Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 90

Kabanata 90

Samantala, hindi maalis ni Miguel ang tingin kay Klaire. Blangko ang tingin nito, para bang may malalim na iniisip na problema’t hindi nito namamalayang may nangyayari na sa paligid.

At si Kirapilit na ngumigiti habang nilulunod sa galit ang damdamin nang makita kung gaano kaelegante at kataas ang kanyang stepsister. Hindi niya matanggap na si Klaire ay namumuhay nang marangya at tinatrato na parang prinsesa sa mansyon ng mga De Silva!

Tawagin ko na lang po kayong Tito Julius. Mukhang hindi po kayo komportable,malungkot na biro ni Klaire habang nakatingin kay Julius Bonifacio.

Nang makita ang ama ni Miguel, muli niyang naalala ang sariling ama. Muling sumiklab ang kirot at galit sa kanyang dibdib.

Alam na alam ni Klaire na hindi lang basta business partner sina Julius Bonifacio at Theodore Limson- magkaibigan din ang mga ito nang matagal, mula pa sa pagkabinata. Sa katunayan, si Julius Bonifacio pa ang nagpakilala kay Matilda sa ama niya, kaya sila nagkatuluyan!

Julius, huwag kang masyadong seryoso!sabing may kurot ni Rita sa braso ng asawa.

Nagulat si Julius sa sinabi ni Rita, dahil kanina pa siya nakatitig kay Klaire, pinagmamasdan ang malaking pagbabagong naganap sa babae. Nagiisip siya kung dapat bang sabihin na niya sa pamilya ng asawa ang tungkol sa naging isyu kay Klaire.

Hindi niya alam na alam na pala ng lahat ang buong katotohanan.

Ah, medyo natulala lang ako. Malaya kang tawagin akong kuya o Tito,sagot ni Julius na pinilit ngumiti.

Inihain na ang mga pagkain sa hapagkainan. Kampanteng kumain si Klaire, gaya ng nakasanayan. Hindi niya iniintindi ang presensya ng iba pang tao roon, at nakatuon lamang sa pagkain.

Pinagluto talaga kita ng paborito mong ulam ngayon, Klaire,sabay lagay ni Anna ng iba’t ibang ulam sa pinggan ni Klaire. Kumain ka nang marami.

Salamat po, Mama. Magaaral din po akong magluto para mapagluto ko po kayo ng masarap na pagkain.

Para kay Kira, nakakadiri ang eksenang yon. Hindi niya maisip kung paanong ang isang tahimik at boba na babae ay nakalapit kay Anna De Silva na kilala sa pagiging may mataas na standards. Siya nga mismo, hindi makalapit sa sariling motherinlaw, lalo pa kay Anna!

Napakalandi mong basura ka! Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ng lahat ang totoo mong ugali, Klaire!gigil na sigaw ni Kira sa sarili.

Talaga palang mahilig kayo sa seafood, Tita. Magkasinglasa pala tayo, Tita,biglang sambit ni Kira habang ngumunguya. Lahat ay napatingin sa kanya matapos niyang tawagin si Klaire na Tita.

Bakit? May problema ba?tanong ni Kira habang nagkukunwaring inosente sa mga titig na nakatuon sa kanya. Medyo bumuka ang bibig ni Kira, parang saka lang niya narealize ang kanyang nasabi. Pasensya na po kung Tita ang tawag ko sa iyo, Tita Klaire, e ilang taon lang ang agwat natin. Pero magiging tiyahin ko na rin po kayo, hindi ba?

Kabanata 90

+25 BONUS

Okay lang. Kahit ano naman ang itawag mo sa akin. Bakit kaunti lang ang kinakain mo, pamangkin ko? Uhm, ano nga ulit ang pangalan mo? Kira ba?Nagkunwaring hindi kilala ni Klaire si Kira, gaya ng kahilingan ng pamilya. Ayaw din niyang madala ng panlalait ni Kira.

Kira at Miguelbagay na bagay kayong dalawa,sabay ngiti ni Klaire.

Oo nga. Ang galing pumili ni Julius ng babae, di ba?sabat ni Anna na may halong panunudyo.

Pilit na napangiti si Julius. Alam niyang may ibig sabihin ang biyenan sa sinabi nito. Ngunit hindi niya kayang kontrahin ang mga salita ni Anna.

Tuwangtuwa naman si Kira sa narinig niyang papuri mula kay Anna De Silva. Hindi niya namalayang panunudyo lang ito sa asawa ni Rita, at wala naman talagang amor sa kanya ang ginang.

Salamat po, Lola. Sisiguraduhin kong hindi ko ipapahiya o ipapahamak ang ating pamilya.

Isang tawa ang nakatawag ng pansin ng lahat. Naroon si Rage sa may pintuan, nagtatakip ng bibig at halatang pinipigilan ang mas malakas na tawa.

Bakit ngayon ka lang dumating?reklamo ni Anna habang hawak ang kamay ni Klaire para pigilan itong tumayo at asikasuhin si Rage sa harap ng maraming tao. At bakit ka natatawa riyan? Nakakagulat ka.

I just heard a silly sentence said by my nieceinlaw,sagot ni Rage habang lumapit sa tabi ni Klaire.

Nanlaki ang mata ni Kira. Bahagya siyang napailing, nakikiusap ang mga mata, na sana ay huwag sabihin ng tiyuhin ang pagkakamali sa pamilya ni Miguel.

Silly sentence?tanong ulit ni Anna.

No. Let’s eat first.Ngumiti si Rage kay Klaire habang hinalikan ang noo nito. Ayokong magutom ang magiging asawa ko dahil lang sa isang walang kwentang tao sa pamilya natin.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)