Sumayaw ang magandang katawan ni Klaire sa ibabaw ni Rage, at ayaw ipikit ng lalaki ang kanyang mga mata.
Ayaw niyang palampasin ang nakabibighaning tanawin sa kanyang harapan. Itinatak ni Rage sa kanyang isipan ang bawat galaw ni Klaire.
Bawat indayog at kurba ng katawan nito ay parang nagpapalutang kay Rage, tinatangay siya sa matinding alon
ng pagnanasa.
Hindi na nakatiis si Rage sa umaapaw na sensasyong nararamdaman. Sa isang mabilis na galaw, nagpalit sila ng posisyon.
Oo, ang mga galaw ni Klaire sa ibabaw niya ay kaakit–akit sa mga mata, ngunit para kay Rage, nararapat lang na palaging nasa ilalim ng kanyang kontrol ang asawa.
“Rage…” hingal na bulong ni Klaire.
Mahigpit na kumapit ang mga kamay ni Klaire sa mga bisig niya habang nakabukas ang mga labi at nakapikit ang mga mata. Nakaliyad ang likod nito, ang dibdib ay mamula–mula’t nakatayo.
Alam ni Rage na malapit nang labasan ang kanyang asawa.
“Sabay tayo, Love…” bulong niya bago sakupin ang mga labi ni Klaire sa isang marahas na halik habang binibilisan niya ang pag–ulos.
Mahigpit na niyakap ni Klaire ang matipuno nitong katawan. Ang mga ungol ni Rage ay para bang musika sa kanyang tainga. Ang init na likido ni Rage sa kanyang kalooban ang nagpahiwatig na nakaraos na silang pareho sa init ng kanilang pagnanasa.
Bumitiw si Klaire sa yakap, itinulak nang marahan si Rage mula sa kanyang katawan, at hinabol ang kanyang paghinga. Nang bumagsak sa kanyang tabi ang lalaki, niyakap siya nito nang mahigpit, nakapikit ang mga mata.
“Sabihin mo na sa akin… sino ang taong ‘yon?” habol–hiningang tanong ni Klaire.
Ayaw palampasin ni Klaire ang pagkakataong malaman kung sino ang kumuha sa kanila ng mga larawan nang gabing ‘yon. Nabigay na rin naman niya ang lahat ng kundisyon ni Rage.
“Get some rest first. Sasabihin ko sa’yo mamaya,” napapaos na sagot ni Rage. Ayaw niyang sagutin ang tanong hangga’t hindi pa bumabalik sa normal ang paghinga ng asawa.
Lalong umigting ang kuryosidad sa dibdib ni Klaire nang hindi kaagad sinagot ni Rage ang tanong. Pinagmasdan niya ang orasan sa dingding, ang mabagal na pag–usad ng mga kamay nito ay parang dumadagdag sa kanyang pagkainip.
Nakapikit lang si Rage, pati na rin ang bibig nito.
‘Natutulog na ba siya? Ang daya!‘
Ibinaling ni Klaire ang tingin mula sa orasan patungo sa mukha ng asawa, pinanood ang mga labing humalik sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Nang parang may sariling isipan ang kanyang mga daliri, marahan itong gumapang upang haplusin ang mga labi ni Rage.
1/2
Kabanata 69
+25 BONUS
Ngunit bago pa man dumampi ang kanyang mga daliri, bumuka ang mga labi ni Rage.
“Si Kira Limson… ang stepsister mo. Siya ang nag–utos sa isang tao para kunan tayo ng mga litrato sa harap ng pintuan ng hotel room.”
Dinilat ni Rage ang mga mata at hinuli ang mga daliri ni Klaire. Masuyo niyang hinalikan ang mga iyon, parang sinusubukang pawiin ang gulat at sakit sa damdamin ng asawa.
Napatunganga si Klaire. Ang hiya sa kanilang ginawa kanina ay biglang naglaho, at napalitan iyon nang matinding sakit at galit sa kanyang dibdib.
Bago pa man makaahon si Klaire mula sa matinding dagok, muling nagsalita si Rage. “Siya rin ang nag–utos sa isang kaibigan niyang lalaki para pagsamantalahan ka sa gabing ‘yon. Mula ngayon, ‘wag ka nang lalapit sa kapatid mong ‘yon, ha?”
Tahimik si Klaire, nakatitig sa kawalan, nakipagbuno sa kanyang mga naiisip.
Tama nga ang hula ni Charlie… Matagal nang may kutob si Klaire tungkol kay Kira, pero pilit niyang itinanggi ang mga ‘yon sa isipan. Kahit hindi sila buong magkadugo, matagal rin silang nagkasama sa iisang bubong. Paano nakayanan ni Kira ang ipain siya sa ibang lalaki?
Para saan? Para lang makuha si Miguel? O para lang angkinin ang lahat ng dapat ay sa kanya?
Habang iniisip ni Klaire ang lahat, lalo lang bumigat ang kanyang damdamin. Ang matinding pagkabigong nararamdaman ay parang apoy na sumisilab sa kanyang dibdib at unti–unting nagiging galit.
Kung gustung–gusto ni Kira si Miguel, bakit hindi niya sinabi nang maaga? Bakit kailangan pa niyang gumawa ng ganitong karuming bagay?
Alam kaya ni Papa nila ang lahat ng ‘to? At si Miguel… ang dating kasintahan niya, may alam kaya ito sa mga kalokohang ginawa ni Kira?
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)