Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 83

Kabanata 83

Ngayon ko lang nalaman na palabiro ka pala, Tito Rage.bahaw siyang ngumiti at pinakawalan ang tensyon sa katawan. Imposibleng pakasalan ni Rage si Klaire!

“Hindi ba malinaw ang sinabi ko?Ibinato ni Rage ang isa pang folder sa desk. Cancellation of our cooperation. You violated several points written there.

Tulalang napatingin si Kira kay Klaire, hindi pa rin gustong paniwalaan na talagang magpapakasal ito sa isang Rage De Silva.

Naagaw na niya ang pagkakataong pakasalan si Miguel, at itinakwil na si Klaire sa pamilya nila, pero ngayon… papakasal ito sa pinakamayamang lalaki sa bansa?

HindiTito, hindi mo pwedeng pakasalan si Klaire. Siya’y—

Enough! Sumasakit ang tenga ko sa boses mo. Get out of here!Ngunit hindi pa rin gumalaw si Kira, kaya mas lalong nagalit si Rage, “Tatawagin ko ang security para hilahin ka palabas ng kumpanya ko.

Kahit tinakot na ng gano’n, hindi pa rin gumalaw si Kira sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ay binabangungot siya. Ngunit nang pumasok ang dalawang guwardiya sa opisina ni Rage, bigla siyang nagising sa katotohanan.

Bitiwan n’yo ako! Tito! Asawa ako ni Miguel! Ng pamangkin mo! Bakit mo ako tinatrato ng ganito?! Dapat yung babaeng yon ang palayasin mo dito!

Isa sa mga guwardiya ang isinara ang pinto. Hanggang sa hindi na nila narinig ang natinis na boses ni Kira.

Are you satisfied?tanong ni Rage at hinila palapit ang upuan ni Klaire.

Tinitigan ni Rage si Klaire, umaasang makakakuha na siya ng regalomula sa kanyang asawa.

Ngunit tila tulala lamang si Klaire. Para sa kanya, napakalupit ng ginawa ni Rage kay Kira. Tiyak na labis ang kahihiyan ng stepsister niya nang hilahin palabas ng mga guwardiya.

Dahandahang umiling si Klaire, pilit tinatanggal ang awa sa puso niya.

Hindi dapat siya maaawanang dahil kay Kira, nawalan siya ng dangal, apelyido, at maging ang kanyang pamilya. Kaya ang mapalayas lang ito mula sa kumpanya ay hindi sapat para mapawi ang galit at hinanakit na nararamdaman ng puso niya.

Thank yousabi ni Klaire pagkalipas ng ilang sandali.

Our work is done. Hindi ka dapat mapagod dito.

Done?

Oo nga pala, pumunta lang si Rage sa opisina para kausapin si Miguel dahil ayaw niyang idamay ang mga magulang sa gulo kung sa mansyon sila magpapangabot.

Kahit papaano, ayaw nitong kamuhian ni Miguel ang lolo’t lola kung sakaling malaman nitong may kinalaman sila sa pagtatago ng kasal nila niRage, o kahit pati ang totoong mga pangyayari.

1/3

Kabanata 83

+25 BONUS

Swerte lang na dumating din si Kira sa mga oras na yon. Gumawa pa ito ng mabigat na pagkakamali na nagamit ni Rage para tuluyang mapalayas ang babae sa harap ni Klaire.

You have to pay me for taking revenge.

Sumunod siya sa lalaki na mabagal na lumalakad para hintayin siya.

Wala naman akong galit na kinikimkim sa kahit kanino. Hindi ko rin hiniling sa iyo na hiyain mo nang gano’n si Kira!

Hindi pinansin ni Rage ang paliwanag ni Klaire. Hinila niya ang asawa hanggang sa makauwi sila ng mansyon. Binalewala niya ang ina na gustong kausapin si Klaire, at pinaalis ang lahat ng kasambahay na gusto silang pagsilbihan.

Matapos maligo, naupo si Rage sa sofa.

I want my rewardnow.ani Rafe na hindi na makapaghintay na mahalikan ang asawa matapos siyang isnabin nito buong gabi.

Mamaya naSa nakita ni Klaire sa mga mata ni Ragena mula pa sa opisina ay puno na ng pagnanasa- napagtanto niyang naghahanap lang ito ng palusot para makaisa ulit sa kanya. Bibilhan na lang kita ng ibang reward.

Ayaw pa rin ni Klaire na pagbigyan si Rage. Sa tuwing gusto niyang gawin iyon, naiisip niya ang maraming babaeng nakama na ng lalaki. Kapag naiisip yon, pumipintig ang sentido niya, pati ang dibdib niya’y parang sasabog.

But I can buy anything I want.Tinapik ni Rage ang kanyang hita. Halika ritoisa lang ang bagay na gusto kong matanggap bilang reward.

Ngunit tumalikod si Klaire at pumasok ng banyo nang hindi sinasagot si Rage.

Sumunod naman agad si Rage dahil akala niya ay iyon ang paraan ni Klaire para akitin siya. Pero hindi niya mabuksan ang pinto ng banyo.

Klaire De Silva! Open the door!

Lumipas ang kalahating oras, hindi pa rin lumalabas si Klaire. Palakadlakad si Rage sa kwarto, pasulyap- sulyap sa pinto, at paminsanminsan ay kinakatok ang pinto ng malakas.

Sigurado siyang galit pa rin si Klaire dahil sa sinabi niya tungkol sa mga naging babae niya kagabi. Natutuwa pa siya dahil akala niya, nagseselos si Klaire. Pero hindi ibig sabihin noon ay pwede siya nitong balewalain at tanggihan!

Napabagsak si Rage sa kama sa inis.

Ilang minuto pa, dahandahang bumukas ang doorknob at lumabas si Klaire, maingat para hindi makalikha ng ingay.

Nang makita niyang nakapikit ang mga mata ni Rage ay nakahinga siya nang maluwag at dalidaling nagpalit ng

damit.

2/3

Kabanata 83

+25 BONUS

Ngunit pagkatanggal pa lang ng bathrobe niya ay nakatayo na si Rage sa likod niya.

Niyakap siya nito sa likuran at saka kinintilan ng mga halik ang kanyang leeg.

Bitiwan mo ako! Ayoko magkasakit!” reklamo ni Klaire, nabigla sa mga salitang nabitiwan.

Napatigil si Rage sa ginagawa. Aano’ng sinabi mo?

Dosedosenang babae ang nakama mo. Baka nagkasakit ka na!Ramdam man ang pagkabasa sa ibabang parte niya, sinabi pa rin ni Klaire ang dahilan ng pagaalala niya.

Kabanata 84

+25 BONUS

Kabanata 84

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)