Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 106

Lalong ginanahan si Rage. Sa sarap ng kanyang natitikman, hindi na niya kailangan ng almusal.

Itinaas niya ang ulo para pagmasdan ang nakakalibog na reaksyon ni Klaire. Iniwan ang paunang tikim at nagpatuloy sa pangunahing putahe.

Pero bago iyon, gusto muna niyang marinig na magmakaawa si Klaire.

Sige, titigil na ako. Gusto mo na bang umuwi?Umupo siyang tuwid sa tabi ni Klaire, na hingal na hingal pa rin na para bang tumakbo ng isang kilometro.

Tumingin si Klaire sa ibabang bahagi ng katawan ni Rage. Bakit siya tumigil gayong kanina lang ay sobrang sabik niya?

Gusto mong maligo muna?tanong ni Rage, matapos hindi siya sagutin ni Klaire. 1

Halos magmakaawa ang mga mata ni Klaire Ayaw mo na bang ituloy?” Tiningnan niya nang salitan ang mukha ni Rage at ang umbok sa suot nitong boxer shorts.

Sabi mo tumigil na ako.Kumibitbalikat si Rage saka tumalikod patungo sa gilid ng kama. Sige, mauna na muna akong maligo kung gusto mo pang humiga pa riyan.

Biglang bumangon si Klaire. Naiinis siya sa biglaang inaasal ni Rage. Niyakap niya ang asawa, ang mga kamay ay naglakbay mula sa tiyan nito pababa

Ituloy natin

Napangiti si Rage.

***

Gaya ng ipinangako ni Rage, matapos nilang magpakasawa sa isa’t isa ay umalis na sila sa hotel. Dinalhan rin sila ni Chris ng pamalit na mga damit.

Sa hotel, ilang pulis ang naroon pa rin upang imbestigahan ang sunog kagabi. May ilan ding reporter na patuloy na naguusisa kung ano ang dahilan ng makapal na usok mula sa bintana ng Room 4306.

Ano’ng nangyari? Ang daming tao. May mga pulis patanong ni Klaire.

Inakbayan siya ni Rage at mabilis na inakay palayo patungo sa kotse. Napilitan si Klaire na magmadali para makasabay sa lakad nito.

May magkarelasyon daw na nahuli, baka artista o pulitiko,sagot ni Rage, tila walang pakialam,

Pagdating nila sa mansyon ng mga De Silva, naroon na si Jordan Villanueva na naghihintay sa kanila, Sinabihan ito ng mga magulang ni Rage na doon muna magovernight habang nasa bansa pa ito.

Puwede ko bang hiramin ang pamangkin ko sandali?tanong ni Jordan kay Rage.

Huwag masyadong matagal,matabang na sagot ni Rage.

Umasa si Klaire na sasamahan siya ni Rage habang kausap ang kanyang tiyuhin, pero agad itong umalis. Tila ba

1/3

Kabanata 106

+25 BONUS

gusto nitong bigyan ng pagkakataon ang pamilya ni Klaire na mapalapit sa kanya.

Naimbestigahan na rin ni Rage ang pamilya Villanueva. Maayos ang reputasyon ng mga ito at hindi nasangkot sa anumang iskandalo. Kaya’t panatag siyang iwan si Klaire kasama ang tiyuhin nito.

Ngunit hindi naman mapanatag si Klaire. Naiilang siya habang nakaupo nang magisa kasama ang kanyang Uncle Jordan. Naalala niya kasi ang mga sinabi nito kahapon.

Nabalitaan ko kay Baltazar na pinalayas ka raw ng mga Limson?

Totoo poSi PapaI mean, si Mr. Theodore Limson, ayaw na niya akong kilalaning anak.Napayuko si Klaire, nakasalikop ang mga kamay.

Napansin naman ni Jordan na hindi komportable si Klaire. Puwede kang makipagusap sa akin nang normal. I don’t hate you anymore, Klaire. Dati lang yon, nung parte ka pa ng mga Limson.

Napatingala si Klaire sa tiyuhin, na mas matangkad pa rin kahit pareho silang nakaupo. Bahagyang tinaas ni Klaire ang kanyang baba upang salubungin ang tingin nito.

Bakit po? Wala po akong alam tungkol saalitan ng pamilya natin sa mga Limson. Si Mamahindi naman nagkukuwento. Si Papabihira rin akong kausapin.

Sa palagay ko, dapat mo na talagang malaman. Sana, kahit kailan, huwag ka nang magkaroon ng kahit anong koneksyon pa kay Theodore.

Isinalaysay ni Jordan ang pinagmulan ng pagtutol ng kanilang pamilya sa pagpapakasal ni Jasmine kay Theodore. Bukod sa magkaibang lalawigan sila nagmula at ayaw ng mga magulang ni Jasmine na mapalayo sa anak nila, hindi rin gusto nina Jordan at ng kanyang mga magulang ang nakaraan ni Theodore.

Simula pa lang nang ipakilala ni Jasmine si Theodore, agad na silang tumutol sa relasyon ng dalawa. Dahil may pagkaarogante ang ugali ni Theodore, alam na ni Jordan na papalitpalit ito ng babae.

Lubhang nagulat si Klaire nang marinig ang kwento tungkol sa kanyang ama. Sa pagkakatanda niya, palaging nagtatrabaho si Theodore at umuuwi naman sa bahay pagkatapos sa opisina. Wala siyang nakitang palatandaan

na nambababae ito.

Simula nang ligawan niya ang kapatid ko, hindi ko na narinig na nagbabayad pa para sa babae ang tatay mo. Pero sino bang magulang ang papayag na ang anak nila ay mapangasawa ang ganung klaseng lalaki?Bahagyang napangiti si Jordan habang inaalala si Jasmine. Pero ipinaglaban ng nanay mo si Theodore. Babaguhin raw niya ito. Patuloy pa rin ang pagtutol ng buong pamilya namin sa kasal nila, kaya nagtanan sila ni Jasmine papunta sa syudad na ito.

Dahil doon kaya kinasuklaman niyo ako, Uncle? Dahil dumadaloy sa ugat ko ang dugo ni Theodore Limson

Huminga nang malalim si Jordam. 1

Ilang taon pa lang silang kasal noon nang mabalitaan naming pumanaw na ang kapatid ko. Nang puntahan namin ang tatay mo, sinabi niyang may malubha raw itong karamdaman. Pero hindi talaga kami makapaniwala,

Klaire.

THUD!

2/3

Kabanata 106

Parang huminto sa pagtibok ang puso ni Klaire. Ibig bang sabihin, hindi dahil sa sakit namatay ang kanyang ina?

Sigurado akong may kinalaman sina Matilda at Theodore sa pagkamatay ng kapatid ko. Ang babaeng yonsiya ang pinakatusong babae ng tatay mo.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)