Kabanata 82
Ngunit naalala niya ang mga sinabi ng tiyuhin. Wala siyang mukhang malharap para sa babae.
Pagkadating ni Miguel sa parking lot, kararating lang din ng sasakyan ni Kira at huminto ito sa tabi ng kotse niya. Agad siyang nilapitan ng asawang ni minsan ay hindi niya nagustuhan.
“Ano bang nangyayari sa’yo? Saan ka galing? Hanggang ngayon hindi ka pa umuuwi?” Nag–aalalang wika ni Kira at tiningnan ang gusot at maputlang mukha ng asawa.
“I… was wrong… hindi tayo dapat nagpakasal.”
Parang punyal ang bawat salitang binitiwan ni Miguel sa puso ni Kira. “B–Bakit mo nasasabi ‘yan?”
“Nagkamali ako, Kira… hindi ako niloko ni Klaire.”
“Anong ibig mong sabihin? Kitang–kita naman si Ate Klaire na may-“Hindi na natuloy pa ni Kira ang sasabihin nang maisip na may sinabi na naman ang letseng Klaire na ‘yon kay Miguel para sirain ang pagsasama nilang mag–asawa.
Mas lalong lumalim ang galit niya kay Klaire. Binitiwan niya si Miguel at nagdesisyong harapin si Klaire. Anuman ang mangyari, pinapangako niyang mawawala na ang babaeng ‘yon sa buhay niya at sa puso ni Miguel… lalo na sa kumpanya ng mga De Silva!
Gaya ng dati, ginamit na naman ni Kira ang parehong paraan para pagbintangan si Klaire. Tiwala siyang sa pagkakataong ito, palalayasin na talaga ni Rage si Klaire.
Buti na lang at may inihanda siyang report na may pirma at sulat–kamay ni Klaire. Siyempre, hindi si Klaire ang may gawa noon! Nag–hire pa siya ng professional para gayahin ang sulat–kamay nito. Dala ang kumpiyansa sa mukha, agad niyang pinuntahan ang sa tiyuhin sa asawa.
Hindi rin nalalayo ang reaksyon ni Miguel–nagulat si Kira nang makita si Klaire na nakaupo sa tabi ni Rage. Pero ayos lang… mas mabuti pa ngang nandoon silang dalawa. Malapit na niyang makita ang luha sa mukha ng letseng stepsister niya!
“Miss Klaire, nandito ka pala. May gusto sana akong itanong kay Mr. De Silva at sa’yo tungkol sa bagay na ito.” Iniabot ni Kira kay Rage ang folder na naglalaman ng fake report. “Tito, nakita ko ang sulat–kamay ni Miss Klaire dito.”
Tinitigan ni Kira si Klaire. Hindi siya pinansin nito at sa halip ay nag–relax lamang habang nagbabasa ng libro.
“Mas malaki pa ang nanakaw na pondo ngayon kaysa noong una?” Galit na galit ang mukha ni Rage habang binabasa ang dokumento.
Napangiti si Kira sa isip. ‘Ramdamin mo ‘yan, Klaire! Sino ba kasing tanga ang gustong sirain ang buhay ko at pamilya ko?‘
Sa kasamaang–palad, maling–mali si Kira! Hindi si Klaire ang kinagagalitan ni Rage, kundi siya!
“Bankrupt na ba ang pamilya mo?” 1
Tinapunan nang matalim na tingin ni Rage si Klaire, saka binalik ang tingin sa dokumento.
1/2
Kabanata 82
+25 BONUS
Bakit siya tinitingnan ni Rage ng ganoon? Nagbibigay ba ito ng signal sa kanya na turnulong para i–corner si Klaire? 2
“Wala siyang pamilya, Tito Rage.” Sabay tingin niya kay Klaire. “Hindi ko akalaing sa kabila ng kabutihang ipinapakita mo sa lahat, isa ka palang magaling na magnanakaw. Dapat nga magpasalamat ka pa kay Tito Rage dahil tinanggap ka niya para magtrabaho rito, pero ninakawan mo pa siya!”
Ibinaba naman ni Klaire ang librong hawak. Naiinis siya sa mga akusasyon ni Kira sa kanya. Ngunit bago siya makapagsalita, tinaas ni Rage ang kamay nito sa tapat ng mukha niya, sinasabing huwag siyang makialam.
“Tinanong kita, Kira Bonifacio!” singhal ni Rage, hindi na kayang hayaan pang pagnakawan nang malaking halaga ng isang walang hiyang babaeng nasa harapan niya.
Napasinghap si Kira sa lakas ng boses ni Rage at sa matalim nitong tingin.
“A–Ayos naman po ang pamilya ko, Tito. Bakit po ninyo tinatanong ang tungkol sa pamilya ko?”
“I can forgive you once because you are my nephew’s wife. Pero hindi na ngayon! Matapos mong pagnakawan ng dalawang bilyon ang kumpanya ko, ngayon walong bilyon naman ang ninakaw mo. Ilang bilyon pa ang nanakawin mo sa susunod?!”
Napanganga si Kira sa pagkabigla. “T–Tito? Ano pong ibig mong sabihin? Bakit ako ang inaakusahan mo? Klaro naman na sulat–kamay ni Klaire Villanueva ‘yan! Siya ang nagnakaw ng pondo ng project natin…”
“Tama na!” sigaw ni Rage at hinampas ang kamay sa desk kaya’t kapwa natigilan sina Klaire at Kira. “Kayang- kaya maging may–ari ni Klaire ng kumpanyang ito kung gugustuhin niya! Bakit siya magnanakaw sa kompanya ng magiging asawa niya?!”
“M–magiging asawa?” nauutal na ulit ni Kira sa mga salitang sinabi ni Rage, hindi makapaniwala sa narinig.
“Yes, Klaire is my future wife! At tatapusin ko na ang anumang ugnayan natin dahil patuloy mong ginugulo ang mapapangasawa ko!”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)