Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 76

Lumipat siya sa bakanteng upuan katabi ng ina. Kinuha niya ang cellphone at ipinakita kay Rita ang photo gallery doon.

Parehong nagulat sina Anna at Rita nang makitaang mga larawan nina Rage at Klaire na kahawig ng kuha sa mga litratong binigay ni Kira. Pareho ang mga damit, pati na rin ang lugar.

Tiningnan ni Anna ang anak, hanganghanga. Talaga nga namang handa ang anak niyang si Rage sa kahit anong bagay!

Bago pa man sumugod si Rita doon, ay nagpaschedule na si Rage ng photoshoot. Wala siyang inaksayang pagkakataon at binayaran si Demi, ang fashion designer, na gayahin ang damit ni Klaire noong gabing yon.

Mabuti na lang at naisave niya ang video mula sa CCTV. Hindi lang yon, pinapractice din niya si Klaire kung ano ang sasabihin kung tatanungin ito patungkol sa mga litratong iyon.

Hindi niya pinaalam kay Klaire na nalaman niya mula kay Charlie ang tungkol sa mga litrato na hindi pa nailalabas. Gusto ni Rage na magmukha siyang maaasahan sa anumang problema.

Oh, no! I’m sorry, Rage, kung inakusahan kitapagsisisi ni Rita. Ang akala ko hindi mo na nakontrol ang sarili mo kay Klairealam ko namang hindi ka kailanman gumalaw ng kahit sino

Samantala, parang gumaan ang dibdib ni Klaire nang marining ang mga yon. Nasagot din ang mga tanong niya

Klaire! Nandiyan ka pala! Come here.Ibinukas ni Rita ang mga braso, naghihintay na mayakap ang future sisterinlawna hindi na nga futurekung tutuusin.

Nagmadaling niyakap ni Klaire ang kapatid ni Rage. Nainggit naman ang ina ng mga De Silva nang makita ang pagiging malapit ni Klaire sa anak na babae. Hindi pa kasi niya nayayakap ng gano’n si Klaire.

Sa kabilang banda, nabalisa naman si Rage. Narinig kaya ni Klaire ang mga sinabi ng ate niya? Na kailanman ay hindi pa siya gumagalaw ng babae?

Hindi dapat malaman ni Klaire na sa tinanda niyang yon ay hindi pa siya nakakagalaw ng babae! Na wala pa siyang experience! Ilang beses siyang nagisip ng solusyon para makumbinsi ang asawa na bihasa siya sa lahat ng bagaypati sa kama!

Klaire, nalaman ko na ang lahat kay Rage. Magiging magkapamilya na tayo. Magiging little sister na kita.Marahang pinisil ni Rita ang pisngi ni Klaire. Tawagin mo na akong atemagmula ngayon ha?

OpoateAgad na namula ang pisngi si Klaire. Kakaiba para sa kanya na tawagin ang ginang na halos kasing edad na ng Mama niya ng ate.

Patuloy na nakipagwentuhan si Rita kay Klaire.

Magsumbong ka lang sa akin kapag sinaktan ka ni Rage. Kahit magkukwarenta na ang lalaking yon, wala pa rin yang experience sa mga babae. Isang virgin at hindi alam kung-

Rita Bonifacio!dumagundong ang boses ni Rage, dahilan para mapahinto ang mga katulong na dumadaan sa labas sa silid. Get out of this house right now!

1/2

Kabanata 76

+25 BONUS

Bumungisngis si Klaire. Ngayon, sigurado na talaga siyang wala pang ibang babaeng pumatol kay Rage. Siya ang kaunaunahang babae sa buhay ng lalaki.

She’s telling you lies,bulong ni Rage na umupo sa tabi ni Klaire. Pwede mong tanungin si Chris kung ayaw mong maniwala sa akin.

Tinitigan ni Rage ang kanyang kapatid. Sumulyap lamang si Rita, hindi alam kung bakit galit na galit sa kanya si Rage.

Nga pala, Klairegusto ko lang malaman,sabi ni Rita, hindi pinansin ang tingin ng kapatid. Bakit hindi ka sumama sa mga Limson noong kasal nina Miguel at Kira? Wala ka rin nung bumisita kami ng asawa ko sa mga Limson bago ang kasal. Dati naman, agad kang lumalabas ng kwarto para salubungin ako. Akala ko galit ka sa akin dahil wala akong nagawa para protektahan ang relasyon ninyo ni Miguel.(1

Hindi pa alam ni Rita na pinalayas si Klaire ng Papa niya dahil sa pagtataksil kay Miguel. Mariing hinawakan ni Klaire ang laylayan ng damit.

Sinabihan siya ni Rage na huwag ikwento kanino man ang nangyari noong gabing iyon para sa kabutihan nilang dalawa. Pero hindi sinabi ni Rage kung paano sasagutin ang mga tanong tungkol sa pagpapalayas sa kanya ng mga Limson.

Anong dapat niyang sabihin sa ina ni Miguel? Paano kung mabisto ang kasinungalingan nila ni Rage dahil sa isyung iyon?

Maaaring tanungin ni Rita Bonifacio ang Papa niya. Hindi magtatagal, mabubunyag sa lahat ang totoo kahit pa makalusot siya sa tanong ng ginang ngayon.

Nakaramdam ng takot si Klaire

Baka kamuhian siya ni Rita kapag nalaman ang totoo.

Pinalayas siya ng pamilya niya. Kaya nakatira siya sa amin ngayon.

Napatitig si Klaire at Anna kay Rage sa gulat. Bakit sinabi iyon ni Rage?

Ibubunyag ba nito ang sikreto nila dahil nakukunsensya ito sa pagsisinungaling sa kapatid?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)