Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 77

Kabanata 77

Ano? Kailan pa?! Paano nagawang palayasin ni Theodore ang sarili niyang anak?gulat na sigaw ni Rita. Bakit hindi sinabi sa kanya nina Julius at Miguel yon?

Sinabi ni Klaire sa Papa niya na magpapakasal na siya. Nagalit ito sa pagaakalang magpapakasal si Klaire sa kung sinong lalaki lang matapos makipaghiwalay kay Miguel.

Napatingin na naman sina Klaire at Anna kay Rage, parehong hindi makapaniwala. Paano kayang nagagawan ni Rage ng sarili bersyon ang kwento nang walang pagaatubili?

Lahat ng lumalabas sa bibig ni Rage ay parang totoo. At siyempre, kayang gawing totoo lahat iyon ni Rage.

Si Theodore Limson? Hindi mahirap na balakid ang ama ni Klaire para kay Rage.

Bukod pa roon, pinalayas nito si Klaire. Wala nang karapatan ang lalaki na kontrolin pa si Klaire, lalo na para pagbawalan itong magpakasal sa kanya.

Masyado ring kumbinsido si Rita sa mga sinabi ni Rage. Isa lang ang hindi niya maintindihan.

Pero bakit hindi mo sinabi sa Papa mo na magpapakasal ka kay Rage, Klaire? Sigurado akong matutuwa si Theodore na maging soninlaw si Rage. Bukod pa roon, pinakasalan ka ni Rage para protektahan ang pangalan mo at ni Miguel. Sigurado akong hindi ka pipigilan nina Theodore at Julius.

That’s precisely because Klaire is going to marry me,sagot ni Rage.

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Rita. Anong ibig mong sabihin?”

You see, Theodore kicked out his daughter after knowing she was going to get married soon. Kahit ano pa ang dahilan, dapat pinakinggan muna ni Theodore ang paliwanag ni Klaire. Pero hindi, pinalayas pa niya si Klaire.

Yumuko si Klaire sa katotohanang sinabi ni Rage. Hindi talaga siya pinakinggan ng ama. Paano nalaman ni Rage iyon? Halata ba sa mukha niya na kulang siya sa pagmamahal nito?

Klaire, pasensya ka na. Pero huwag kang magalala. Malapit ka nang maging asawa ni Rage. Wala nang mangmamaliit sa’yo, kahit ang sarili mong ama,niyakap siya ni Rita at hinaplos ang kanyang likod. “Lagi kitang susuportahan.

Alam ni Rita na noon pa man ay mas ipinagmamalaki na ni Theodore si Kira kumpara kay Klaire. Pero ngayon lang niya nalaman na kaya pa palang mas maging malupit ni Theodore sa sarili niyang anak. Hindi rin niya inasahan na ganoon ito kawalangkwenta bilang ama. Pinalayas si Klaire nang walang pagsisisi, at walang pakialam kung ano ang mangyari sa sariling anak.

Buti na lang handang akuin ng kapatid ko ang gulo na sila rin ang may gawa. Naiirita din ako kay Julius, ni hindi man lang niya dinidiscuss sa akin ang mga ganitong bagay,napasimangot si Rita. Sigurado akong pinilit ni Kira ang Papa niyo na siya ang ipakasal kay Miguel, at agadagad namang sumunod ang Papa mo!dagdag pa niya.

Huminga nang malalim si Rage nang patuloy siyang titigan ni Klaire, na parang sinasabi ng mga mata niya sa babae na, hindinghindi mo mararanasan ang hirap habang asawa mo ako. Maaasahan mo ako.

Matapos masagot lahat ang tanong, umalis na si Rita sa mansyon ng mga De Silva na may galit sa sariling

1/2

Kabanata 77

+25 BONUS

pamilya. Hindi niya inasahan na siya lang pala ang walang alam sa nangyari kay Klaire.

Lalo pa niyang kinamuhian si Kira nang maalala ang mga sumbong nito tungkol kay Klaire. Saan kaya nakuha ng babae ang mga litrato? Sinundan kaya nito si Klaire dahil ayaw nitong makitang masaya ang kapatid? Napailing na lamang si Rita sa inis.

“Mommy, nandiyan na po pala kayo. Naghanda po ako ng dinner. Maupo na po kayo,sabay ngiti ni Kira, pilit na inaakit ang atensyon ng biyenan.

Maingat niyang inilapit ang silyang uupuan ni Rita sa harap ng hapagkainan. Pagkatapos ay bumalik sa sariling upuan sa tabi ni Miguel.

Iniimbitahan mo akong umupo sa sarili kong bahay? Parang papalitan mo na ang reyna ng mansyon na to ah,sarkastikong saad ni Rita kay Kira na narinig din ng asawa niyang si Julius.

Watch your words, Rita,saway ni Julius. Dapat maging mabait ka sa manugang mo. Sinisikap ni Kira na maging mabuting asawa at manugang dito. You should appreciate her efforts.

Nakakabaliwkailangan ko pang pasalamatan ang babaeng mangaagaw ng nobyo,iritadong bulong ni Rita.

Rita!singhal ni Julius. Gusto mo na namang pagusapan si Klaire? Bakit? Kasal na si Miguel! And just so you know, si Klaire ang nagtaksil sa ating lahat!

Kabanata 78

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)