Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 93

Kabanata 93

Ninakaw? Anong pinagsasasabi mo?Namula ang mukha ni Julius sa labis na galit, hindi matanggap na inaakusahan nang gano’n ang kanyang mabait na daughterinlaw. Sigurado siyang siniset up lang ni Rage si

Kira.

Gaya naman ng inaasahan ni Rage, napunta ang atensyon ng lahat kay Kira. Napangisi siya nang makita ang namumutlang mukha nito.

Bagamat maaaring nasiyahan na si Klaire sa pagkakabunyag ng baho ni Kira sa harap ng lahat, hindi pa sapat iyon para kay Rage. Gusto niyang tuluyan nang mawala sina Kira at Theodore sa buhay ni Klaire.

Tito Ragealam nating si Ate Klaire ang nagnakaw ng pera!Palipatlipat ang tingin ni Kira kina Miguel at sa ama nito. Hindi yon totoo. Wala akong ninakaw na kahit singko!

Nakipagkasundo si Kira sa De Silva Company nitong nakaraan, noong balak nang dalhin ng abogadong si Peter ang kaso sa korte. Nakiusap siyang patawarin sa nagawa niya at nangakong babayaran ang lahat sa kumpanya. Nakiusap din siya kay Peter na huwag ipaalam sa mga Bonifacio ang nangyari.

Kaya si Theodore Limson ang gusto niyang managot sa malaking pera na yon. Sigurado siyang maiintindihan siya ng ama. Ngunit hindi niya alam na tumanggi si Theodore na bayaran ang utang sa De Silva Company.

Dahil inakala niyang bayad na lahat ng utang niya, akala ni Kira ay iniwan na ni Peter ang mga ebidensya sa tahanan ng Papa niya. Inisip niyang kaya na niyang sirain si Klaire dahil wala na siyang utang kay Rage.

Kung hindi pa titigil si Rage at sasabihin sa mga Bonifacio ang tungkol sa problema, kailangan lamang magpaawa ni Kirana sabihin ang mga katagang, Tito Rage, huwag mo po akong pagbintangan nang walang basehan. Alam kong galit ka sa akin dahil kinamumuhian ako ni Ate.Sabay baling kay Klaire. Ate, bakit mo inuutusan si Tito Rage na siraan ako?

Sanay na si Kira sa ganyang pagsisinungaling at paninisi kay Klaire. Lagi ngang naniniwala sa kanya ang Papa

nila.

Pero sa kasamaangpalad, mas magaling si Rage sa pagbasa ng kilos ng tao. Natatawa na lamang siya nang panoorin ang halatang acting lang ni Kira.

Kaya naman tumawa siya nang malakas, dahilan para matahimik ang lahat ng tao sa paligid.

Samantala, untiunti nang nagaalangan si Kira sa mga sinabi niya. Mali ba ang mga yon? Bakit tila walang bahid ng kaba si Rage?

My goodness, Miguel. Bakit ba pumayag kang magpakasal sa tangang babae na yan?tanong ni Rage na puno ng pangungutya, 1

Ragebulong ni Klaire, Pakiramdam niya’y kailangan niyang awatin ang asawa. Pero ayaw magpaawat ni Rage!

Si Miguel, na may alam na rin tungkol sa kaso, ay napayuko na lang ng ulo, hiyanghiyaat galit na galit kay

Kira.

Kung nanahimik lang sana ito at hindi naghanap ng gulo, hindi sana nagalit si Rage. Alam ni Miguel na ayaw ng

1/2

Kabanata 93

+25 BONUS

tiyuhin niya sa mga taong lumalaban o nagtatangkang sirain ang pangalan niya.

At ginawa lang naman lahat yon ni Kira!

Ramdam ni Miguel ang pagkadismaya. Bakit nga ba palagi siyang sumusunod sa mga utos ng ama niya? Dapat ay tumanggi na siya noon pa lang nang pilitin siyang ipakasal kay Kira matapos niyang icall off ang wedding nila ni Klaire.

Ano nga ulit ang pangalan ng babaeng yan?walang emosyong tanong ni Rage kay Klaire at tinuro si Kira, halatang hinahamak ang babae.

Kira,mahina ang sagot ni Klaire.

Ah! From your name alone, you’re already imitating Klaire. Obsess ka ba talaga na magaya ang mapapangasawa ko?pangaalaska pa ni Rage.

Stop it, Rage! Pumunta kami rito para makilala ang mapapangasawa mo,sabat ni Julius, hindi na matiis na pinagtatawanan ni Rage ang kanyang daughterinlaw.

Enough you say? Matapos niyang tangkaing babuyin ang pangalan ng mapapangasawa ko?sarkastikong ngiti ang isinukli ni Rage. Baka hindi niyo pa alam, ayaw bayaran ni Theodore Limson ang lahat ng utang ng babaeng yan. Ipinasa niya ang responsibilidad sa inyo, Julius Bonifacio, dahil kayo na ang pamilya ngayon ng Kira nayan.

Matalim ang titig na ibinigay ni Julius kay Kira, naghahanap ng paliwanag sa lahat ng ito. Habang si Ritagalit na galit dinPinigilan lamang ni Anna ang anak dahil baka makagawa pa ito ng kung ano dahil kay Kira.

Nanginig ang labi ni Kira. Bakit hindi nagbayad ang Papa nila? At bakit hindi siya nito sinabihan?

Akala mo ba wala akong ebidensya? Gusto mo bang ipagsigawan ko sa buong mundo ang lahat ng ginawa mo? Na ikawKira Bonifacio, ay pinikot lamang ang pamangkin ko. Ninakawan mo pa ako at sinubukan mo pang paikutin ang mga ulo ng pamilya ko para kamuhian nila ang mapapangasawa ko!

Walang ni isa mang nagtangkang tumulong kay Kira. Kahit pa suportahan siya ng buong pamilya De Silva, hindi pa rin nila kayang pabagsakin si Rage De Silva! 1

Kabanata 94

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)