Kabanata 87
Hindi makapaniwala si Theodore sa kanyang narinig. Paanong ang isang masunurin at tahimik na anak ay biglang nagbago sa isang iglap?
“Galit ka pa rin ba dahil sa nangyari noon? Klaire, ginawa lang ni Papa ‘yon para turuan ka ng leksyon. Hindi ibig sabihin no’n na ayaw ko na talaga sa iyo. Paano mo nasasabi ‘yan sa taong nagpalaki sa’yo…”
Nanginig ang katawan ni Klaire sa titig ng ama niyang puno ng pagmamakaawa. Kinuyom niya ang mga kamao para hindi siya manghina… para hindi hayaan ang sariling pagsamantalahan ng ama dahil sa kung anong mayroon siya ngayon.
“Mama, medyo nahihilo na po ako. Pwede po bang samahan n’yo ako sa kwarto?” bulong ni Klaire, hindi na kaya pang harapin ang ama.
“Aakyat na muna kami, Balt,” sabi ni Anna kay Baltazar, hindi pinapansin si Theodore.
Maingat na inakay ni Anna s1 Klaire palabas ng sala. Mula sa likuran, naririnig pa rin ni Klaire ang pagtawag ng ama sa kanya. Gusto niyang magbingi–bingihan, pero malinaw pa rin ang bawat tawag ng ama na tila ba nagmamalasakit ito sa kanya.
“Tandaan mo, Klaire… hindi ka na niya kinikilalang anak!‘ pagpapatatag ni Klaire sa sarili.
Ngunit nang makalabas na ang mother–in–law niya sa kwarto, napahagulgol si Klaire. Kahit gaano man niya itanggi, si Theodore pa rin ang tunay niyang ama.
Bakit ngayon lang ito nagpapakita ng malasakit? Kung noon pa lang ay nagpakita na ito ng kahit kaunting lambing sa kanya–kahit pa kunwari lang–hindi sana niya ito itatakwil. Kahit pa sinaktan siya nito… tatanggapin pa rin niya ito.
Ang mas masakit, dumating ang ama hindi dahil sa kanya, kundi dahil malapit na siyang ikasal kay Rage De Silva.
Sa kabilang banda, nang mapanood ni Rage ang lahat ng nangyari, agad niyang iniwan ang trabaho at umuwi sa mansyon. Pagdating niya, wala na si Theodore Limson.
Mabilis na umakyat si Rage sa kanilang kwarto. Doon, nakita niya si Klaire na nagulat din sa biglaan niyang pagdating. Mabilis nitong pinunasan ang mga luha sa pisngi.
“Hindi mo ba sasalubungin ang asawa mong napaaga ang uwi?” Kunwari ay hindi niya nakita ang mga luha nito.
Bumangon si Klaire mula sa kama at sinimulang tanggalin necktie ni Rage nang bila na lang siyang niyakap nang mahigpit nito.
Wala sinabing kahit ano si Rage. Dahan–dahang niyang hinagod ang likod ni Klaire,
Nang maramdaman ni Klaire ang lambing ng asawa, muling pumatak ang kanyang mga luha habang yakap yakap nito.
Ang pamilya De Silva na lang ang natitira niyang pamilya. Nangako si Klaire na hindi na siya magpapalunod pa sa madilim niyang nakaraan.
1/2
Kabanata 87
+25 BONUS
Hindi na siya papayag na gamitin ni Theodore Limson, na maaaring makapinsala pa ng reputasyon ng mga De Silva. Alam na alam niya ang ugali ng ama at ng pangalawang asawa nito.
Ang mag–inang Matilda at Kira na mahilig angkinin ang hindi kanila. Maaaring gamitin nila ang pangalan ng mga De Silva para sa pansariling interes.
“May problema ba?” bulong ni Rage.
Umiling si Klaire habang nasa mga bisig ni Rage. “Gusto lang kitang makita.”
Tuwing kasama niya si Rage, ramdam niya ang kapayapaan ng isip at seguridad.
Ang isang maikling sagot ni Klaire ay nagpatibok nang malakas ng puso ni Rage. Kusang umangat ang mga sulok ng kanyang labi.
“Namiss mo ako?” gusto niyang marinig ulit ang sinabi ni Klaire.
“Hindi… gusto lang kitang makita.”
“Iyon nga ang ibig sabihin no’n, silly… hindi mo kailangang mahiya kung namimiss mo ako.”
Niluwagan ni Klaire ang kanyang yakap. “Hindi nga! Hindi kita namiss!”
Pumadyak pa siya nang mariin sa sahig at agad na humiga sa kama.
Dahan–dahang inalis ni Rage ang suot niyang jacket.
“Ganito na lang… dahil miss na miss ako ng asawa ko, sasamahan ko siya hanggang magsawa siya sa akin.” Agad niyang binawi, “Ay, hindi… bawal kang magsawa sa akin!”
44%
CRACK!
Isang baso ang tumama sa bintana sa pamamahay ng mga Limson, sa mismong study ni Theodore, dahilan para mabasag iyon.
“Lintik na bata ‘yon!” galit na sigaw ni Theodore. “Naglalakas–loob pa siyang kalabanin ako?!”
“Anong nangyari, Hon? Bakit mo binasag ang bintana?!” sigaw ni Matilda, gulat na gulat sa nakita.
Alam ni Matilda na galit na galit ang asawa, at hula niya ay may kinalaman na naman iyon kay Klaire. “Hindi mo ba siya nakausap?”
Hindi sumagot si Theodore. Napakamot ito sa ulo, puno ng iritasyon, saka ibinagsak ang sarili sa sofa.
“Walang hiyang batang ‘yon.” paulit–ulit na bulong ni Theodore sa sarili.
Nang malaman ni Matilda ang dahilan kung bakit galit na galit ang asawa niya, iniwan niya ito at agad na tinawagan si Kira.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)