Kabanata 75
“At ano ang intensyon mo sa pagpapakita sa akin ng mga ‘to?” matigas ang tono ni Rita.
Mariing napalunok si Kira. Imbes na magalit ang mother–in–law kay Klaire, parang mas nanlamig pa ang ugali nito sa kanya.
Bakit?
Mali ba na ipakita kung gaano kasama si Klaire? Ganoon na lang ba ang pagmamahal ng biyenan niya sa babaeng ‘yon, na kahit malinaw ang ebidensiya ng pagtataksil ni Klaire ay ayaw pa rin nitong paniwalaan?
“M–Mommy, niloko ni Klaire si Miguel…” garalgal ang boses ni Kira sa takot nang matitigan ang mga mata ng biyenan na punong–puno ng galit.
“Umalis ka na,” matigas ang sagot ng biyenan, ni hindi na ibinalik ang mga litrato sa kanya.
Wala na! Wala nang iba pang ebidensiyang mahahawakan si Kira para wasakin si Klaire sa lahat!
Sinundan ni Rita ng tingin ang nakatalikod na si Kira na parang nangangatog ang mga balikat habang papalayo. Ang akala nya, nagpipigil lang itong umiyak sa galit kaya nanginginig ang katawan at nakakuyom ang mga kamay.
Sumobra ba siya sa trato niya sa babae?
Hindi. Tama ang ginawa niya. Nangako siya kay Rage na itatago ang tungkol sa pagpapakasal nito kay Klaire hanggang sa mismong araw ng wedding announcement ng mga ito.
Pero… nang muling tignan ni Rita ang mga litrato sa kamay, parang napuno ng galit at pagkadismaya ang dibdib niya.
Paano nagawa ni Rage at ni Klaire ang ganito sa isang hotel?!
Kaya naman agad na nagtungo si Rita sa mansyon ng mga De Silva upang humingi ng paliwanag kay Rage. Nangako ang kapatid sa kanya na aalagaan si Klaire, pero mukhang sinira lang nito ang buhay ng babae?
Sumusobra na si Rage para paglaruan si Klaire. Kahit nakababatang kapatid niya pa ito, hindi niya hahayaan na masira ang buhay ni Klaire nang ganito lang!
“Why do you look tense? Bakit ako pinatawag ni Madame Rita Bonifacio?” kuryosong tanong ni Rage nang makapasok sa sala. Tahimik na nakaupo doon sina Rita pati na rin ang kanilang ina.
“Paano mo ‘to nagawa kay Klaire?” Galit na tinapon ni Rita ang tatlong litrato sa mesa, bakas sa mukha ang matinding galit.
Umupo si Rage sa upuang katapat ng kapatid at ina. Pinulot niya ang mga litrato nang walang emosyon ang mukha.
Matapos sabihin ni Charlie ang tungkol sa mga litrato, agad nang nahulaan ni Rage na sina Lance at Theodore Limson ay maaaring may mga kopya pa rin ng mga ‘yon. 11
Hindi naman puwedeng pasukin na lang niya ang mga tahanan ng dalawang pamilya para hanapin ang mga
1/2
Kabanata 75
+25 BONUS
ebidensiyang dapat mawala. Kaya naman, inantay na lang ni Rage ang pagkakataong may isang taong lalapit kay kay Klaire para ipamukha ang mga ‘yon sa kanya.
Si Kira.
Sigurado si Rage na si Kira ang nagbigay ng mga larawang ‘yon sa kapatid.
Matapos marinig ang usapan nina Klaire at Kira sa pamamagitan ng nakatagong kamera sa opisina ng asawa, alam niya na may balak itong masama kay Klaire. At sa kamangmangan naman ni Kira, dinala nito ang mismong bagay na matagal nang hinihintay ni Rage.
“Who took these photos?” tanong ni Rage at sumandal sa upuan, kalmado ang mukha habang iniikot ang litrato sa pagitan ng kanyang dalawang daliri. “Bakit hindi pinakita ang mukha ko sa picture? So lame… parang baguhang photographer lang ang gumawa nito. Mom should have hired a better photographer, not an amateur like this.”
“Anong photographer? Wala akong alam diyan!”
Nanlaki naman ang mga mata ng kanilang ina, naguguluhan sa sinabi ng anak.
Pinandilatan ni Rage ng mga mata ang ina.
“Ah… kasi… I don’t know! Hindi ako binibigyan ng malaking allowance ng Papa niyo nitong mga nakaraang linggo,” sagot ni Anna sabay iwas ng tingin.
Kinagat ni Rage ang ibabang labi, pinipigilan ang pagtawa. Hindi talaga marunong sa actingan ang Mama nila.
At… talaga bang sinabi nito na hindi malaki ang allowance nito? Totoo ba…?
“Alam din ni Mama? Ano ba talagang nangyayari? Ma, bakit mo pinayagan si Rage na bastusin nang gano’n si Klaire? Napakabuting babae ni Klaire, Ma! Masunurin at tahimik na bata. Sigurado akong pinilit at tinakot siya ni Rage!” palag ni Rita, napapailing habang tinitingnan ang dalawa.
“Kasi, hija…” Halos manghina ‘si Anna De Silva at gusto nang maiyak dahil hindi alam kung ano ang ipapaliwanag sa panganay na anak.
Nagtaas naman ng kilay si Rage. Hindi naman mali ang sinabi ni Rita. Totoo ngang pinilit niya si Klaire nung gabing ‘yun at may ginawa siyang hindi dapat. Pero hindi rin niyang pwedeng ilantad ang sekretong ‘yon.
“Ate…” tawag ni Rage sa kapatid na alam niyang nagpapakalma dito. “We had a pre–wedding shoot there. Sinabihan ko si Mama na kumuha ng ibang photographer para i–document ang behind the scenes namin ni Klaire. Pero ang mga litratong ‘to… i don’t like them. Hindi kita ang mukha ko.” 1
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)