumawa si Miguel, ngunit kita ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Hinawakan ni Rage ang hintuturo ni Miguel at hinila ito palabas ng kwarto.
“Lasing ka na at kung anu–ano na lang ang iniisip mo,” galit na sabi ni Rage. “I–lock mo ang pinto ng kwarto mo.”
Agad isinara ni Klaire ang pinto pagkalabas nina Rage at Miguel. Mabilis ang pag–angat–baba ng kanyang dibdib. Nabigla siya sa pagdating ni Miguel at sa pag–amin nito.
Kung gano’n ay mahal pa rin siya ni Miguel? Bakit… bakit hindi nito sinabi noon pa? Bakit hindi siya nito pinakinggan bago magdesisyong itigil ang kasal nila? Bakit hindi nito inalam ang totoong nararamdaman niya?
Hinaplos–haplos ni Klaire ang mabigat niyang dibdib upang pakalmahin ang sarili.
“Huwag mong isipin ang mga sinabi ng lalaking may asawa na, Klaire. May asawa ka na rin,” paalala niya sa sarili.
Hindi siya nakatulog nang maayos sa gabing ‘yon. Maraming bagay ang gumugulo sa kanyang isip… ang tungkol sa sinabi ni Miguel… ang mga sinabi ni Kira tungkol kay Miguel… at ang kasal niya bukas.
Sinabi ni Rage na may sorpresa ito sa kanya.
Gustong–gusto na niyang malaman kung ano iyon.
Bukod pa roon, malalaman na rin ng lahat kung sino ang asawa ni Rage De Silva. Kailangan niyang ihanda ang sarili kung sakaling may makaalam ng kanyang nakaraan.
Siguradong may isa o dalawang tao na manglalait sa kanya dahil pinakasalan niya ang tiyuhin ng ex–fiancé niya. At si Kira… siguradong hahanap ito ng paraan para hilahin siyang pababa gamit ang isyung iyon.
***
“Naku, Miss Klaire! Mukhang hindi ka nakatulog nang maayos kagabi. Ang laki ng eye bags mo!” sigaw ni Alice.
“Trabaho mong linisan ang mukha ni Miss Klaire para maging perfect siya,” sabi ni Alma habang inihahanda ang wedding dress ni Klaire.
Gaganapin ang kasalan mula hapon hanggang gabi. Gaya ng dati, pinagsilbihang muli si Klaire. Ang kaibahan lang mas matagal siyang inayusan ngayon.
1/2
Kabanata P7
+25 BONUS
Hindi masyadong maka focus si Klaire habang tinatrabaho siya ng mga katulong. Inaantok siya at magaan ang pakiramdam ng ulo, hanggang sa makatulog na naman siya.
“Madam.. oras na po para sa makeup.”
Napabalikwas si Klaire. “Anong oras na? Nakakatulog pala ako…”
“Alas–dos na po ng hapon, Miss.”
Nagkagulo ulit ang mga kasambahay at make up artists sa paghahanda sa bride. Samantala, tapos na sa preparasyon ang groom.
Napatingin si Rage sa repleksyon niya sa salamin, saka bahagyang napangiti. Sandali na lang, malaya na siyang mayakap si Klaire kahit saan, kahit kailan. Pwede na niyang itaboy ang lahat ng lalaking lalapit kay Klaire, kahit pa pagalitan siya ng ina.
“Handa na po ba kayo, Sir?” tanong ni Chris na kakapasok lang sa silid.
“Yes…”
Nauna nang nagtungo si Rage sa wedding hall. Sumunod si Klaire makalipas ang isang oras, kasama ang kanyang inang si Anna De Silva.
Nagulat si Klaire nang makita ang hanay ng mga sasakyan at mga taong nagsisiksikan sa kalsada.
“Mama, ano pong nangyayari?” Tanong niya, halatang kinakabahan. Ayaw niyang ma–late at mapahiya si Rage.
“Ano pa? Gusto lang nilang makita ang kasal niyong dalawa ni Rage,” nakangiting sagot ni Anna habang hawak- hawak ang kamay niya. “Huwag kang kabahan. Ganyan din ang naging kasal namin ng Papa mo noon.”
Isinara ang buong kalsada sa paligid ng lugar para sa seguridad ng event. Pero sa harap ng mga pulis na nagbabantay, nakapila na ang mga reporters at mga tao ilang oras na ang nakalipas.
Gusto nilang malaman kung sino ang babaeng nakabihag sa puso ni Rage De Silva–ang lalaking pangarap ng maraming babae, at masaksihan ang procession ng kasal.
Pagpasok ng sasakyan nila sa lugar, sinalubong sila ng sunod–sunod na flash ng camera na nakasisilaw sa mata. Pakiramdam ni Klaire ay dumadaan siya sa kalsadang puno ng kumikislap na mga bituin. Hindi na niya makita ang mga mukha ng mga tao sa paligid.
Pagkapasok ng bridal car sa loob ng police cordon, mas lalo siyang namangha. Napakarami palang tao sa paligid ng gusali.
Hindi naman hari o prinsipe si Rage De Silva, pero bakit ganito karami ang pumunta para lang masilayan ang kasal nila?
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)