“It’s actually my Uncle… siya rin ang tinawagan mo kagabi.” Sinenyasan ni Miguel si Eirca na manahimik habang kinakausap niya si Rage.
Matigas ang boses ni Rage nang kausapin siya. Binigyan niya ng pera si Erica bilang pasasalamat sa pananatili niya roon magdamag. Sa isip ni Miguel, iyon na ang huling beses na magkikita sila.
“Ang bait ng babaeng ‘yon,” bulong niya sa sarili.
Iniwan ni Miguel ang kanyang kotse sa bar kagabi. Kaya sumakay siya ng taxi papunta sa kumpanya ni Rage. Siyempre, naligo muna siya sa apartment ni Erica bago umalis, at sinuot ang parehong damit na suot kagabi.
Pagdating niya sa opisina ni Rage, nakita niya si Klaire na nakaupo sa tabi ng kanyang tiyuhin. At… pareho pa sila ng upuan!
Anong nangyayari? Nagsimulang kabahan at hindi mapalagay si Miguel. Hindi basta–bastang hinahayaan ni Rage na may makalapit sa kanya na kung sinu–sino lang.
Bukod pa roon, hindi ba’t kamakailan lang ay nagnakaw ng malaking pondo si Klaire sa kumpany? Bakit nagtatrabaho pa rin ito doon kahit nalaman na ng tiyuhin niya ang ginawa nito?
Pakiramdam ni Miguel ay parang pinipiga ang kanyang puso. Ang dami–dami niyang iniisip na hindi na niya maintindihan.
“Ayaw mo bang umupo?”
May kakaiba. Ramdam ni Miguel ito.
Tumingin si Klaire sa kanya nang diretso, walang pag–aalinlangan o hiya tulad ng dati, at hindi ito nagpakita ng kahit anong pagsisisi gaya ng huli nilang pagkikita.
“Bakit mo ako pinatawag, Uncle?”
Iniabot ni Rage ang isang makapal at mabangong papel. “Pagkatapos mong basahin ‘yan, gusto kong kumalma ka at makinig muna sa akin.’
Napalunok naman si Miguel. “Sige.”
Hindi na nag–aksaya ng oras si Miguel at agad na binuksan ang papel. Ilang segundo lang ay nanlaki ang mga mata niya at parang huminto ang tibok ng kanyang puso.
Paulit–ulit niyang binasa ang nakasulat, ‘Wedding Invitation for Rage De Silva and Klaire Villanueva.‘
Walang nagbago kahit ilang beses pa siyang pumikit at kumurap!
“U–Uncle… ano ‘to? Bakit? Hindi ba sinabi ko na sa iyo…” Naputol ang boses ni Miguel.
“I will marry Klaire,” madiing pahayag ni Rage, “para mapanatili ang reputasyon ng ating pamilya.”
Alam ni Miguel iyon… na ang pagkansela ng kasal nila ni Klaire ay tiyak na pagmumulan ng mga tsismis mula sa mga tao.
1/3
Kabanata 80
+25 BONUS
Maaaring kaawaan si Klaire dahil iniwan niya ito, samantalang posibleng masira ang pangalan niya dahil ituturing siyang playboy ng mga tao… na pinaglaruan niya lang ang puso ng panganay na anak ng mga Limson.
Sa totoo lang, marami na siyang narinig na insulto mula sa ibang tao. Ilan din sa mga investor nila ang umatras sa pakikipagsosyo dahil ayaw nilang ipagkatiwala ang kanilang pera sa isang businessman na pabagu–bago ng isip at basta na lang nang–iwan ng babae.
Dahil dito, naging abala siya nitong mga nakaraang araw sa pakikipag–ayos sa mga kasosyo niya sa negosyo habang iniiwasan si Kira, imbis na lunurin ang sarili sa alak para lang makalimot.
Higit sa lahat, ang pinakamalaking dahilan ng depresyon niya ay ang pagtataksil ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Blangko niyang tiningnan si Klaire na seryoso ang mukhang nakatingin din sa kanya. Ni hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
“Hindi mo na kailangang gawin ito, Uncle! Hindi ko kailangan ang tulong mo! Aayusin ko ang sarili kong problema!” pitik ni Miguel at padabog na hinampas ang desk.
Inutusan ni Rage si Klaire na lumabas ng silid. Habang papalapit si Klaire sa pinto, hinila siya ni Miguel sa braso.
“Saan ka na naman tatakbo, ha? Huwag kang tumakas! Hindi kita hahayaang gamitin ang Uncle ko para protektahan ang pangalan mo!”
“Let go of my future wife, Miguel!” Tumayo si Rage at malamig na tinignan si Miguel. Nakakatakot ang mga mata’t puno ng pagbabanta para kusang binitiwan ni Miguel ang kamay ni Klaire.
“Hindi mo pwedeng pakasalan ang babaeng ‘to, Uncle!” hindi binabaan ni Miguel ang kanyang boses.” Kinansela ko ang kasal namin dahil niloko ako ng babaeng ‘yan! Hindi ko na alam kung ilang beses na siyang nakikipaglampungan sa ibang lalaki. Isa lang ang sigurado ako, hindi ko hahayaang pakasalan mo ang babaeng walang ka–respe–respeto sa sarili niya!”
Tumayo si Rage mula sa kinauupuan at hinawakan ang kuwelyo ni Miguel hanggang bahagyang hanggang sa umangat na ang mga paa nito sa sahig.
“Watch what you say to my future wife.”
Mahigpit na hinawakan ni Miguel ang pulso ni Rage. Pilit niyang pinapaluwag ang hawak ng tiyuhin sa kanya pero hindi siya nagtagumpay.
“Hindi ako nagsisinungaling! May ebidensya ako na natulog si Klaire kasama ang isang lalaki sa hotel!”
Marahas na binitiwan ni Rage ang kuwelyo ni Miguel. Malalim siyang huminga bago nagtanong, “Ang tinutukoy mo ba ay ang mga litrato ni Klaire kasama ang isang lalaki sa bridal shower na plinano ng asawa mo?”
“Oo!”
Umangat ang dulo ng labi ni Rage. Hindi niya akalaing ganito katanga ang pamangkin niya. Ni hindi man lang pinagdudahan ang asawa nito nang iwan si Klaire mag–isa sa lugar na ‘yon.
Ngunit hindi na piniling sabihin pa ni Rage iyon. Ayaw niyang makaramdam ng guilt si Miguel at habulin pa ang kanyang asawa.
“You don’t have to worry about me. Napatunayan ko nang mabuting babae si Klaire…” Tinapik ni Rage sa balikat
2/3
Kabanata 80
si Miguel. “…dahil ako ang lalaking nasa litrato.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)