Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 88

Nagusap ang dalawa nang matagaltagal. Paulitulit na nagmamakaawa si Kira na tulungan siya ng ina na pigilan ang kasal ni Klaire.

Mayamaya pa, dumating ang isang empleyado mula sa De Silva Company sa tahanan ng mga Limson. Agad na hinanap ng isang kasambahay ang kanyang amo sa study.

Sir, may bisita po mula sa De Silva Company-

Hindi pa man natatapos ang kasambahay sa pagsasalita ay agad nang tumayo si Theodore at mabilis na nagtungo sa sala. May namuong pagasa sa kanyang puso.

Tanga ka talagang bata ka. Hindi mo alam na maimpluwensya ang ama mo! Hindi kailanman papayag si Rage De Silva na mapahiya ako dahil lang hindi ako ang maglalakad sa yo sa altar.

Akala ni Theodore ay hihingi ng paumanhin ang pinadalang empleyado ng mga De Silva, marahil ay iimbitahan pa siya para pagusapan ang kasal ng kanyang anak.

Sa mayabang niyang kilos dahil alam niyang hindi naman mayaman ang pinadalang empleyado, sinabi niya, Bakit ka narito? Pinadala ka ng amo mo?

Opo, Sir.Inabot ni Peter, ang abogado ni Rage, ang isang folder kay Theodore.

Maingat na binasa ni Theodore ang nilalaman ng folder. Napatigil siya sa pagbabasa nang makita ang halaga ng bayarin na kailangan niyang bayaran sa De Silva Company. Biglang nangiwi ang kanyang mukha.

Anong ibig sabihin nito? Pumayag naman akong pakasalan ng amo mo ang anak ko. Pero ni minsan hindi nila ako kinausap. Bakit ako pinagbabayad ni Rage De Silva ng ganito?

Iniayos ni Peter ang suot na reading glass, saka magalang na sumagot, Iyan po ang kabuuang pagkakautang ni Ms. Kira Limson sa De Silva Company. Nakausap ko na rin po si Mr. Miguel Bonifacio, at sinabi nitong ang proyekto ng anak ninyo ay nasa ilalim pa noon ng kompanya ng mga Limson.

Anong utang?!singhal ni Theodore, hindi matanggap na para bang inaakusahan ang kanyang anak. Nakalimutan na nga niya ang tungkol sa kasal nina Klaire at Rage.

Si Ms. Kira Limson ay nagembezzle ng sampung bilyong na pondo mula sa De Silva Company, Sir. Sinabi sa amin ni Mr. Bonifacio na pananagutin niya si Miss Kira at kung hindi mababayaran ay idadaan ito sa legal na paraan. At bilang si Miss Kira ay pamangkin na ngayon ni Mr. Rage De Silva, pumunta ako rito para idiscuss muna ito sa inyo.”

Tila ba mahihimatay si Theodore sa narinig mula sa binatang abogado. Sampung bilyon? Bakit?

Hindi iyon magagawa ni Kira! Napabait na bata niyon, at kailanman ay hindi siya binigo,

There must be a mistake. Kailangan kong makausap mismo si Rage De Silva.Sa ganoong paraan, maaari rin niyang banggitin ang tungkol sa kasal ni Klaire. Hindi siya papayag na mapangasawa ni Klaire ang lalaking yon nang wala siyang nakukuha!

Hindi niyo po maaaring makausap ngayon si Mr. Rage De Silva. Ako po ang humahawak ng kasong embezzlement ni Ms. Kira Limson. Nasa akin po lahat ng ebidensya ukol dito, Sir. Kaya naman-1

1/2

Kabanata 88

+25 BONUS

Naputol ang sinasabi ng abogado nang itinaas ni Theodore ang kanyang kamay bilang hudyat na tumigil.

Nagkakamali ka. Totoong gamit pa ni Kira ang pangalan ng kumpanya ko nang makipagsosyo siya sa mga De Silva, pero hindi na Limson ang apelyido niya kundi Mrs. Bonifacio na. Kung may kakausapin ka sa bagay na ito, si Kira lang dapat iyon.

Magsasalita pa sana ang abogado, ngunit agad nang pumasok si Theodore sa kanyang study.

Agad namang tinawagan ni Peter ang boss niya tungkol sa sitwasyon. (1)

Subalit hindi makontak ang Rage sa oras na iyon.

Kasalukuyang napapaungol sa sarap si Rage habang minamasahe ng asawa. Ayandiyan ngadamndiinan mo pa

Pagod na ako! Ang tigas ng balikat mo. Parang mababalian ako ng mga daliri sa yo!

Fine. Ikaw naman ang mamasahiin ko.

Pinahiga ni Rage si Klaire at saka maingat na hinubad ang saplot nito.

Ano’ng gagawin mo? Akala ko ba mamasahiin mo ako?

Pinatunog ni Rage ang dila at saka pilyong umiling. You don’t know how to massage properly like a pro. Kaya naman ipapakita ko sa iyo

Ilang minuto na ang lumipas, ngunit isang parte lang ng katawan ni Klaire ang minamasahe nito.

Ito ba yong professional massage? Kanina mo pa hinihimas ang dibdib ko,reklamo ni Klaire.

Ssshbe quiet. This will be good for our child. Kailangan niyang magkaroon ng maraming supply ng gatas,ani Rage bago palitan ng bibig ang kamay. Then thisthis is for the father of our baby.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)