“Ano’ng kalokohan ‘to? Hindi ko ba puwedeng makita ang sarili kong anak?!” singhal ni Theodore sa isa sa mga kasambahay na sumalubong sa kanya.
“Pasensya na po, Sir. Sinusunod lang ko lang po ang utos ng amo ko.”
“Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil kinukulong ninyo ang anak dito?!” galit na dinuro ni Theodore ang kasambahay.
Umabot sa pandinig ni Baltazar De Silva ang komosyon na ‘yon. Lumabas ang ama ni Rage upang harapin si Theodore. Mula sa pulang–pulang mukha dahil sa galit, biglang lumiwanag ang mukha ni Theodore.
Si Theodore, na palaging mataas ang tingin sa sarili at mayaman, ay hindi maikukumpara kay Baltazar De Silva. Ang dahilan kung bakit pinakasal niya ang anak sa pamilya Bonifacio ay para magkaroon ng koneksyon sa pinakamayamang pamilya… ang mga De Silva.
“Please come in.”
Sumunod si Theodore sa mga yapak ni Baltazar. Napatingin–tingin siya sa paligid ng sala, punung–puno ng paghanga. Ibang–iba ang antas sa buhay ng mga De Silva. At sa lalong madaling panahon, magiging kaanak na siya ang mga may–ari ng mansyong ‘yon.
“Gusto mong makausap si Klaire, tama?”
“Siyempre naman. Ikakasal na si Klaire at ni hindi man lang binalita sa akin. Bilang ama niya, nasaktan ako, Mr. De Silva.”
Narinig na ni Baltazar ang lahat ng pinagdaanan ni Klaire, mula sa asawa at Rage. Sa totoo lang, hindi niya gustong makita ang lalaking nasa harapan niya. Pero nanatili siyang kaswal, dahil anuman ang mangyari, si Theodore pa rin ang ama ng manugang niya.
“Abala si Klaire sa paghahanda sa kasal kasama ang asawa ko ngayon. At tungkol naman sa pahintulot mo bilang ama ni Klaire, hindi na iyon kailangan.”
Napasinghap si Theodore. Ano raw?! Dapat siya ang kasama ni Klaire bago ito opisyal na ipakasal kay Rage! Dapat alam ng mga business partner niya na magiging kumpadre na siya ni Baltazar De Silva!
“Anong ibig mong sabihin? Ama ako ni Klaire Limson, may karapatan akong samahan siya sa kasal! Bakit mo sinasabing hindi na niya ako kailangan?”
Bago pa man masagot si Theodore, dumating na sina Klaire at Anna na kagagaling lang sa pagshoshopping. Nawala ang ngiti sa mukha ng dalawang babae nang makita si Theodore sa sala.
“Klaire…” tumayo si Theodore nang makita si Klaire. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka na? Hindi mo na ba ako kinikilalang ama?” Hindi na nagpaligoy–ligoy pa si Theodore at agad na nagtanong.
Agad na umatras si Klaire nang tangkaing lapitan siya ng ama. Umabante naman si Anna sa harapan ni Klaire para protektahan ito.
“Bakit hindi mo sinabi kay Papa ang ganitong kaimportanteng bagay?” makikita sa mukha ni Theodore ang pagkadismaya.
1/2
Kabanata 86
+25 BONUS
Unti–unting bumalik sa isipan ni Klaire ang mga alaala. Kailan ba siya kinausap ni Theodore nang ganoon kaamo?
Hindi kailanman!
Lagi siyang kinukundena ni Theodore dahil lagi nitong inuuna si Kira, na laging kumukuha ng anumang gusto niya. Hindi kailanman inalam ni Theodore ang kalagayan niya. Kahit noong mga panahong may sakit siya… nagpakasaya pa rin si Theodore kasama ang pangalawang asawa nito at si Kira.
Higit pa roon, iniwan ng lalaki ang matinding sugat nang ang kamay na gusto sana niyang hawakan ay siyang dumapo nang malakas sa pisngi niya. Ang mga salitang binitiwan ni Theodore noong pinalayas siya ay sariwa pa rin sa alaala niya.
Nagpakita lang naman ito dahil kay nalaman nitong si Rage De Silva ang mapapangasawa niya. Paano kung hindi si Rage ang mapapangasawa niya?
Hahanapin pa rin ba siya ng ama niya?
Alam na ni Klaire ang sagot sa lahat ng tanong na iyon. Hindi kailanman magagawa iyon ng Papa niya.
Sa matabang na hakbang, nilagpasan ni Klaire ang mother–in–law at tinanguhan ito, indikasyon na ayos lang siya. Hindi na siya yuyuko habang kinakausap ang isang Theodore Limson. Wala nang takot sa kanya… ang natira na lang ay matinding sugat sa puso, na ngayo’y nag–alab at naging galit.
“Papa?”
“Oo… ang papa mo. Bakit hindi ka umuwi para sana napag–usapan man lang natin ito?”
Matapos pumanaw ng ina niya, ngayon lang muling narinig ni Klaire ang malumanay na boses ng matanda. Pero ang paglalambing na iyon ay lalo lang nagpasidhi ng pandidiri niya sa lalaki.
“Excuse me, Mr. Theodore Limson. Hindi ba’t kayo mismo ang nag–alis ng pangalan ko sa rehistro ng pamilya niyo? Nakalimutan n’yo na po ba? Ako na ngayon si Klaire Villanueva. At wala na akong anumang kaugnayan sa mga Limson.”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)