Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 94

banata 94

At nang makita nila kung paano pinipigilan ni Rage ang sarili sa sobrang galit dahil sa mga sinabi ni Kira, walang naglakas loob na sabihan siyang itigil na ang gulo.

Maging si Baltazar De Silva ay hindi na rin nakipagtalo sa sariling anak. Karaniwan naman, sumusunod ito sa ina. Sa kasamaangpalad, sangayon din si Anna sa mga ginagawa ngayon ni Rage.

Ragetama na, pleasehuwag ka nang magalit. Ayokong maging magulo ang araw na todapat masaya tayo ngayon,pakiusap ni Klaire habang marahang hinihila ang braso ni Rage.

Napansin ni Miguel ang kilos ni Klaire. Hindi na niya kaya pang manatili pa sa silid na iyon. Pinahiya na siya ni Kira, habang si Klairekitangkitang nasasaktan at nagsisisi.

Tahimik siyang lumabas, habang ang atensyon ng lahat ay nakatuon kina Rage at Klaire. Ni hindi rin napansin ni Kira na umalis siya.

Napakasuwerte mo. Kung hindi lang dahil sa mabait at maganda kong mapapangasawa, baka pinadampot na kita sa mga pulis!Maayos na tumindig si Rage at marahang inabot ang braso ni Klaire. Let’s take a break.

Pagkaalis nina Rage at Klaire, muling nabuhay ang mga bulungbulungan sa paligid. Marami ang nagsimulang alipustahin si Kira, at ilan ay kunwari namang naaawa sa kanya.

Kawawa naman ang asawa ni Miguel. Mukhang target na siya ni Ragetiyak maghihiwalay na sila ni Miguel.Napatawa pa ang isa sa mga pinsan ni Rage habang iniinsulto si Kira.

Bahaw at kunwari lamang ang awa ng mga ito. Wala ni isang De Silva ang hindi naniniwala kay Rage. Lalo pa’t may ibinulong si Hillary tungkol kay Kira noon.

Kahit sanay si Rage na manipulahin ang maraming sitwasyon, alam ng lahat na kapag nagsalita na siya nang gano’ng kahaba, ibig sabihin ay nagsasabi siya ng totoo. Kahit pa may kaunting kasinungalingan doon.

Samantala, ang lalaking naging sentro ng kaguluhan kanina ay ngayo’y naglalakad habang kaholding hands si Klaire. Sinadya ni Rage na dumaan sa kanilang garden para pagaanin ang loob ni Klaire. 1

Sa ilalim ng maliwanag na buwan, lalo pang kumikislap ang kulay hazel na mga mata ni Klaire. Napakagandagusto ni Rage na titigan ang mga yon nang matagal.

Huminto siya sa paglalakad, at marahang hinila si Klaire upang humarap sa kanya. Tinitigan niya nang malalim ang babae, pinipilit na pasukin ang kalooban ni Klaire sa likod ng mga matang yumanig sa puso niya.

Ano kaya ang iniisip ni Klaire? Pinupuri ba siya nito sa isipan nito? Iniisip ba nito ang nararamdaman ni Miguel o ni Kira? Ogusto ba nitong makipaglaro sa kanya?

Tila naengganyo si Rage sa kislap ng buwan na sumasalamin sa malinaw na mata ni Klaire. Hindi niya alam ang mga sagot sa sarili niyang tanong.

Umangat ang palad ni Rage at marahang hinaplos ang makinis na mukha ni Klaire. Sa isang banayad na galaw, dumikit ang hinlalaki niya sa mapupulang labi nito. Napalunok si Rage habang untiunting inilalapit ang mukha sa babae.

Rage

Kabanata 94

+25 BONUS

Maging si Klaire ay nabighani sa mukha ng kanyang asawa na tila kumikinang sa ilalim ng buwan. Ang matigas nitong panga, at ang mga mata nitong kung tumitig sa kanya ay para bang sinasabing siya ay kanya lamang.

Hinila ni Rage ang baywang ni Klaire gamit ang isang kamay, habang ang isa’y nasa batok nito upang itulak siya palapit. Sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi. Dahandahang itinulak ni Rage si Klaire hanggang mapadikit ito sa malamig na pader.

Ang tunog ng halikan nilang bunga ng mainit na paglalapat ng mga dila’t labi nila ay natabunan ng huni ng mga kuliglig. Wari ba’y sumasabay ang mga ito sa mabilis na tibok ng kanilang mga pusong nagtagpo.

Saglit na bumitiw si Rage sa halikang yon. Gusto niya muling makita ang magagandang matang nagnakaw ng puso niya. (1

Ngunit biglang sinunggaban ni Klaire ang kanyang labi pabalik. Mahigpit niyang pinulupot ang mga braso sa leeg nito, at inilapit pa ang katawan upang maramdaman ang init ng nakakaakit na lalaki.

Sinuklian ni Rage ng ngiti ang maalab na halik ng kanyang asawa. Kita, di ba? Gusto rin siya ni Klaire! Hindi nasayang ang lahat ng ginawa niya!

Sa susunod, ipaparada ko na ang baho ng stepsister mo sa publiko,naisip ni Rage. Akala niya, ang paghalik ni Klaire ay ‘regalopara sa kanya.

Ngunit sa likod ng isa pang pader na limang metro ang layo mula sa kanila, may isang lalaking lumuluha habang sinasapok ang dibdib. Magkahalong galit at sakit ang makikita sa kanyang mukha.

Unclesabi mo pakakasalan mo lang si Klaire para protektahan ang pangalan ng pamilya natin. Peroano itong nakikita ko ngayon? Bakit mukhang gusto niyo ang isa’t isa? Was Kira telling the truth all this time? Matagal na kayong may relasyon nang hindi ko alam?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)