Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 74

Hindi na natapos ni Klaire ang sasabihin nang bigla siyang buhatin ni Rage, saka mabilis na dinala sa secret room nito. Marahan siyang inihiga nito sa kama, saka umupo ang lalaki sa tabi at binuksan ang TV.

“Hindi ka ba magwowork? Bakit nagrerelax ka lang dito?

Sa katunayan, nakaleave talaga si Rage sa araw na yon. Pumunta lang siya sa opisina upang tutukan si Klaire dahil kailangan matutunan nito ang paglaban sa iba, kasama na doon si Kira.

Gusto rin niyang mas tumindi ang galit ni Klaire kay Kira. Kapag nangyari yon, dedepende ang asawa sa kanya para paghigantihan ang stepsister nito. Sa gano’ng paraan, siya lang ang aasahan ni Klaire at matututunan siyang mahalin.

Lihim na ngumiti si Rage sa isiping matutupad din ang plano niya sa takdang panahon

Hindi mo ba ako naririnig?naiinis na tanong ni Klaire. Lalong bumigat ang nararamdaman niya ngayon dahil parang balewala lang kay Rage ang presensya niya.

Nakikinig.

Anong sinabi ko?hamong balik ni Klaire.

Naningkit ang mga mata ni Rage nang tingnan si Klaire. You dare to order me around?

Napasinghap naman si Klaire at biglang iniwas ang tingin. Masyado na yata siyang nagiging komportable at nakakalimutan na ang kanyang limitasyon.

I’m sorry

***

Sa kabilang banda

Galit na galit si Kira sa taong inutusan niyang ikalat ang mga eskandolosong litrato ni Klaire sa internet. Binayaran niya ito nang malaking halaga para masigurong hindi malalaman ng kahit sino na siya ang may pakana niyon.

Pero paano nangyaring nawala ang lahat ng files sa computer ng taong yon nang hindi man lang ito nanakawan sa bahay?

Napakatanga mo! Hindi ko na babayaran ang balance!sigaw ni Kira bago padabog na ibinagsak ang telepono.

Nagmadali siya sa kanyang kotse at umuwi nang mainit ang ulo. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalala ang mga sinabi ni Klaire sa kanya. Hindi na rin siya makapagtrabaho nang maayos, at hindi na nakita pa ang babaeng yon.

Ano bang gagawin ko para masira ang buhay ng Klaire na yon? Ang mga litratong yon na lang ang alas ko para pabagsakin siya!

Nasunog na rin ng Papa nila ang lahat ng kopya ng mga litratong ibinigay rito ni Miguel noong araw na yon.

Kabanata 74

+25 BONUS

Si MiguelPosible kayang may kopya pang natitira si Miguel ng mga litrato? Hindi nito binigay ang lahat kay Theodore Limson!

Mariing inapakan ni Kira ang silinyador, at sa loob lang ng ilang minuto ay nakarating na siya sa mansyon ng mga Bonifacio. Hindi niya pinansin ang mga katulong na bumati sa kanya at deretsong pumasok sa kanyang

kwarto.

Mabuti na lang at nakaalis na si Miguel. Walang inaksayang oras si Kira at hinalungkat ang lahat ng cabinets at drawers para mahanap ang mga litrato.

Kung di man siya nagtagumpay sa plano na ipakita sa mundo na nakakadiring babae si Klaire at dapat iwasan, pwes ipapakita niya ang mga litrato sa kanyang biyenan. Tiyak na ang ina ni Miguel mismo ang maguutos sa kapatid nitong si Rage na palayasin si Klaire sa kumpanya.

Hindi na muling makakangiti si Klaire tulad ng dati. Iiwan din siya kahit ng Chris na yon! At kapag nangyariyon, tatawanan niya ang stepsister niya sa lahat ng kamalasan nito!

Kinapa ni Kira ang ilalim ng kama ni Miguel at nahawakan ang ilang pirasong litrato. Nang makita ang mga yon, awtomatikong napangiti siya. Doon lang pala tinatago ni Miguel ang mga litrato, o baka nahulog nito ang mga iyon bago pa maibigay sa Papa Theodore niya.

Masisgla ang mga hakbang niya nang maglakad sa pasilyo patungo sa kwaryo ng biyenan. Kumatok siya sa pinto at agad na pinagbuksan ng isang katulong.

Ma’am Kira, nasa garden po si Madame Rita,wika ng katulong.

Hindi na pinansin pa ni Kira ang katulong. Mabilis siyang nagtungo sa garden para hanapin ang biyenan. Nakita niyang nakaupo ito sa isang bangko, abala sa pagaayos ng mga bulaklak.

Mommy,tawag ni Kira, bakas sa mukha ang pekeng kalungkutan.

Hindi tumugon si Rita at hindi rin inalis ang tingin sa mga bulaklak sa mga palad nito.

May nakita po akong nakagugulat sa kwarto ni Miguel, Mommy,simula ni Kira.

Ibinaba ni Rita ang mga bulaklak, saka malamig na nagtanong, Ano yon?

Mommy, alam ko galit ka sa amin ni Miguel kasi nagpakasal kami at naiwang naghihirap si Ate Klaire. Perotingnan mo tong ginawa ni Ate kay Miguel,paawa ni Kira at saka iniabot ang tatlong litrato sa kanyang biyenan. Pumatak ang mga pekeng luha mula sa kanyang mata. Hindi ko po tinraydor si Ate, Mommy. At hindi rín po ginawa ni Miguel yon. SiSi Ate Klaire ang unang sumira sa tiwala namin.

Nanlaki ang mga mata ni Rita nang matingnan ang mga litrato. Ang gulat niya ay hindi dahil sa sinabi ni Kira, kung hindi dahil sa lalaking nakatalikod sa litrato.

Hindi siya maaaring magkamali sa pigura ng lalaking yon!

Si Rage! Ano’ng ginawa niya kasama si Klaire?

Hindi kaya?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)