Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 81

AAno? You’re kidding, right?

Hindi makapaniwalang tinitigan ni Miguel ang kanyang tiyuhin at si Klaire.

Paano nagkaroon ng relasyon si Klaire sa tiyuhin niya ng mga panahong yon? Ni hindi pa nga kailanman nagkita sina Klaire at Rage noon!

Hindi kayang paniwalaan ni Miguel ang mga sinabi ni Rage. Marahil, gusto lang nitong protektahan si Klaire matapos nitong ibigay ang virginity nito sa kanya.

Ganoon kababa ang tingin ni Miguel kay Klaire matapos ang lahat ng nangyari. Imposibleng basta na lang makikialam ang isang Rage De Silva sa isang problemang makakasira sa sarili nitong reputasyon.

Hindi lang si Miguel ang nagulatmaging si Klaire ay hindi rin inasahan ang lahat ng sinabi ni Rage. Ano ba talaga ang plano ng lalaki?

Hindi ba’t si Rage din mismo ang nagsabing panatilihing lihim ang lahat maliban na lang sa mga taong nakakaalam na?

Ayaw ko sanang sabihin ito sa iyo. Pero, iyon ang totoo. That night, Klaire helped me, who was almost unconscious, to find my room andshe took care of me all night until I woke up..

AAno?!napasigaw si Miguel.

Hindi pa kami magkakilala noon. Kung hindi mo pa sinabi sa akin na si Klaire ang dating fiancée mo, hinding- hindi ko malalaman. You can even ask Chris. Siya ang sumundo sa amin kinabukasan.

Ano pa ba ang dapat niyang sabihin? Kailangan niyang bigyan si Miguel ng katanggaptanggap na rason. Sa huli, ngayong napagtanto ni Miguel na masyado siyang nagpadalosdalos sa pagkansela ng kasal nila ni Klaire, dapat lang niyang maunawaan na hindi na siya karapatdapat para kay Klaire. 1

Perpekto rin itong kasinungalingan para kay Rita. Sigurado si Rage na hindi ibubunyag ni Miguel sa ina ang nalaman dahil alam nitong siguradong magagalit at lubos na madidismaya ang ina kung malalaman nitong nakipaghiwalay si Miguel kay Klaire dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan.

Tama ang hinala ni Rage. Hindi na makapagsalita si Miguel at napaupo na lang sa upuan.

Disappointedlabis ang pagkadismaya ni Miguel. Bakit ba siya naging ganito katanga para maniwala agad sa isang litrato na hindi man lang niya alam kung saan nanggaling, sa halip na tanungin si Klaire?

Klaire, I-

Enough.Tiningnan ni Rage si Klaire bilang hudyat na umalis na ito.

Agad namang lumabas si Klaire, ayaw na dagdagan pa ang iniisip niya at baka makasama lang sa pagbubuntis niya.

Pagkaalis ni Klaire, muling umupo si Rage sa upuan niya. Tahimik niyang pinagmamasdan ang matinding panghihinayang na mababanaag sa mukha ng pamangkin.

1/21

Kabanata 81

+25 BONUS

Kasal ka na sa kapatid ng magiging asawa ko. Itutuloy ko pa rin ang pagpapakasal kay Klaire para mapanatili ang magandang reputasyon ng pamilya natin.

Unclehindi puwedeng ganito! Hindi mo puwedeng pakasalan si Klaire anuman ang mangyari. AAgad kong hihiwalayan si Kira at magmamakaawa ako kay Klaire na patawarin ako.Pula na ang mata’t mukha ni Miguel, pinipigilang pumatak ang luha dahil sa labis na pagsisisi. 11

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Rage. Inaasahan na niyang ito ang sasabihin ni Miguel.

Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng kapatid ko? Kamumuhian ka niya kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit mo hiniwalayan si Klaire. Dapat itago mo na lang ito sa lahat.

Napakahusay ni Rage sa pagsasalita. Sanay siyang kontrolin ang mga tao para sundin ang kagustuhan niya. Lalo na si Miguel, na napakadaling maimpluwensyahan sa matatamis na salita lamang.

Go home and reflect. Tanungin mo ang sarili mo kung karapatdapat ka pa rin ba kay Klaire. Ni hindi mo siya pinagkatiwalaan. Sinaktan mo siya, at itinapon hanggang sa mapalayas at itakwil siya ng sarili niyang pamilya.

Napayuko si Miguel at pinagisipan ang mga sinabi ni Rage. Tama ang tiyuhin niyanakakahiya kung sasabihin pa niyang gusto pa niyang bumalik si Klaire sa kanya.

Naglalaban ang isip at puso ni Miguel. Sa isang banda, mas lalo niyang ginusto si Klaire matapos marinig ang katotohanan. Ngunit sa kabilang banda, naniniwala siyang mas kayang protektahan ng Uncle Rage niya si Klaire -kumpara sa kanya, na pabaya at pinagbintangan pa ito ng walang sapat na dahilan.

Pero kahit ganoon, ayaw pa rin ni Miguel na makita si Klaire na mapunta sa ibang lalaki

Uncle, hindi mo na kailangang pakasalan si Klaire. Hahanapan ko ng paraan para ayusin ang lahat ng ito. Nakikiusap akokanselahin mo ang kasal ninyo.

Alam ni Miguel na hindi bastabasta mapipigilan ang tiyuhin niya kapag nakapagdesisyon na ito. Ngunit hindi siya susuko. Patuloy pa rin siyang nagmakaawa kay Rage na itigil ang plano nila ni Klaire.

Wala akong pakialam kung tawagin man akong kriminal sa pagpapakasal sa dating fiancée ng pamangkin ko. Besides, no one would dare to even try to bring me down,matigas na wika ni Rage.

Hindi na nakakibo si Miguel kay Rage. Lumabas siya ng opisina nito na pagod na pagod ang itsura, gustong kausapin si Klaire para humingi ng tawad rito.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)