Kabanata 92
“Oh… hindi ba’t napaka–close niyo ng daughter–in–law mo? Hasn’t she told you that her father kicked Klaire out of their life because she’s going to marry me?” Matalim ang titig ni Rage kay Julius.
Alam man ni Julius na hindi eksaktong totoo ang sinabi ni Rage, nang makita niya ang matalim na tingin mula sa madidilim na mata ni Rage, hindi na siya naglakas–loob pa na sumagot.
Pero hindi ganoon si Kira…
Tuwa ang naramdaman ni Kira dahil sa wakas, may pagkakataon na siyang siraan si Klaire sa buong pamilya ng mga De Silva. Hindi na niya kailangang magpanggap na mabait kay Klaire, lalo’t alam na rin naman nito ang lahat.
Bukod pa roon, gusto rin niyang gumanti kay Rage na may halong insulto ang bawat mga salita sa kanya.
‘Walang kwenta… Nananatili pa rin sa isipan ni Kira ang dalawang salitang iyon. Dahil sa galit at puot, nakalimutan na niya kung sino si Rage De Silva…
“Hindi naman basta–basta pinalayas ni Papa si Ate Klaire nang walang dahilan, Tito Rage.” Ilang miyembro ng pamilya ang halatang sabik pakinggan ang sasabihin niya. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng lahat.
Nang mapansing parang naniniwala ang mga tao sa paligid niya, lalo siyang ginanahan na sirain sina Klaire at Rage.
Nagpatuloy siya nang may ngiti sa labi, “Kung hindi lang gumawa ng kahihiyan si Ate Klaire at Tito Rage, hindi sana siya pinalayas ni Papa. Alam naman ni Tito… na engaged pa si Ate Klaire kay Miguel noon, pero niyaya pa rin niya si Ate sa hotel.”
Tahimik pa rin si Rage, nakataas ang sulok ng labi, habang nakatingin kay Kira. Naglalakas–loob ang babaeng ‘to na hamunin ang isang tulad ni Rage De Silva? Nasiraan na ba siya ng bait?
“Is that true, Rage? Bakit mo sinira ang relasyon nina Miguel?” tanong ni Olga, tiyahin ni Rage.
Hindi na natuloy ang kwentuhan ng mga miyembro ng pamilya. Lahat ay naghihintay na magsalita si Rage at ipaliwanag ang mga akusasyon ni Kira. Karamihan sa kanila ay alam na hindi basta–basta gumagawa ng isang bagay si Rage nang hindi pinag–iisipan. Ang ilan naman ay napa–iling pa na tila hinuhusgahan sina Rage at
Klaire.
Samantala, nagpupuyos sa galit si Miguel dahil naglakas–loob ang asawa na sabihin ang lahat ng iyon sa harap ng maraming tao–sa harap din ng kanyang ina! Hindi dapat malaman ng kanyang ina ang tungkol sa gabing iyon! Talagang madidismaya si Rita Bonifacio sa kanya kapag nalaman nitong nakipaghiwalay siya kay Klaire dahil lang sa pabigla–biglang desisyon.
“Sino ang nagsabing pwede kang magsalita? Dapat nanahimik ka na lang!” pinigilan ni Miguel ang hindi masigawan si Kira. 1
sarili para
“Ganun na lang ba? Mananahimik na lang ako habang iniinsulto si Papa? Kung makapagsalita sina Tito Rage at Ate Klaire, parang sinisiraan nila ang Papa ko, e!”
1/2
Kabanata 92
+25 BONUS
Hindi mananahimik si Kira, kahit pa takot siya sa galit na mukha ni Miguel. Isa pa, ni minsan ay hindi naman siya nirerespeto ni Miguel bilang asawa. Kaya wala na rin namang pinagkaiba kung magalit ito sa kanya o hindi.
Ang tanging iniisip lang ngayon ni Kira ay sirain sina Klaire at Rage at sirain ang kasal nila!
Tinitigan ni Kira si Klaire na mahigpit ang pagkakakapit sa hem ng suot na dress. Ngayong pagkakataon na ito, hindi siya dapat mabigo sa pagpapabagsak kay Klaire! Ayaw na niyang makita pa ang babaeng ‘to na mas mataas pa kaysa sa kanya dahil lang naging asawa ni Rage De Silva!
Hinawakan ni Rage ang malamig na kamay ni Klaire, saka ito hinalikan sa harap ng lahat. “Our love story is really too sweet to be told to the world. Do you want to hear it?”
“Uncle!” Pinigilan siya ni Miguel na magsalita pa.
“Miguel, you should thank your wife. Kung hindi dahil sa kanya, hindi malalaman ng buong pamilya kung bakit kayo naghiwalay ni Klaire.”
Tinitigang mabuti ni Julius si Rage. Alam niya kung anong klaseng tao si Rage De Silva. Anumang sabihin ni Rage ay magiging katotohanan, kahit malayo ito sa totoong nangyari.
“Honey, can I tell you about Miguel’s betrayal so that we could be together?” Lumingon si Rage kay Klaire at tiningnan ang mapupungay nitong kulay hazel na mata. “Gusto ko talagang ipagsigawan sa mundo ang tungkol sa pagmamahalan natin.”
“Pagmamahalan?” bulong ni Kira. Nakatuon lang ang atensyon sa pagbagsak ni Klaire, kaya hindi niya napansin na galit na siyang tinitingnan nina Miguel at Julius.
“I want to hear it, Uncle!” masiglang sigaw ni Hillary.
Napangiti si Rage, natutuwa dahil alam ni Hillary kung ano ang gusto niya kahit hindi niya ito inuutos.
Nakapokus ang lahat ng mata kay Miguel matapos ikuwento ni Rage ang sariling bersyon ng mga naganap sa nakaraan nila. Hindi naman gusto ni Rage na tuluyang itulak sa bangin si Miguel–kadugo pa rin niya ito.
“Oh… right, Miss Kira Limson. You forgot something.”
Sabay–sabay na tumingin ang pamilya kay Rage. Bakit tinawag niya si Kira sa maiden name nito?
“Ikaw mismo ang nag–utos sa mga abogado ko na singilin ang ama mo sa mga ninakaw mo sa kumpanya ko. Unfortunately, your father is not willing to pay all your debts. Nandito na rin lang tayo, could you please return my money now? Kulang kasi ako ng pambili ng bulaklak para kay Klaire.”
Kabanata 93
+25 BO

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)