Kabanata 107
“Ano’ng ibig mong sabihin, Uncle Jordan? Sinasabi mo ba na si Papa ay…‘
Naalala ni Klaire noong walong taong gulang pa lang siya, sobrang mahal na mahal ng Papa niya ang Mama niya. Lahat ng atensyon nito ay nakatuon sa kanila ng Mama niya. Pero isang araw, nagbago na lamang ito.
Madalas na itong umuuwi nang dise oras ng gabi. Hindi na sila nito niyayayang mamasyal. Samantalang dati, palagi nitong ginugugol ang oras sa kanilang mag–ina, kahit sa simpleng pamamasyal lang sa siyudad o pagbisita sa mga pasyalan sa malapit.
Akala ni Klaire, dahil lang sa trabaho kaya nagbago ang Papa niya. Pero ano itong sinabi ng Uncle Jordan niya? Talaga bang may kinalaman ang ama niya at ang madrasta niya sa pagkamatay ng Mama niya?
Simula nang pakasalan ng Papa niya ang Matilda na ‘yon, talagang malaki ang ipinagbago nito. Pero, posible ba talagang patayin ng Papa niya ang unang asawa nito?
Bakit…?
Hindi makapaniwala si Klaire. Hindi… hindi niya kayang paniwalaan na kaya ng Papa niya na gawin ang ganoong kalupit na bagay sa Mama niya. Kahit pa kitang–kita sa mukha ng uncle niya ang paninindigan nang sabihin ang bagay na ‘yon.
O’di naman kaya sinabi lang iyon ng uncle niya dahil galit ito sa Papa niya mula pa noon?
“Hindi mo kailangang paniwalaan ang sinabi ko. Basta lumayo ka na lang kay Theodore at sa asawa niya.”
Napansin ni Jordan ang pagbabago sa ekspresyon ni Klaire at agad siyang nakaramdam ng pagkabahala. Sumobra ba siya sa pagiging totoo sa pamangkin niya? Kita ang gulat at pagkalito nito. May lungkot din na namumuo sa maluha–luha nitong mga mata.
“Dito muna ako mananatili ng ilang araw. Your husband offered to work with me. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.” Tinapik ni Jordan ang balikat ni Klaire at saka tumayo. “Magpahinga ka na. Alagaan mo ang pagbubuntis mo. Next time, I will try to take you out.”
Muling nabigla si Klaire. Alam nito na buntis siya? Gaano karami ang ikinuwento ni Rage dito tungkol sa buhay niya?
“Alam mo po, Uncle…?”
“Sinabi na sa akin lahat ng asawa mo. Don’t worry, hindi kita huhusgahan sa kahit ano pa mang nangyari.” Para bang nabasa ni Jordan ang iniisip ni Klaire sa halatang ekspresyon sa mukha nito.
“S–Sinabi ni Rage?”
Marahang hinaplos ng lalaki ang ulo ni Klaire. “Mabuting lalaki ang asawa mo. Natural lang na mahulog ka sa kanya at ipagkaloob ang sarili mo.”
“Teka lang… ano’ng sinabi ni Rage sa ‘yo, Uncle? M–Mahulog?”
“Just be a good wife and obey your husband. Maaasahan siyang lalaki. Swerte ka’t hindi ikaw ang napunta sa anak ni Julius Bonifacio. That man was also incredibly annoying, like a wolf in sheep’s clothing. His son will
1/2
Kabanata 107
+25 BONUS
definitely have the same personality as him.”
Pagkasabi niyon ay umalis na ang Uncle niya ng silid, habang si Klaire ay nakatulala pa rin sa mga rebelasyong sunod–sunod na gumulantang sa kanya. Mula sa pagkamatay ng ina, ang tungkol sa Papa niya at kay Matilda- at ang pagbubunyag ni Rage sa pagbubuntis niya.
Umuusbong na ang galit sa kaibuturan niya. Si Rage mismo ang nagsabi sa kanyang huwag magsalita tungkol sa nangyari, pero ito rin pala ang nagkakalat ng balita!
Habang nasa malalim na pag–iisip, si Jordan na kalalabas lamang ng silid ay agad na hinarang ni Rage. Nagulat pa ito nang lumitaw ang asawa ng pamangkin sa harap niya.
“Nakinig ka sa usapan namin?” Mabilis na bumuga ng hininga si Jordan, hindi makapaniwala sa ginawa ni Rage.
Puno ng galit ang mga mata ni Rage. Tama. Narinig niya ang buong usapan nito at ni Klaire. Gusto pa niyang malaman ang lahat.
“Sa opisina ko tayo mag–usap,” utos ni Rage.
Kahit pa tiyuhin ito ng asawa niya, natural na ugali ang pinapakita ni Rage. Magkasing–edad lang kasi sila halos, isang taon lang ang tanda ni Rage kay Jordan.
“Alam kong makapangyarihan ka, but you must remember that I am now your uncle–in–law. You should treat me with respect.” Bagama’t tila kalmado ang tono ni Jordan, halatang inis siya sa asal ni Rage.
“Hindi ba’t nakakahiya na tawagin kitang uncle gayong mas matanda ako sa iyo?”
“Wala akong pakialam. Asawa ka pa rin ng pamangkin ko.”
Hindi pa man ganoon katagal ang pagkakakilala nila, magaan agad ang naging usapan ng dalawang lalaki. Marahil ay dahil sa maliit lang ang agwat ng edad nila. O baka rin dahil pareho sila ng ugali.
“Umupo ka,” utos ni Rage pagdating nila sa opisina. “Uncle…”
Medyo nagsisi si Jordan na pinuri niya si Rage sa harap ni Klaire. Ni hindi man lang nagbago ang pananalita at kilos nitong asawa ng pamangkin niya, kahit pa tinawag siya nitong ‘Uncle‘.
“What do you need?”
“Tell me everything about my late mother–in–law.” Seryoso ang mukha ni Rage habang nakatitig kay Jordan.
Sa puntong iyon, kumpirmado na ni Jordan na nakinig nga si Rage sa usapan nila ni Klaire. ‘Di niya tuloy maiwasang pagdudahan ang kwento ni Rage tungkol sa relasyon nila ni Klaire. Baka ang lalaking ito talaga ang baliw na baliw sa pamangkin niya! 2
Kabanata 108

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)