Kabanata 78
“Pa!” sigaw ni Miguel.
Dismayadong napatingin si Miguel sa ama. Nangako itong itatago ang pagtataksil ni Klaire sa Mama niya. Kahit galit pa siya kay Klaire, ayaw niyang masaktan ang ina dahil sa ginawang iyon ng gusto nitong maging daughter- in–law.
“Wala na akong gana kumain. Good night,” sabi ni Miguel, sabay alis sa hapag–kainan.
Mabilis namang sinundan ni Kira ang asawa. Mula nang ikasal sila, ni minsan ay hindi pa natulog si Miguel sa tabi niya. Ayaw niyang iwan siyang mag–isa ni Miguel ngayong gabi.
Maghapong nagpakabait si Miguel sa kanya. Excited siya na sa wakas ay makakamtan niya ang gabing matagal na niyang hinihintay. Pero kinuha lamang ni Miguel ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis.
Mabilis niyang niyakap ang likod nito. “Saan ka pupunta? Hindi ka na naman matutulog dito ngayong gabi?”
“May importante akong aasikasuhin. Pasensya na…” Inalis ni Miguel ang mga kamay ni Kira.
Pero ayaw sumuko ni Kira. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Miguel. Hindi pwedeng umalis ang asawa dahil hinanda na niya ang lahat para sa gabing ito.
“Don’t go, Miguel. Lagi mo na lang akong iniiwan, simula pa noong ikinasal tayo. Wala na akong hihilinging kahit ano… please, sleep here with me…” umiiyak na pakiusap niya. “Please, matulog ka lang dito…”
Huminga nang malalim si Miguel. “Okay.”
Hindi na sila naghapunan at bumalik sa kwarto. Nagsuot si Kira ng manipis at mapang–akit na lingerie saka gumapang sa kama, tila nang–aakit.
Pero hindi man lang siya binalingan ng tingin ni Miguel na abalang–abala sa phone nito. Kahit ano’ng gawin niya, tila hindi interesado ang asawa.
“Miguel…” Hinablot niya ang phone ni Miguel at dumikit sa asawa. Sinandya niyang yumuko para makita ng asawa ang magandang hubog ng katawan niya. “Ayaw mo ba akong hawakan?”
“Sinabi ko na… hindi ngayon.” Binawi ni Miguel ang phone. “Matulog ka na.”
Humiga si Kira sa kama, niladlad ang dress para makita ni Miguel ang makinis niyang kutis, at naghintay na matukso ang lalaki.
“Are you asleep?” tanong ni Miguel sa likuran niya makalipas ang ilang minuto.
Napangiti si Kira at nagkunwaring galit. Dapat ay si Miguel naman ang mang–akit sa kanya para hindi siya magmukhang cheap na babae.
Sigurado siyang magtatagumpay siya ngayong gabi. Hindi kayang tanggihan ni Miguel ang kaakit–akit niyang
katawan.
Pero bigla na lang bumangon si Miguel nang mapansing tahimik siya. Lumabas ito ng kwarto at dahan–dahang isinara ang pinto.
1/2
Kabanata 78
+25 BONUS
Ilang oras siyang naghintay, pero hindi na bumalik ang asawang si Miguel. Napahikbi at hagulgol na lang si Kira habang mag–isa sa malamig na kwartong ‘yon.
“Kasalanan ito ng Klaire na ‘yon. Bakit hanggang ngayon ay ginugulo mo pa rin ang buhay ko? Napasaakin na si Miguel….”
***
Samantala, hindi mawala sa isipan ni Klaire ang sinabi ng ate ni Rage.
“Pwede bang magtanong?” tanong ni Klaire habang magkatabi sila ni Rage sa kama.
Umayos si Rage ng higa at inulunan ang kanyang braso. “Hmm…”
Saglit na nag–alinlangan si Klaire. Hindi naman siguro kalabisan para magtanong siya tungkol sa mga bagay na personal, ‘di ba? Asawa naman niya si Rage.
“Bakit… bakit hindi ka pa nagkaka–girlfriend dati?”
Biglang nanigas ang panga ni Rage sa narinig. “Naniniwala ka pa rin ba sa sinabi ng kapatid ko? Walang alam nina Rita at Mama ang tungkol sa mga naging babae ko noon.”
Naramdam ng panlulumo si Klaire. Baka tinago lang ni Rage ang mga naging babae niya dahil gusto niya lang ng ka–one–night stand, kagaya ng mga bidang lalaki sa mga nobelang madalas niyang binabasa.
“I’ve dated a dozen of women before,” mayabang na dagdag ni Rage. “Sanay na sanay ako sa mga babae.”
Napatalikod si Klaire kay Rage, saka hinila ang kumot at tinakpan ang kanyang ulo.
Kung gano’n ay totoo pala. ‘Second hand‘ na lang ang lalaking pinakasalan niya. Tira–tira ng mga babaeng dinate nito noon. Ano nga bang in–expect niya? Malamang ay kaliwa’t kanan ang mga babaeng dumaan sa buhay ng lalaki.
“Wala ba tayong gagawin ngayong gabi?” Hinila ni Rage ang kumot sa asawa at tinapon ‘yon sa kanilang paanan.
“Ayoko! Ayoko sa lalaking hinawakan na ng maraming babae!” inis na reklamo ni Klaire. “Dun ka na lang sa
kanila!”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)