Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 71

Kabanata 71

Ano’ng paghihiganti nga ba ang gusto niya?

Hindi masagot ni Klaire ang tanong ni Rage. Totoong galit na galit siya kay Kira, pero hindi pa rin niya naiisip kung ano ang dapat niyang gawin para makaganti sa babae. 1

Kaya ba niyang paghigantihan ang pamilya niya? Hindi niya alam

Hindi mo kailangang maghigante ngayon. Get close to your enemies to find out their weaknesses,ani Rage nang mapansin ang pagaalinlangan sa mga mata ni Klaire.

Bahagyang namangha si Klaire nang sabihin yon ng lalaki sa malalim na tono, kahit pa kalmado ang emosyon sa mukha nito, dahilan para mas lalo siyang maging komportable sa tabi ng lalaki. Ewan ba niya, may kung anong dating si Rage na hindi niya maipaliwanag.

Napansin ni Rage ang pagbabago sa gawi ng pagtingin ni Klaire sa kanya kaya naman binigyan pa niya ito ng ibang payo. Ipinaramdam niya sa babae ang pagiging matured at maalam niya na kadalasang nagugustuhan ng mga tao sa kanya. 1

Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang pinagmamasdan ang mga mata ni Klaire. Doon niya napagtanto na sapat na pala na maging matured at maaasahan siya para makuha ang atensyon ni Klaire.

Maswerte nga kaya si Klaire sa pagkakaroon ng asawang katulad ng isang Rage De Silva?

***

Sinimulan ni Klaire ang umaga nang may maayos na hitsura. Kung dati, bihira niyang pansinin ang itsura, ngayon ay nakasuot siya ng mga mamahaling designer clothes. Ang magaan na makeup sa kanyang mukha ay nagpagliwanag at nagpaelegante ng kanyang aura.

Noong mga nakaraang araw, hindi niya isinuot ang lahat ng damit na ibinibili sa kanya ni Rage. Ayaw niyang mapaghinalaan dahil sa mga mamahaling damit na hindi naman angkop sa trabaho niya.

Pero ngayon, ayaw na niyang itago nang katotohanang. Wala na si Klaire Limson. Siya na ngayon si Klaire De Silvaasawa ng pinakamayaman at maimpluwensiyang lalaki sa bansa.

Hindi na kailangan pang itago ang katotohanang iyon dahil nalalapit na engrandeng kasalan nila ni Rage.

Sabi nga ni Rage, maaari niyang ipangalandakan ang bago niyang katayuan sa buhay. Bagay na magpapamukha kay Kira na hindi siya naaapektuhan ng lahat ng mga masasamang ginawa nito para pabagsakin siya.

Sa kabilang banda, nakaramdam si Rage ng pagkainis sa biglaang pagbabago ni Klaire. Paano ba nama’y mas lalo pang gumanda at nagningning ang asawa ngayon. Ayaw niyang may ibang lalaki ang makakita sa perpektong ganda ni Klaire.

Pero hindi naman niya si Klaire sa mga gusto nito, lalo na’t napayuhan na niya ito kagabi. 1

Klaire De Silva, umupo ka,sabi ni Rage habang tinitingnan ang bakanteng puwesto sa sofa sa tabi niya.

Umupo si Klaire nang maingat at elegante. Bakit?

1/2

Kabanata 71

+25 BONUS

You have to remember one thingnever let a man other than me stare at you for more than five seconds.

Tumaas ang kilay ni Klaire sa sinabi ni Rage. At bakit naman?

You’re too beautiful. Ayokong may lalaking titingin sa yo nang higit sa limang segundo,seryosong sabi ni Rage. Kung sinumang lalaki ang maglalakasloob na titigan ka nang higit sa limang segundo, I swear, magiging miserable ang buhay ng lalaking yon sa loob ng limang taon.

Hindi naproseso ni Klaire ang lahat ng sinabi ni Rage. Natulala na siya sa lalaki, namumula ang mga pisngi dahil pinuri ni Rage sa ganda niya.

Parang kinikiliti ang kaibuturan niya. Pakiramdam niya ay sobrang saya niya sa kaunaunahang papuring natanggap mula sa asawa.

Tumayo si Rage, at sumunod si Klaire. Go with me.

OkayWalang pagtutol mula kay Klaire.

***

Nalaglag ang panga ni Kira nang makitang dumating nang sabay sa isang kotse sina Klaire at Rage. Hindi sinibak sa trabaho ni Rage si Klaire. Sa halip, sinabay pa ang babae sa kotse nito.

Mahigpit na naikuyom ni Kira ang mga kamao nang maglakad ang dalawa palapit sa kanya. Handa na sana siyang bumati sa Tito Rage niya at kay Klaire, pero diretsong dumaan lang ang dalawa sa harapan niya. Hindi lang yon! Ni hindi man lang siya tinitigan ni Klaire kahit isang segundo na para bang invisible lamang siya doon!

Ang kapal naman ng mukha niya na hindi ako pansinin! Napakayabang dahil lang sa sumabay siya sa kotse ni Tito Rage! Talunan naman! Kahit pa nakasakay ka sa kotse ni Tito Rage, Klaire, cheap ka pa rin! Hindinghindi ka magiging katulad ko na naging pamangkin ni Tito Rage sa pamilya, at asawa ni Miguel Bonifacio!(1

Dahil sa inis, nagmadali si Kira sa kabilang elevator para sundan ang dalawa sa top floor. Naghintay siya roon hanggang sa makapasok si Rage sa kanyang opisina, saka niya nilapitan si Klaire.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)