‘Isang walang kwentang sa pamilya natin…‘
Nawalan ng ganang kumain si Kira matapos marinig ang mga salitang ‘yon na tila sumaksak sa kanyang puso. Halatan naman na hindi siya kailanman itinuring na miyembro ng pamilya ni Rage.
‘Dahil ito kay Klaire‘ naisip ni Kira.
Sino pa ba ang inggitera at palaging nakikialam sa buhay niya kundi ang stepsister niyang bruha? Galit niyang tiningnan niya si Klaire.
Matapos ang tahimik na salo–salo sa hapag, nagsama–sama sila sa isang silid upang magkuwentuhan. Ilang kamag–anak ng mga De Silva ang naroon din, kabilang na si Chelsea De Silva at… si Lance.
“Lance!” masayang sigaw ni Klaire.
Ngumiti si Lance at niyakap ang siya. Matapos ang ilang mga linggong pagkikita, naging maayos na ang puso ni Lance. Para sa kanya, isang kapatid lamang si Klaire, tulad ni Charlie.
Ngunit si Rage, na nakatingin lamang sa kanila, ay hindi natuwa.
“Huwag mong yakapin nang matagal ang asawa ko!” mahinang angil ni Rage.
Agad na binitiwan ni Lance si Klaire at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Kamusta ka, Klaire? Gustong–gusto ka nang makita ni Charlie. Nakiusap siyang sumama, pero hindi siya pinayagan ni Chelsea,” bulong ni Lance habang nakatingin kay Chelsea na abalang nakikipagkuwentuhan sa mga tiyahin nito.
“Lance, pakakasalan mo ba talaga si Chelsea?” tanong ni Klaire na may pag–aalala, ayaw mahirapan si Lance dahil sa kanya.
Sandaling natahimik si Lance. Sa simula, hindi niya tinanggihan ang alok ni Chelsea dahil gusto niyang maprotektahan si Klaire. Ngunit ngayon, matapos makita na masaya at maayos na ang babae, sigurado na si Lance na hindi na siya kailangan nito.
Gayunpaman, ayaw pa rin ni Lance makipaghiwalay kay Chelsea para panindigan ang kanyang dignidad. Hindi niya masabi kay Klaire ang tunay na dahilan. Pero gusto niyang pagsisihan ni Chelsea ang panggugulo nito sa kanyang pamilya.
“Oo, ganun na nga… Makikipaghiwalay naman ako sa kanya sa tamang panahon. Don’t worry about me, Klaire. Hindi mo kasalanan ang mga desisyon ko.” Matalim na tumingin si Lance kay Kira na tahimik na nakaupo habang nakikinig sa mga kuwentuhan sa paligid. “Nandito pala ang walang hiya mong kapatid. Sarap saktan.”
“Manahimik ka na lang, Lance… huwag mong dudungisan ang mga kamay mo.”
Ikinuwento rin ni Klaire ang lahat ng ginawa ni Kira sa kanya dahilan para lalong mag–init ang ulo ni Lance kay
Kira.
“Huwag na natin pag–usapan pa ang babaeng ‘yan. Teka! Kumusta naman ang relasyon niyo ni Chelsea? Baka naman na–in love ka na sa kanya, ha?” biro ni Klaire.
Agad na itinanggi ni Lance ang hinala ni Klaire. Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan ng iba’t ibang
1/2
Kabanata 91
+25 BONUS
bagay kaya’t hindi na napansin pa ni Klaire si Rage.
Si Rage na nakaupo hindi kalayuan kay Klaire, ay hindi makapag–concentrate sa usapan ng mga lalaking De Silva sa paligid niya. Mas nakatutok ang mga mata niya sa kuwentuhan nina Lance at ng asawa niya na laging may kasamang tawanan.
Kaya palang ngumiti ni Klaire nang ganon.
Unang beses iyong nasaksihan ni Rage.
Naramdam siya ng inis dahil sa buong panahong magkasama sila ni Klaire, ni minsan ay hindi pa ito humalakhak nang gano’ng kalakas sa harap niya kagaya nang kung paano ito makipagbiruan kay Lance. Tahimik at abala niyang pinag–aralan kung paano napapatawa ni Lance si Klaire.
“Uncle!” Lumapit si Chelsea sa kanya. “‘Yung babaeng ‘yon ba ang nanggugulo sa’yo?” sabay turo kay Kira.
Sumagot si Rage gamit lang ang tingin na nagkumpirma sa tanong ni Chelsea. Hinila ng pamangkin niya si Lance palayo matapos itong makipagkuwentuhan kay Klaire, at saka naupo malapit kay Kira.
‘Ano kayang gagawin ni Chelsea?‘ Masyadong curious si Klaire kaya hindi niya maiwasang panoorin ang mga ito.
Kasabay niyon, lumingon din si Kira para tingnan siya. Lalo pang nainis si Kira dahil naisip niyang iniinsulto siya ng babae sa mga ng tingin nito.
Sa paglalim ng gabi, gusto na sanang bumalik ni Klaire sa kwarto nila para magpahinga, pero bigla siyang nilapitan ng pamilya Bonifacio.
“Where’s your father? Dapat inimbitahan mo rin ang pamilya mo,” ani Julius Bonifacio na hindi palalampasin ang pagkakataong makasama si Theodore.
Sasagot na sana si Rage, ngunit naunang magsalita si Klaire.
“Mukhang ‘di pa alam ng mga Bonifacio na matagal na akong walang pamilya,” malumanay niyang sagot.
“Wow! Kung ganon ay ayaw mong aminin sa sarili mo na stepsister mo ang maganda kong daughter–in–law?” Malakas ang boses ni Julius kaya’t napalingon ang ibang miyembro ng pamilya. Ilan sa mga curious kung sino ang magiging asawa ni Rage ay nakinig na rin.
Hindi alam ni Klaire ang isasagot. Lalo pa’t maraming mata ang nakatingin sa kanya kaya hindi niya mahanap ang mga tamang salitang dapat bitiwan.
Dapat ba siyang magsinungaling sa mga De Silva? O dapat ba niyang ilantad ang kahihiyan niya? Na pinalayas at tinakwil siya ng sariling pamilya?
Si Lance, na nakikinig din, ay gusto nang tulungan si Klaire. Pero agad siyang pinigilan ni Chelsea, “Hayaan mo siyang matutong harapin ang pressure mula sa ibang tao. Pag naging asawa na siya ni Uncle Rage, tiyak na mas marami pa siyang makaka–encounter na mga nakakainis na tao tulad ni Uncle Julius.” 2
Bagamat hindi niya matanggap, totoo ang sinabi ni Chelsea. Nanahimik na lamang si Lance at hindi na nakialam pa sa usapan. Gusto rin niyang makita kung maaasahan ba talaga si Rage sa pagprotekta kay Klaire.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)