Lagi nang ganoon ang ginagawa ni Rage kapag gusto niyang sumiping kay Klaire. Hindi siya kailanman natanggihan ng babae.
Matapos makuha ang nais, agad na nakatulog nang mahimbing si Rage. Gising pa si Klaire habang nakatitig sa halatang pagod na mukha ng asawa.
“Alam mo namang pagod ka na, pero gusto mo pa ring makipaglaro ako,” bulong ni Klaire.
Kung pagmamasdang mabuti, parang ordinaryong lalaki lang si Rage. Unti–unti nang nawawala ang takot at pangamba niya kapag malapit sa kanya ang lalaki.
“Honey…” Napabungisngis si Klaire sa sarili sa tawag na iyon.
Sa unang pagkakataon, at kahit hindi inuuusan, niyakap ni Klaire ang asawa hanggang sa ipikit niya ang mga mata. Napakainit ng katawan ni Rage, tila kinakalma ang kanyang damdamin.
“Ginising mo ako,” reklamo ni Rage habang tulog pa.
Pinipigil ni Klaire ang tawa niya upang hindi magising nang tuluyan si Rage. Ang lalaking kilala niya bilang malamig at mayabang ay nakakatawang pagmasdan kapag natutulog.
“Uncle… gising na, Uncle…” pabulong na biro ni Klaire. “Samahan mo akong magpuyat.” Nangahas lamang siyang biruin si Rage dahil alam niyang tulog ito.
Ngunit biglang itinaas ni Rage ang mga binti ni Klaire at iniupo sa ibabaw niya kahit nakapikit pa. Napasigaw si Klaire sa gulat sa biglaang kilos ng asawa.
“Rage… masakit…” daing ni Klaire.
Hindi pinansin ni Rage ang sinabi ng asawa. Ilang minuto rin siyang hindi kumikilos. Nang tapikin ni Klaire ang pisngi nito, doon lang niya napagtantong… tulog pa rin pala si Rage.
“Ano bang pinapanaginipan mo at ganyan ka makadikit!” inis na bulong ni Klaire.
Sobrang pagod ni Rage kaya kahit pa ginantihan siya ni Klaire ng malalanding galaw, hindi pa rin ito nagising. Pero ang katawan nito, tila may sariling tugon.
“Siraulo kang uncle ka! Ah…” Napapahiyaw na si Klaire, kahit hindi siya pinapansin ng asawa.
Kinabukasan, nagising si Rage at napansin na may nakahawak sa kahabaan niya. Nanlaki ang kanyang mata nang makita kung anong nangyayari.
“Grabe… ang likot ng misis ko. Palihim na nilaro ang natutulog na leon.” Asar ni Rage habang nakangiti. “Wake up, my naughty wife.”
Kinagat at hinagod niya ang tainga ni Klaire.
Nagising si Klaire sa gulat. Muntik na siyang mapasigaw nang husto nang magsimulang bumayo si Rage tagiliran niya ngunit agad din siyang pinatahimik nito sa pamamagitan ng isang banayad na halik.
1/2
Kabanata 89
+25 BONUS
“Gustong–gusto mo na ba ako, kaya pati tulog kong katawan ay nilalandi mo?” tanong ni Rage habang abala pa rin sa ginagawa.
“Hindi totoo ‘yan… ikaw ang nauna kagabi!”
Hindi naniwala si Rage dahil wala siyang maalala matapos siyang makatulog. Napangiti siya habang pinapanood ang pamumula ng asawa.
“Hindi mo na kailangang mahiya…” bulong ni Rage habang mas naging mapusok ang bawat galaw.
Dalawang araw matapos niyon, naganap na ang wedding party nina Klaire at Rage. Hiling ni Klaire na maging pribado ang kasal at huwag mag–imbita ng maraming tao. Ngunit hindi iyon kayang sundin ni Rage.
Isang beses lang siya mag–aasawa sa buhay niya, kaya gusto niya itong maging pinakamagarbong kasalan sa kasaysayan. Kaya naman, wala nang nagawa si Klaire kundi ang sumunod.
Nang gabing iyon, napilitan si Rage na matulog sa iisang silid kasama si Klaire dahil manunuluyan si Rita at ang pamilya nito sa mansyon ng mga De Silva. Naipaalam na rin ito kay Klaire upang hindi siya magulat sa hapunan, lalo na sa pagdalo nina Miguel at Kira.
“Hindi mo kailangang lumabas kung ayaw mong makita sila, Madame… Este Miss Klaire,” biro ni Alma at tinakpan ang bibig.
Bukod kina Baltazar at Anna De Silva, si Alma lamang ang kasambahay na nakakaalam ng sikreto nina Klaire at Rage. Hindi lang si Klaire ang nagsabi sa kanya, mismong si Rage ay ipinagbilin si Klaire sa kanya tuwing wala siya sa bahay.
“Ayos lang. Baka isipin nilang bastos ako kung magkulong lang ako sa kwarto. Tsaka… andun naman si A–Ate Rita.”
Ngumiti si Alma. “Masasanay ka rin sa pagtawag kay Ma’am Rita ng ‘Ate‘.”
Pagkatapos ayusin ang make–up, sinamahan ni Alma si Klaire papunta sa hapag–kainan. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Klaire dahil ngayong gabi, mas marami ang kasalo nila sa mesa.
Hindi pa nakakauwi si Rage. Kailangang niyang harapan sina Julis Bonifacio at Miguel nang mag–isa.
Huminga nang malalim si Klaire nang buksan ng dalawang kasambahay ang pinto. Pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng mga mata ng mga nakaupo na roon–siya ang huling dumating.
Sa kaliwa ni Baltazar at nakaupo sa dulo ng mahabang mesa, naroon ang pamilya Bonifacio. Umupo si Klaire sa tabi ng kanyang mother–in–law na si Anna, sa upuang karaniwang inuukupa ni Rage.
Bago siya tuluyang umupo, magiliw niyang binati ang pamilya Bonifacio.
“Magandang gabi po, Tito Julis at Ate Rita. Oh! Dapat pala Kuya Julius at Ate Rita na ang tawag ko.” Natakpan niya agad ang bibig sa pagkabigla.
Nagtawanan sina Baltazar, Anna, at Rita sa maliit na pagkakamali ni Klaire na halatang sinadya nito. Ngunit taliwas sa kanyang asawang tahimik lamang na may hindi maipintang ekspresyon sa mukha, patuloy sa pagbibiro si Rita kina Klaire at sa ina nito.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)