At kung kumilos si Kira sa harapan ni Miguel, para itong inosenteng babaeng hindi makabasag pinggan!
‘Walang hiya!‘
Laging nagpapaubaya si Klaire kay Kira. Kahit pa ubusin nito ang lahat ng gamit niya, tikom lang ang kanyang bibig. Kahit pa ang pagmamahal ng Papa nila ay maubos para sa babaeng ‘yon, nanatiling tahimik si Klaire. Hindi pa ba sapat ang lahat ng kaligayahan niya na inagaw nito?
Sa pagkakataong ito, sumobra na si Kira. Ubos na ang pisi ng pasensya ni Klaire. Hindi niya matatanggap ang ganitong pang–aapi!
Ni Kira… at lalong hindi mula sa kanyang ama.
“Luckily, I came just in time, beat up that little bastard and saved you,” pagmamalaking wika ni Rage, tila balewala ang mga damdaming bumabalot sa isipan ni Klaire.
“Niligtas ako?” Umangat ang palad ni Klaire at galit na hinampas ang braso ni Rage. 1
Galit siya sa mga salitang binitawan ni Rage. Galit sa lahat ng katusuhan ni Kira. At sa ginawa ni Theodore Limson, ang ama niyang nagtakwil sa kanya para sa isang ampon na mas inuna pa nito kaysa sa sariling dugo’t laman!
Ibinaling ni Klaire ang lahat ng galit sa bawat hampas sa braso ni Rage, kahit na parang hindi man lang iniinda ng lalaki ang mga ito. Ngunit walang luha sa mga mata ni Klaire.
Ayaw na niyang lumuha para sa mga taong gumawa sa kanya ng kalapastanganan!
“Are you satisfied hitting me?” tanong ni Rage nang maramdaman niyang unti–unting humihina ang mga
suntok ni Klaire.
Alam ni Rage na matinding pagkabigla at sakit ang nararamdaman ni Klaire ngayon. At sa likod ng pagsasabi ng totoo ay ang sariling plano… ang mapasakanya nang buo si Klaire.
“Pareho lang kayong lahat! Sinira mo rin ang buhay ko! Ninakaw mo ang kwintas ko at hindi mo pa rin ibinabalik! Galit ako sa’yo!” sigaw ni Klaire.
Galit sa kanya? Ayaw itong marinig ni Rage!
Mahigpit niyang niyakap ang asawa. “Tinulungan kita, Klaire De Silva! Isipin mo… ano na lang ang nangyari sa’yo kung tuluyang nagtagumpay ang mga balak ni Kira?”
Tama si Rage. Kung tuluyang bumagsak si Klaire sa bitag ni Kira, malamang ay sa kaibigan nito din ang kanyang bagsak.
Kaya nitong kontrolin ang buhay niya sa pamamagitan ng kaibigan nito, para mas lalo pa siyang pahirapan. At ang mas masaklap, maaring pilitin din ni Kira ang kaibigan nito na ipalaglag ang inosenteng sanggol sa kanyang sinapupunan!
“Ngayon, ikaw na si Mrs. Klaire De Silva, ang pinakamakapangyarihang babae sa bansang ‘to. Magagamit mo ang kapangyarihan mo bilang asawa ko para gumanti sa lahat ng gumawa sa’yo ng masama,” bulong ni Rage sa
1/2
Kabanata 70
+25 BONUS
kanyang tainga.
Gumanti sa kanila?
Tama ang kanyang asawa!
Noon pa man ay pinagmamalupitan na siya ng sariling pamilya. Ang lahat ng pagmamahal niya sa mga ito ay tinugunan lang ng kataksilan at pang–aapi.
“Ang mga Limson? Wala silang kwenta sa akin. You can do anything to them and only need to beg me to help you destroy them,” nakangising sabi ni Rage.
Oo… Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Rage ang katotohanan kay Klaire. Ang gusto niya ay ang mapasakanya ang babae nang buong–buo… ang dumipende si Klaire sa kanya sa lahat ng bagay, ang maging kanya sa damdamin at sa pag–iisip nito.
Kumalas si Rage sa yakap, saka sumandal sa headboard ng kama. Iniunat ang kanyang kanang palad sa harapan ni Klaire.
“Hold my hand… ang kailangan mo lang ay maging masunuring asawa ko. I will give you unlimited power to do whatever you want.”
Itinaas ni Klaire ang mga tingin at nakita ang kumikislap na kwintas sa leeg ni Rage. Hanggang sa bumaling ang kanyang mga mata sa mukha ng matipuno, matikas, at makapangyarihang lalaki sa kanyang harapan.
Ang kumpiyansa sa madilim nitong mga mata ay parang isang pangako… na kaya nga nitong protektahan siya mula sa lahat ng pang–aaping darating sa kanya… mula sa mga Limson.
Umupo si Klaire nang tuwid. Bumagsak ang kumot mula sa kanyang hubad na katawan.
Inabot niya ang palad ni Rage. Hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay.
“Tell me… what revenge do you want, my wife?”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)