Kabanata 96
Sa kabilang banda, ang pinag–uusapang si Lance na mahina ang tolerance sa alak ay nakahandusay na sa sofa. Ni hindi na magawang makatayo.
“Klaire… Klaire…” bulong ni Lance.
Narinig ‘yon ni Rage na nakaupo sa upuang kaharap nito. Agad siyang tumayo at binuhusan ng malamig na inumin ang mukha ni Lance.
“Get up! You’re so annoying! Kapag may nangyari sa’yo, mag–aalala na naman ang asawa ko!” (1
Huminga nang malalim si Rage at sinenyasan si Chris. Agad naman nitong binuhat si Lance palabas ng bar.
Sa kabilang upuan naman, nalulunod na sa alak si Miguel. Ni hindi na mabilang kung ilang bote na ang naubos niyang mag–isa, halatang aliw na aliw ito sa batang babaeng nakaupo sa kandungan niya.
Biglang nakaramdam ng awa si Rage para sa pamangkin. Pero hindi na niya ito pinigilan sa pakikipagharutan sa ibang babae. At least, hindi ito magkakaanak sa babaeng pilit na sinisira si Klaire.
Narinig ni Rage ang boses ng babae na kausap si Miguel, “Sir Miguel, nagkita na naman tayo rito. Huwag po kayong masyadong uminom, Sir. Mahihirapan na naman akong ihatid kayo pauwi.”
Na naman? Ibig sabihin, dati na silang magkakilala!
Biglang nawala ang guilt ni Rage. Talagang nagtanda na si Miguel at marunong nang hilumin ang sariling sugat.
Pagbalik ni Chris, nagpaalam na si Rage sa mga kaibigan at kapamilya. Ayaw na niyang manatili pa dahil mas lalong nagiging magulo ang party. Gusto na niyang makita si Klaire bago pa ito matulog.
Buong araw niyang iniwasan si Klaire para hindi siya makagawa ng mga bagay na ‘di dapat. Pero hindi na niya kayang pigilan ang sarili na yakapin ito, lalo na at ramdam niya ang epekto ng alak sa katawan.
Buti na lang at gising pa si Klaire nang makarating siya sa kwarto nito. Si Alma, na kausap ang babae, ay agad na lumabas nang makita ang pagdating niya.
“Finally, we can be alone together,” bulong ni Rage at ini–lock ang pinto.
Handa na ang mga bisig ni Rage para yakapin si Klaire. Ngunit yumuko ang babae at umiwas sa yakap niya, saka umupo habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Nakasimangot din ang mukha nito.
“Oh, buti naalala mo pa ako?” maikling tanong ni Klaire.
“Galit ka ba?” Umupo si Rage at pilit na niyakap si Klaire. “Siguro na–disappoint ka kasi hindi mo ako nayakap buong araw.”
Hindi sumagot si Klaire,
Agad namang hinalikan ni Rage ang asawa, halos namimilit.
“Damn… Hindi ko na kayang tingnan ka lang na hindi kita nahahawakan,” bulong ni Rage sa malalim at paos niyang boses.
1/2
Kabanata 96
+25 BONUS
Sa mga salitang ‘yon lang, lumambot agad ang puso ni Klaire. Agad niyang tinanggap at tinugunan ang mga halik ni Rage sa kanya.
**TOK TOK TOK**
“May tao!” sigaw ni Klaire sa gulat.
“Just shut up! Sabihin mo na lang bukas ng umaga na nakatulog ka.”
Muling naglandas ang dila ni Rage sa leeg ni Klaire.
Ngunit lalong lumakas at bumilis ang mga katok sa pintuan. Tila hindi na makapaghintay o galit na ang taong nasa labas. Umusbong ang inis ni Rage dahil naiistorbo sila sa paborito nilang gawin.
“Ah… Rage… bubuksan ko muna ang pinto. Baka importante kasi… Baka si Mama, o kaya si Ate Rita,” pakiusap ni Klaire at marahang tinulak ang dibdib ni Rage. “Magtago ka muna sa closet o sa banyo. Sandali lang ‘to.”
Napangiwi si Rage, pinunasan ang basang labi gamit ang hinlalaki.
Napalunok si Klaire sa ginawa nito. Kahit ang simpleng kilos ni Rage ay napaka–senswal para sa kanya!
Pagkapasok ni Rage sa walk–in closet, binuksan na ni Klaire ang pintuan habang inaayos ang suot na damit. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nasa tapat ng kanyang kwarto.
Walang paalam at sa hindi maayos na lakad, pumasok si Miguel sa kwarto niya. “Klaire, kailangan nating mag- usap…”
“Miguel! Anong ginagawa mo rito?!” Napalingon si Klaire sa pinto ng closet, takot na baka biglang lumabas si Rage. “Lumabas ka! Ayokong magkaroon ng maling akala ang asawa mo at kung anu–ano na naman ang ibintang sa akin!” 1
Sa loob ng closet, pinipigilan ni Rage ang sarili na lumabas at bugbugin si Miguel. Ayaw niyang sirain ang gabi bago ang kasal nila.
“Klaire… huwag kang magpakasal kay Uncle… bumalik ka na sa akin.” Bulong ni Miguel at bumagsak sa sofa.
“Lumabas ka rito, Miguel!”
Gusto na sana niyang hilahin ito palabas, pero agad na hinawakan ni Miguel ang kamay niya at hinila siya. Muntik na siyang bumagsak sa kandungan ng lalaki. Mabuti na lang at maagap siyang nakakapit sa sandalan ng
sofa.
“Miguel! Ano bang ginagawa mo?! Bakit ka nagkakaganyan? Bitawan mo nga ako!” sigaw ni Klaire, naamoy ang alak sa katawan ni Miguel. “Lasing ka! Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo!”
Mula sa siwang ng pinto, nakasilip si Rage. Pulang–pula ang mukha niya sa matinding galit. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin na lalong nagpaigtig sa matigas niyang panga.
“Klaire, huwag kang magpakasal… dapat magiging Klaire Bonifacio ka… hindi Klaire De Silva.” Bumagsak ang isang patak ng luha mula sa pisngi ni Miguel. “Mahal pa rin kita, Klaire…”
Kabanata 97
Kabanata 97

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)