Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 85

Kabanata 85

Wala akong ibang motibo, Miguel!hagulgol ni Kira. Nalilito si Miguel dahil sa kanya. Alam niyang hindi matitiis ni Miguel ang makakita siyang umiiyak. Ayoko lang talagang masaktan si Ate Klaire noon. Akala ko gusto lang niyang makipagusap sa ibang lalaki bago kayo ikasal.

Malingmali ka,untiunting lumambot ang boses ni Miguel. Ang lalaking kasama ni Klaire sa kwartong iyon ay si Uncle Rage. Wala silang ginawa, Kira.

Nanlaki ang mga mata ni Kira. Imposible iyonhindi ba’t ang kaibigan niya ang-

Bigla niyang naalala na sinabi ng kaibigan niya na binugbog ito ng isang tao nung gabing iyon. Si Rage De Silva pala yon!?

Tangina! Bakit ang napakaswerte ng cheap na babaeng yon? Pero teka….May kakaibang kislap sa mga mata ni

Kira.

Kung gano’n ay niloko nila tayo, Miguel! Isipin mobakit biglang gustong pakasalan ni Tito Rage si Ate Klaire? Baka matagal na silang may relasyon!

Huwag mong bastabasta akusahan ang Uncle ko! Hindi siya gano’ng klaseng tao, na papatol sa babae nang hindi inaalam ang background. Hindi papayag si Lola kung totoo ang sinasabi mo.

Puwede nilang itago iyon kay Lola Anna.

Marahas na napabuntonghininga si Miguel. Tama naaalis muna ako. Marami pa akong trabaho—

Iiwan mo na naman ako?

Hindi sumagot si Miguel. Tumalikod lamang siya at umalis. Ayaw na niyang marinig pa ang mga akusasyon ni Kira laban sa pamilya niya.

Masakit na ang ulo at dibdib niya. Gusto niya na lang makalanghap ng sariwang hangin sa labas.

***

[Inanunsyo na ng De Silva Company President Director, Rage De Silva, ang kanyang kasal! Sino ang maswerteng babaeng nakabihag sa puso ng pinakamayamang lalaki ng bansa?]

Ang boses ng news anchor sa telebisyon ay nagpabilis sa tibok ng puso ni Klaire. Maswerteng babae raw? Totoo ba iyon?

Bakit hindi binanggit ni Rage ang pangalan ko?bulong ni Klaire.

Narinig ang munting bulong ni Klaire sa speaker sa tablet ni Rage De Silva. Sa bawat sulok ng mansyon ng mga De Silva, may mga lihim na kamera si Rage para malaman ang mga galaw ni Klaire kahit wala siya.

Dahil gusto niyang maghoneymoon kasama si Klaire nang isang buwan, kailangan muna niyang tapusin ang mahahalagang trabaho. Palapit na rin ang kanilang wedding party. Siya na mismo ang nagaasikaso ng lahat para maging perpekto ang engrandeng kasal nila.

Dahil dito, lalong nabawasan ang oras niya kasama si Klaire. Kapag uuwi siya, mahimbing na ang tulog nito.

1/2

Kabanata 85

+25 BONUS

Pagod mula sa trabaho, nananabik si Rage sa haplos ng asawa. Madalas siyang magalit sa opisina dahil gusto niyang matapos agad ang lahat ng trabaho at maging perpekto ang lahat.

Mula nang nangyaring insidente ni Kira dalawang araw na ang nakalipas, hindi na pinapasok ni Rage si Klaire sa kompanya. Ayaw niyang may gaya ni Kira na muling magpastress kay Klaire. Kaya’t nasayang ang private room sa kanyang opisina na inihanda niya talaga para sa asawa.

Ano ang schedule ko pagkatapos nito?

Tiningnan ni Chris ang listahan sa tablet. May meeting kayo ng isang client sa loob ng dalawang oras. Pero bago iyon, gusto raw kayong makausap ni Mr. Theodore Limson.

Tungkol saan daw?

Sabi niya gusto ka raw niyang makausap bilang guardian ni Miss Klaire.

Matabang na napangiti si Rage. Matapos maiannounce ang kasal nila sa publiko, inaasahan na niya na lalapit ito sa kanya para magpakaama kay Klaire.

Tell him, I only have time after my wedding is over.

Gaya ng utos ni Rage, agad itong ipinarating ni Chris nang dumating si Theodore Limson sa kumpanya.

Alam mo ba kung sino ako? Ako ang ama ng babaeng pakakasalan ng boss mo! Paanong pakakasalan ng boss mo ang anak ko nang hindi man lang ako sinasabihan?!

Siyempre, naikwento na ni Kira sa mga magulang ang lahat tungkol kay Klaire. Pinilit ni Kira ang ama na pigilan ang kasal nito at ni Rage, pero iba ang pananaw ng isang Theodore Limson.

Ano man ang kasalanan ni Klaire, mapapatawad niya ito kung si Rage De Silva ang magiging manugang niya. Napakalaking isda ni Rage. Hindi niya palalagpasin ang oportunidad na mapabilang sa pamilya ng mga De Silva.

Pasensya na po, Sir. Talagang sobrang busy po ang schedule ni Mr. De Silva.

Umalis si Theodore sa gusali na yon nang walang napala. Pero ayaw pa rin niyang sumuko. Kung ayaw siyang harapin ni Rage, si Klaire na lang ang kakausapin niya!

Ang panganay niyang anak ay laging uhaw sa kanyang pagmamahal. Tiwala siyang susunod pa rin si Klaire sa kanya, gaya ng dati. Hindi siya nito tatanggihan.

Pero sa kasamaang palad, nauwi sa wala ang pagasa ni Theodore. Alam niyang nakatira si Klaire sa mansyon ng mga De Silva. Wala ni isang pumayag na makita niya ang sarili niyang anak.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)