Kabanata 72
+25 BONUS
Kabanata 72
“Kamusta ka na, Ate?” kunwari’y masayang bati ni Kira. “Nakita kitang pumasok kasama si Tito Rage. Magkasama ba kayong dumating?”
Samantala, hindi na matiis ni Klaire sa pagpapanggap ni Kira. Lalong nag–alab ang galit sa kanyang dibdib kapag nakikita ang pekeng saya sa mukha nito.
Ngunit nanatili siyang kalmado.
“Nagkita lang kami sa daan. “Tapos sinabay lang ako ni Mr. De Silva.”
Pero hindi masyadong nakinig si Kira sa paliwanag nito nang mapansin ang ayos ng babae. Suot ngayon ni Klaire ang isang limited edition na damit mula sa sikat na designer internationally.
Paano nangyaring nakakapagsuot ang cheap na babae na ‘to nang ganito kamamahaling damit?
Napansin din ni Kira ang make–up sa mukha ni Klaire. Alam niyang hindi mahilig mag–ayos si Klaire kahit noong kasintahan pa nito si Miguel. Mas gusto nitong simple lang para hindi makatawag ng pansin ng kahit sino.
‘Sinadya kaya niyang baguhin ang itsura para akitin si Tito Rage? Kaya ba ilang oras siyang naghintay sa labas para makasabay sa kotse nito? O baka… nakuha na ni Klaire ang loob ni Chris at winaldas ang sahod nito! Ang tusong bruha! Sigurado akong ibinenta na ng cheap na ‘to ang katawan kay Chris! Nakakadiri!‘
Habang abala si Kira sa mga masasamang iniisip, parang hangin lang ang trato ni Klaire rito at inatupag na lamang ang pagbabasa ng mga article tungkol sa pagbubuntis sa computer. Wala siyang ganang gawin ang kahit ano sa araw na ‘yon at balak lang magpahinga habang hindi pa siya tinatawag ni Rage.
“Balita ko, naibalik mo na raw ang perang ninakaw mo kahapon,” banat ni Kira na halatang gustong ipamukha na magnanakaw siya. Pero wala siyang naramdaman ni katiting na guilt doon. “Saan mo naman nakuha ang pera, Ate? Huwag mong hayaang mabaon ka sa utang sa mga nagpapa–five–six, ha. Kaya naman kitang tulungan pero kaunti lang ang kaya ko.”
Nalaman ni Klaire mula kay Rage na si Kira talaga ang totoong nangurakot sa pondo ng project nito. Hindi niya malaman kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang babae para pagbintangan siya.
“Oo,” maikling sagot ni Klaire, ayaw nang sayangin ang oras sa pakikipag–usap sa demonyitang stepsister.
“Hmm, siguro si Chris ang tumulong sa ‘yo, ano? Ang bait talaga ng boyfriend mo, Ate Klaire… handang magbigay ng dalawang bilyon sa ‘yo… at talagang binigyan ka rin ng mga mamahaling damit,” dagdag pa ni Kira na gustong malaman kung saan nabili ni Klaire ang mga gano’ng klaseng damit.
“Bakit naman ako bibilhan ni Chris ng damit?” sarkastikong sabi ni Klaire at saka nagkibit–balikat nang hindi tinitingnan ang babae.
“Chris? O, halata namang sobrang close niyo na kasi tinatawag mo siya sa first name niya!”
Kahit banayad ang tono ng kanyang boses, sa loob–loob ni Kira ay isinusumpa na niya si Klaire sa nakuhang atensyon mula kay Chris. Siguradong–sigurado siya na hindi lang magkaibigan ang dalawang ‘to!
‘Kailangang matanggal ang dalawang ‘to sa kumpanya ni Tito Rage sa lalong madaling panahon!‘ determinadong sabi ni Kira sa isip.
1/2
Kabanata 72
+25 BONUS
“Sigurado akong hindi mo ‘to alam, dahil hindi ka naman bumibili ng mga expensive na damit noon. Lahat ng suot mo ngayon, hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang mga ‘yan?”
“May sarili akong pera para bilhin ang lahat ng gusto ko. At hindi sa dahil ayaw kong magkaroon ng mamahaling damit noon kaya hindi ako bumibili, Kira. Nakalimutan mo na ba? Lagi mo ‘kong pinagbabawalang bumili ng mga mamahaling bagay,” mariing wika ni Klaire, sarkastikong nakatitig sa babae.
Biglang natigilan si Kira sa tapang ni Klaire.
Bakit bigla na lang naging matapang ang dating ‘di makabasag–pinggan na ‘to?
“Anong ibig mong sabihin, Ate? Hindi kita pinagbawalag bumili ng kahit ano.” Kunwari’y nalungkot si Kira. ” Ganoon ba kalaki ang galit mo sa ‘kin para pagbintangan ako?”
Huminga nang malalim si Klaire. Noon, parang siyang tangang naniniwala sa bawat pagpapaawa ni Kira, pero ngayon ay malinaw na sa kanya ang bulok na ugali nito.
“Lagi mong gustong makuha ang kahit anong gusto ko,” mahinahong paliwanag niya. “Indirectly, parang ayaw mo na akong gumastos sa kahit anong gusto ko, dahil ayaw mong magkaroon ako ng katulad sa ‘yo.”
Bahaw na ngumiti si Kira. Ngayon lang ba napansin ni Klaire ang lahat? Ano’ng silbi kung malaman man nito ang katotohanan ngayon, kung matagal na rin siyang pinalayas ng Papa nila?
“Hindi ‘yon-”
“Hindi lang mga damit at bagay…” putol sa kanya ni Klaire. “Pati ang ex–fiance ko, ginusto mo ring agawin.” Taas–noong tumindig si Klaire. “Masaya ka ba talaga ngayong ikinasal ka na kay Miguel?” 1

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)