Kabanata 73
+25 BONUS
Kabanata 73
“A–ate… bakit ganyan ka magsalita?” Natigilan si Kira, hindi makapaniwala sa naririnig. Ito ba talaga ang stepsister na kilala niya?
Hindi na siya nagtaka nang i–bring up nito ang tungkol sa mga bagay na madalas niyang bilhin o hingiin na gusto rin ni Klaire. Ang kinagulat niya ay ang pagbibintang nito sa kanya na inagaw niya si Miguel!
Hindi ramdam ni Kira na inagaw niya si Miguel mula sa bruhang babaeng ‘to, dahil sa simula pa lang ay para sa kanya talaga si Miguel. Hindi deserve ni Klaire ang lalaking ‘yon.
Sa kanya lang si Miguel! Siya lang ang totoong nagmamahal kay Miguel nang higit sa pagmamahal ni Klaire. Siya lamang ang dapat na maging Mrs. Bonifacio. Napakalinaw niyon!
Anong karapatan ng Klaire na ‘to na kwestyunin kung masaya ba siya kay Miguel?!
“Of course, masaya kami ni Miguel. At hindi ko intensyong agawin si Miguel sa ‘yo, Ate. Si Miguel ang may gusto sa ‘kin. Isa pa, iniwan ka niya dahil pinagtaksilan mo siya!” pagtataas ng boses ni Kira.
‘Iniwan ako ni Miguel dahil sa ‘yo, Kira.’
Hindi maintindihan ni Klaire ang takbo ng isip ng demonyitang stepsister niya.
Nililinlang lang nito ang sarili sa mga kasinungalingan nito. Nalulong na yata ito sa sariling kadramahan kaya hindi na alam ang pagkakaiba ng pantasya at katotohanan.
“Edi mabuti. Ngayon, pwede ka na bang umalis? Marami pa akong trabahong dapat asikasuhin. Hindi ka naman siguro pumunta sa kumpanyang ‘to para lang makipagdaldalan, ‘di ba?”
“Hindi ako makapaniwala na ganyan na pala ang iniisip mo sa ‘kin, Ate.” Halata sa mga salita ni Kira ang pagkukunwaring nasaktan ito sa mga salita ni Klaire.
Kumukulo ang dugo ni Kira sa labis na galit nang magmartsa palabas ng opisina ni Klaire. Gustung–gusto na sana niyang sampalin ang bruha, pero kailangan niyang protektahan ang kanyang reputasyon.
Samantala, hinaplos naman ni Klaire ang magkabilang pisngi. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang naninikip niyang dibdib na tila ba nag–aapoy sa iritasyon.
Hindi dapat niya sinatinig ang mga damdaming dapat ay nakatago lamang. Pinayuhan rin siya ni Rage na kumalma muna hangga’t hindi pa niya alam kung paano gaganti kay Kira.
Pero nang makitang ang pagkukunwaring kawawa ni Kira, hindi na siya nakapagpigil sa pagbibitaw ng mga salitang ‘yon. Nagpupuyos ang damdamin niya sa pagpapanggap ng Kira na ‘yon!
Nang mahismasan, saka lang niya napansin na nagtungo si Kira sa opisina ni Rage matapos nitong mag–walk
out. [1
Ano kaya ang pag–uusapan ng dalawa? Susubukan na naman kaya ni Kira na lasunin ang isip ni Rage?
Halos tuwing umaga ay bumibisita si Kira sa opisina ni Rage. Noong una ay hindi niya ‘yon iniintindi. Pero ngayon, nang hayagan siyang labanan ang babae, tatakbo ito sa asawa niya? Balak ba nitong agawin pati si Rage sa kanya?
1/2
Kabanata 73
+25 BONUS
Hindi…. Hindi niya ‘yon hahayaan!
Nagmadaling lumabas si Klaire ng kanyang opisina at nagtungo sa opisina ng asawa nang hindi kumakatok sa pinto. Sa labis na pagmamadali, nakalimutan na niya ang mga ayaw ni Rage… isa na roon ang basta–bastang pagpasok sa opisina nito nang walang pasabi.
Agad na lumingon si Rage sa direksyon niya sa may double doors.
Ang galit na ekspresyon ni Rage sa pag–aakalang bumalik na naman sa opisina niya si Kira ay nagliwanag nang makita si Klaire. Lihim mang natuwa, nagawa pa rin niyang itago ang damdamin sa likod ng kalmadong mukha.
“Masakit ba ang kamay mo? Bakit hindi ka kumatok bago pumasok?” tanong ni Rage sa nakasanayan pa ring tono, kahit sa kalooban ay parang gusto na niyang hilahin si Klaire sa kanyang kandungan.
“S–Sorry… Akala ko pumunta rito si Kira,” nauutal na sagot ni Klaire.
Huminga nang malalim si Rage.
Handa na rin si Klaire sa matatanggap na sermon mula sa asawa.
“Sit down.” Itinuro ni Rage ang upuan sa tabi niya, kapareho ang disenyo ng kanyang mamahaling upuan. Sadyang nagpabili si Rage ng bagong upuan para masamahan siya ni Klaire sa trabaho.
“A–Aksidente kong nasabi kay Kira na inagaw niya sa akin si… si Miguel.” Napayuko si Klaire. “Ano ang sinabi sa ‘yo ni Kira?”
“So, nagmadali kang puntahan ako at pumasok nang hindi kumakatok dahil lang sa nagseselos ka na pumunta rito ang Kira na ‘yon?”
Napabuntonghininga si Klaire. Parang walang saysay ang pag–aalala niya. Ngayon, inaakusahan pa siya ng asawa sa isang bagay na hindi naman totoo.
At bakit siya magseselos kay Kira?
“Lahat ng gusto ko, ginugusto rin ni Kira… pati ang mga bagay na akin naman dapat. Kaya ka niyang akitin para lang iwan mo ako,” aniya, hindi na sumagi sa isip na hanggang ngayon ay walang alam ang stepsister na kasal na sila ni Rage.
Samantala, animo’y kumabog nang malakas ang dibdib ni Rage sa narinig mula kay Klaire. Ngunit nanatili ang seryoso niyang ekspresyon para hindi mahalata ang tuwa at pananabik.
“Oh, did you just confess your love to me?” Inikot ni Rage ang upuan ni Klaire para humarap ito sa kanya. “ Huwag kang mag–alala… you can continue to like me because I won’t turn to another woman. At… sa ‘yo lang ako.”
Ah… natanto ni Klaire na mali na naman ang intindi ni Rage. “I mean, hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. Hindi lang naman ikaw ang–ah…”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)