Kabanata 95
‘Ah… bakit kailangan ko pang dumilat?‘ reklamo ni Rage nang mapansin niya sa gilid ng mata ang repleksyon ni Miguel.
Labag man, pinutol ni Rage ang mainit na halikan nila ni Klaire. Susunggaban pa sana muli ng asawa ang kanyang mga labi, pero mabilis na pinigil iyon ni Rage gamit ang kanyang hinlalaki.
“Wait in your room. Sigurado akong ayaw mong makita ng iba ang pagkayahok mo sa akin, hindi ba?” bulong ni Rage sa malalim at mapang–akit na boses.
Mabilis na namula ang mukha ni Klaire. Nitong mga nakaraang araw, palagi na lang niyang gustong tikman ang mga labi ni Rage. Nakalimutan na niya ang sarili at ang kanyang lugar.
–
“O–okay…” nakayukong sagot ni Klaire, nahihiya, at mabilis na naglakad pabalik sa kanyang kwarto.
Hindi naman mapigilang mapangiti ni Rage nang makita ang cute na kilos ni Klaire. Pagkawala ng babae sa paningin niya, agad siyang nagtungo sa kinatatayuan ni Miguel.
Nakaupo si Miguel sa sahig at nakasandal sa haligi. Nakayuko ang ulo at nakatitig sa kanyang mga paa habang kinikiskis ang mga iyon sa sahig. Ang parehong kamay ay nasa batok, at sinasabunutan ang kanyang buhok.
“Miguel, what are you doing here?”
Nagulat si Miguel at agad napatayo.
“Uncle… kayo ni Klaire… may rela…‘
>>
Nalunok ni Miguel ang mga salitang gusto niyang bitiwan. Dahil sa mga sinabi ni Kira, hindi niya maiwasang pagdudahan ang sariling tiyuhin. Alam niyang natural lamang ang maghalikan ang dalawa, tutal ay ikakasal na
rin sila.
“N–Nevermind. Babalik na ako sa kwarto ko. Good night.”
Pinagmasdan ni Rage ang papalayong likod ni Miguel at saka malalim napabuntonghininga. Alam niyang may duda na si Miguel sa kanya ngayon. Pero pinili niyang manahimik at huwag magpaliwanag dito.
Sinundan na lamang niya si Klaire sa kwarto. Pero napagtanto niyang hindi pa pala bumabalik si Klaire doon. Saka lang niya naalala na ipinag–utos ng Mama niya na magkahiwalay muna sila ng higaan habang naroon pa ang mga kamag–anak nila.
Sa malalaking hakbang, tinahak ni Rage ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto kung nasaan si Klaire. Pagdating niya roon, nalunok na lamang niya ang pagkadismaya.
“Mrs. Bonifacio, anong ginagawa mo rito?” singhal ni Rage, puno ng inis.
“Oh, are you alone? Hindi ka dapat nakikipagkita kay Klaire bago kayo ikasal. Para naman maging espesyal ang unang gabi niyo at mas maging sabik kayo sa isa’t isa.”
“At saan naman nanggaling ang paniniwalang ‘yan?” napairap si Rage at nangunot ang noo. “Bumalik ka sa
kwarto mo!”
1/3
Kabanata 95
+25 BONUS
“Dito ako matutulog kay Klaire ngayong gabi. Sasama rin si Chelsea.” Pumalakpak pa si Rita na tila nakaisip ng magandang ideya saka bumaling kay Klaire. “You know what? Mag–bachelorette party tayo, Klaire! Tatawagan ko ang best friend mo.”
Sa isang matalim na tingin, pinahiwatig ni Rage kay Klaire na tanggihan ang naisip na kalokohan ni Rita.
Pero ang sagot ni Klaire ay, “Sige po… namimiss ko na rin si Charlie, saka gusto ko ring makilala nang mas mabuti si Chelsea.”
Damn it…
Nagulo ni Rage ang buhok sa inis. Inakit lang pala siya ni Klaire at ngayon, iniwan siya sa ere!
***
“Oh, bakit parang gusot naman ‘yang mukha mo?” bulong ni Klaire nang dumating si Rage sa dining room at umupo sa tabi niya.
Hindi sumagot si Rage. Tutok lang ito sa pagkain ng almusal. Pagkatapos ay agad din itong lumabas.
“Anong nangyari sa batang ‘yon?” bulong ni Anna. “Nag–away ba kayo?”
“Hindi po, Mama.” Hindi naman puwedeng sabihin ni Klaire na nagtatampo si Rage dahil hindi niya ito napagbigyan kagabi.
Sa totoo lang, natatawa si Klaire sa pagtatampo ni Rage. Buong araw, iniiwasan siya ng lalaki. Tuwing susubukan niyang lapitan at hawakan ito, agad naman itong lumalayo, ni hindi siya tinitingnan sa mga mata.
Pero habang tumatagal, nagsisimula na rin siyang mairita. Nang gusto na niyang kausapin si Rage tungkol sa party bukas, ayaw pa ring sumagot nito. Hanggang sa lumalim ang gabi, saka lang muling nagpakita si Rage sa tapat ng kwarto ni Klaire.
“Handa ka na bang makipag–usap sa akin?” matigas na tanong ni Klaire.
“The guys and I are going to the bar tonight. May bachelor party sila para sa akin,” malamig na sagot ni Rage na nakatingin sa ibang direksyon.
Pagkaalala sa party, biglang nakaramdam ng kaba si Klaire. Baka kasi malasing si Rage at makagawa ng pagkakamali–gaya ng nangyari noong gabing iyon. O… baka may magbalak na mag–set up kay Rage gaya ng ginawa ni Kira sa kanya…
Gusto niya sanang pigilan si Rage, pero wala siyang karapatang pigilan ang pamilya ni Rage na magpa–bachelor party para asawa. Lalo na’t nag–abala pa sila para kay Rage.
Habang nalulunod sa sarili niyang mga iniisip, naglakad na pala paalis si Rage. Nataranta si Klaire sa inasal ng lalaki. Iniwan lang siya nito kahit hindi pa siya sumasagot.
“Ate Klaire, bakit parang tulala ka diyan?” sakto namang dumaan si Chelsea at tinanong siya.
“Ah, nagpapahangin lang ako,” sagot niya, hindi na namalayang ilang minuto na pala siyang nakatayo doon.
“Iniisip mo siguro ang bachelor party ng mga lalaki… huwag kang mag–alala, Ate. Nandoon din naman si Lance.
2/3
Kabanata 95
He will definitely tell me right away if something happened to Uncle Rage.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)