Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 79

Kabanata 79

BwisitNagkamali si Rage! Ngayon niya lamang napagtanto na gusto ng mga babae na sila lang una at nagiisa kahit na iba ang realidad.

Hindi na niya pwedeng bawiin ang mga nasabi niya. Siya si Rage De Silva, at hindi niya binabawi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Klaire De Silva,matigas ang boses niya nang tawagin si Klaire.

Hindi gumalaw si Klaire dahil mahimbing na ang tulog nito na may kunot ang noo.

Lumipat si Rage sa harapan ng babae, at saka hinaplos ang kunot sa noo ng kanyang asawa habang nakangiti.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya, dahilan para agad siyang bumaba ng kama upang hindi maistorbo si Klaire na malalim na ang pagkakatulog.

Sa balcony, agad sinagot ni Rage ang tawag mula sa numero ng kanyang pamangkin. Hindi siya agad nagsalita at hinintay munang magsalita si Miguel.

Pero hindi si Miguel ang narinig niya mula sa kabilang linya, kundi boses ng isang babae, Good evening po, nakita ko po ang number ninyo sa contacts ni Sir Miguel Bonifacio. Puwede po bang-

Ngunit biglang naputol ang tawag na yon. Napataas ang kilay ni Rage nang tingnan ang number ng caller.

Kay Miguel nga ang numero na yon. Kung gano’n, sino yong babae?

Sigurado siyang hindi si Kira ang nagmamayari ng boses na yon. Bakit nasa ibang babae, na hindi naman nito asawa, ang phone ni Miguel nang ganoong oras ng gabi?

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Rage sa kuryusidad. Bumalik siya sa look at pinatay ang phone. Kung may nangyari man kay Miguel, ang ate niya ang unang magbabalita sa kanya.

At mabuti nga kung nakikipaglaro ng apoy sa ibang babae si Miguel. Mas lalo niyang maipapakita kay Klaire na siya lamang ang lalaking karapatdapat na maging asawa nito.

My wifewake uphindi mo pa nagagawa ang tungkulin mo.

Ayaw na sanang guluhin pa ni Rage si Klaire. Gumulong siya sa kama na para bang may masakit sa buong katawan, hindi makatulog. Sumasakit ang ulo niya dahil gusto niyang sipingan ang asawa. Kaya lang ay tulog- mantika na si Klaire. Nanatili tuloy na mulat ang mga mata ni Rage hanggang magumaga.

Napakadilat si Klaire nang maramdaman niyang may basang bagay na dumikit sa kanyang dibdib. Napasigaw siya sa gulat nang makita niyang nilalaro iyon ni Rage gamit ang bibig nito habang nakapikit.

RRageanong ginagawa mo?

Bahgyang tinulak ni Klaire ang ulo ni Rage, ngunit lalo pang sinupsop ni Rage ang malambot niyang laman.

Inaantok akohuwag mo akong istorbohin,halos hindi maintindihang saad ni Rage habang patuloy sa ginagawa.

1/3

Kabanata 79

+25 BONUS

Eh ikaw itong nanggugulo sa akinumaga na, kailangan ko pang maghanda para sa pagpasok.

Binitiwan ni Rage ang dibdib ni Klaire na may malakas at basang tunog.

You’re off for today. Matulog ka ulitmasakit ang ulo ko at hindi ako nakatulog dahil ayaw mo akong paglingkuran kagabi.

Pero-

Gusto mo ba akong magkasakit?

Hindi nakasagot si Klaire. Bumalik si Rage sa kanyang paboritong gawain.

Tatayo na sana si Klaire nang makatulog na talaga si Rage, pero biglang gumalaw ulit ang bibig nito na parang gutom na sanggol. Sa tuwing gagalaw siya, awtomatikong sinisipsip na Rage ang dibdib at ayaw siyang bitawan.

***

Nang magising si Miguel, agad niyang napansin ang kulay pink na mga bagay sa paligid. Masakit pa rin ang ulo niya dahil sa epekto ng alak.

Nasaan ako?

Binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad ang isang babaeng hindi niya kilala. May dala itong tray ng inumin at isang mangkok ng pagkain.

Sir, gising na pala kayo. Dinalhan kita ng almusal para mabawasan ang hangover niyo,ani babae na pinatong ang tray sa side table.

Bahagyang napahinto si Miguel, gulat at nalilito. Paano siya napunta sa kwartong to at sino ang babaeng to? Awtomatiko niyang tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot, dahilan para matawa ang babae.

Naku, hindi po ako katulad ng iniisip niyo kaya huwag kayong magaalala. Kagabi, sinubukan kong tawagan ang ilang numbers sa outgoing callssa phone ninyo, pero paulitulit ninyo kinukuha ang phone niyo.

Napabuntonghininga si Miguel matapos masigurong wala siyang nagawang masama sa babae.

Sino ka? Paano ako napunta rito?”

Hindi mo na ako maalala? Ako yung nagtatrabaho sa bar na nagserve sa inyo ng business partner mo kagabi.

Binalikan ni Miguel ang naganap kagabi. Umiinom sila ng ilang kasamahan sa trabaho sa bar at may ilang babaeng kasama. Ngunit ang babaeng nasa harap niya ngayon ay ibangiba sa nakita niya kagabi, halos hindi niya ito makilala.

Bakit itinatago ng ganitong kagandang babae ang tunay niyang mukha sa likod ng makapal na makeup?

Bakit ganyan ka makatingin, Sir? Masakit pa rin ulo mo? Kumain ka muna. Kukunin ko ang coat mo.

Youare you still a teenager? Bakit nagtatrabaho ka sa ganung lugar?

Napangiti ang babae, pagkatapos ay umupo sa sahig. Nagpakilala itong si Erica. Dahil sa hiya, umupo rin si Miguel sa sahig. Masakit pa rin ang ulo niya, kaya humingi siya ng permiso na magpahinga muna roon.

2/3

Kabanata 79

+25 BONUS

Habang kinakain ni Miguel ang almusal na inihanda ni Erica, ikinuwento ng dalaga na tama ang hinala niya- na isa nga siyang teenager. Tumigil pala ito sa pagaaral kahit graduating student na dahil pinili nitong maghanapbuhay para mabuhay.

Agad naman silang naging close. Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Miguel at naputol ang kanilang usapan.

Asawa mo na siguro yan.Kaswal na wika ni Erica sa kanya.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)