+25 BONUS
Kabanata 84
Nainis si Rage nang makita ang kunot sa mga labi ni Klaire sa salamin, kaya’t binuhat niya ito mula sa likuran.
“Ibaba mo ako!” Palag at sigaw ni Klaire.
“I want my reward now! Umibabaw ka sa akin!” utos ni Rage sa malalim at hindi natitinag na boses.
Gamit ang dalawang kamay, hinawakan ni Rage ang baywang ni Klaire at ginabayan ito sa paggiling. Wala pang isang minuto, lumabas ang isang mapang–akit na ungol mula sa mga labi ni Klaire. Napangiti si Rage ng matagumpay.
Yumakap si Rage kay Klaire habang patuloy ang paggiling nito sa ibabaw niya. Pagkatapos ay bumulong siya sa tainga nito. “I just lied… gusto ko lang makita ang reaksyon mo… mukhang gusto mo na nga ako dahil grabe ka magselos.”
Siyempre, hinding–hindi aaminin ni Rage De Silva na nagsinungaling siya tungkol sa pagiging “bihasa” sa
babae.
“A–ahh… t–totoo?” Hindi na makapag–isip pa si Klaire. Ang nararamdaman niya lang ay ang sarap na ibinibigay sa kanya ni Rage.
Sobrang nakakaakit ng boses ni Klaire. Hindi na kinaya pa ni Rage at agad na inihiga ang babae habang yakap niya ito.
“Oo… ikaw lang ang nag–iisa…” Napapikit si Rage at napaungol habang pinag–iisa ang kanilang katawan, ramdam ang mainit na pagnanasa. “Walang babaeng kasing ganda at sarap mo, asawa ko…”
Maging si Klaire ay napangiti nang bahagya. Muling nag–init ang kanyang puso. Mukhang gusto niya talagang pinupuri siya ng asawa kaya’t nakalimutan na niya ang dahilan ng kanyang galit kanina.
Lalong uminit sa loob ng kanilang kwarto nang tuluyan nang kalimutan ni Klaire ang isipin tungkol sa dose- dosenang babaeng nakama ni Rage.
Samantala sa ibang mansyon at kwarto, isang mag–asawa naman ang may mainit na sitwasyon…
Kakauwi lang ni Kira at nadatnan niyang yakap–yakap ni Miguel ang litrato ni Klaire na nakalagay sa isang malaking frame. Kita niya ang mga tuyong luha sa pisngi ng asawa.
Hindi niya matatanggap ‘yon! Kaya naman agad niyang hinila ang picture frame at ibinagsak ito sa sahig dahilan para mabasag ang salamin nito sa sahig.
Biglang napabalikwas ng bangon si Miguel.
“Anong ginagawa mo?!” Agad itong lumuhod sa sahig at maingat na hinaplos ang litrato ni Klaire, na parang buhay ito at nasaktan sa ginawa ni Kira.
Hindi na nakatiis pa si Kira sa ginagawa ng asawa.
“Tama na, Miguel! Bakit ba iniiyakan mo rin si Ate Klaire? Respeto naman sa’kin bilang asawa mo! Nasasaktan din ako sa nakikita kong parang umaasa ka pa rin kay Ate!”
1/2
Kabanata 84
+25 BONUS
Inilagay ni Miguel ang basag na salamin ng frame sa drawer. Ayaw niya itong itapon dahil si Klaire ang bumili ng frame na iyon para sa kanya.
“Wag mong basta–basta hinahawakan ang mga gamit ko,” malumanay na sabi ni Miguel. “At… dapat huwag mong kalimutan na arranged marriage lang ang kasal natin. Iba sana kung si Klaire ang pinakasalan ko, dahil mahal namin ang isa’t isa.”
Umiling si Kira, hindi makapaniwala. Bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
“H–hindi mo pa ba alam? ‘Yung walang hiyang babaeng na ‘yon ay ikakasal na kay Tito Rage!” sigaw niya at hindi na niya napigilan ang galit at pagkadismaya.
Tumayo si Miguel at hinarap siya. “Ayusin mo ang pananalita mo! Huwag mong bastusin si Klaire sa harap ko!”
“Nababaliw ka na, Miguel! Asawa mo ako! Nakalimutan mo na ba kung paano ka pinagtaksilan ni Ate Klaire bago ang kasal n’yo? Niloko ka niya! Magising ka naman sa katotohanan!”
Marahan na napabuntonghiħinga si Miguel. Ayaw na niyang makipagtalo kay KIra dahil pakiramdam niya’y wala rin itong patutunguhan.
Mula pa sa simula, sinabi na niya sa babae na itinuring lang niya itong kapatid… dahil stepsister ito ng babaeng mahal niya. Mukhang masyado nang nadala si Kira sa kasal nilang wala namang patutunguhan.
“Hindi ako niloko ni Klaire. Ako ang nagtaksil kay Klaire nang basta ko na lang tinapos ang relasyon namin. Dapat pinakinggan ko muna ang paliwanag ng kapatid mo.” Matalim na tinitigan ni Miguel si Kira. “Huwag mo nang babanggitin ang bagay na ‘to sa harap ng kahit sino.”
Bago pa man siya makatalikod, niyakap ni Kira ang braso niya.
“Sinungaling si Ate Klaire, Miguel! Sigurado akong nagsinungaling siya sa’yo!”
“Hindi.” Tinabig ni Miguel ang kamay nito mula sa braso niya. “Pumasok nga si Klaire sa hotel room gaya ng nasa litrato. Pero wala siyang ginawang masama kasama ang lalaking ‘yon.”
Napatingin si Kira sa asawa, hindi makapaniwala sa katangahan nito. Imposible na pumasok ang isang lalaki’t babae sa isang hotel room nang walang nangyayari! Lalo na’t sobrang lasing si Klaire nang gabing iyon.
“Nakita kong naglalampungan sila bago pa man sila umakyat sa kwarto!” sigaw ni Kira.
Sigurado si Miguel na nagsisinungaling si Kira. Mas pinaniniwalaan niya ang sinabi ng kanyang tiyuhin kaysa sa babae, na halos hindi niya kilala nang lubusan.
“Kung gano’n bakit mo hinayaang pumasok si Klaire roon kasama ‘yung lalaki? Sinadya mo bang pabayaan siya?!” Marahil tama ang kanyang ina… na ang babaeng ngayo’y asawa niya ay may masamang intensyon. “Ano nga ba talaga ang tunay mong motibo, Kira Limson?”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)