Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 109

Ang kwarto ng bagong kasal, na sa totoo lang ay matagal nang magasawa, ay bihirang nabubuksan, pwera na lang kapag nagdadala ng pagkain at maglilinis ang mga kasambahay. Doon lamang nakakakita ng ibang tao si Klaire bukod kay Rage.

Palabasin mo naman ako para makakwentuhan ko si Mama,sumamo ni Klaire.

Paano ba naman kasi, halos dalawang araw na siyang hindi pinapalabas ng lalaki sa kwarto. Ipinilit ni Rage na maghoneymoon sila, bagay na paulitulit niyang tinanggihan. Dahil doon, ikinulong siya ni Rage, sabay sabing gusto raw niya ng tunay na honeymoon experience, na walang istorbo mula sa pamilya.

Gusto mo bang pumunta sa beach, bundok, o sa gitna ng kagubatan tayo maghoneymoon?muling tanong ni Rage. I suggest we honeymoon in a wooden house in the middle of the forest. Doon, walang makakarinig sa mga ungol mo.

Hindi sumagot si Klaire, bagkus ay pumasok siya sa banyo at tahimik na kinuha ang cellphone. Wala na siyang ibang choice kundi humingi ng tulong sa Uncle Jordan niya.

Mabilis na nagtype ang kanyang mga daliri ng text na nagyayaya sa Uncle niya na magbakasyon. Hindi niya puwedeng kuntsabain ang motherinlaw niya dahil gustunggusto nito na maghoneymoon sila ni Rage. Si Charlie naman, imposibleng makatulong ang babaeng yon.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya tutol sa honeymoon. Pero dahil buntis siya, madali na siyang mapagod at mas gusto na lang magpahinga sa mansyon.

Pagkabukas niya ng pinto ng banyo, nakatayo doon si Rage.

Saan mo naman balak tumakas, at dinala mo pa ang cellphone mo sa banyo?tanong ni Rage.

Ahgusto ni Uncle Jordan na dalawin namin ang puntod ni Mama. Hindi ka pa naman nakakapunta sa puntod niya, di ba? Gusto ko sanang ipakilala ka sa kanya,aniya at bahaw na ngumiti.

Naningkit ang mga mata ni Rage, tila ba binabasa ang laman ng isip niya.

Sige. Pero pagkatapos no’n, magbabakasyon na tayo. I’ve already taken a month off. If you refuse, you’ll have to pay me back thirty dayssalary.

Ha?!gulat na sigaw ni Klaire. Ano bang pinagkaiba kung dito o sa ibang lugar? Sa kama lang naman—

Naku

Hindi na dapat niya banggitin yon….

Sa kama lang naman ang ano?Mabilis siyang hinila ni Rage sa baywang. So, all you’re thinking about is making love to me? Ako, gusto ko lang magbakasyon malayo sa mansyon. You’re such a naughty wife

Pinilit itulak ni Klaire si Rage palayo. Pero hindi man lang ito natinag.

See thatnilalandi mo na naman akobulong ni Rage, halos nakadikit na ang labi sa tenga ni Klaire.Kakatapos lang natin, gusto mo na agad ulit akong hawakan

Kabanata 109

+25 BONUS

Nnagugutom ako!sabay sigaw ni Klaire nang halos magdikit na ang kanilang mga

labi.

Pilyong ngumisi si Rage. Nagpaorder na ako ng pagkain. Tapos nito, pupunta tayo sa puntod ng Mama mo.

At pumasok siya sa banyo.

Bagsak ang balikat ni Klaire nang maupo sa sofa. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Hindi ito magandaparangin love na talaga ako sa kanya.

Handa naman na talaga siyang pagsilbihan ang asawa at subukan na itong mahalin. Pero dahil kayangkaya ng lalaki na patibukin nang malakas ang puso niya ay hindi niya mapigilang matakot.

Matapos kasing marinig ang kwento ng Uncle niya tungkol ginawa ng Papa niya, samahan pa ng hindi siya pinaglaban ni Miguel noon, para bang hindi na niya kaya pang magtiwala pa sa mga lalaki.

Isa paang asawa lang naman niya ay si Rage De Silva!

Paano kung magsawa si Rage sa kanya at tuluyan na niyang mahal ang lalaki? Panigurado, madudurog ang puso niya. Maiiwan siyang muli.

Bahala namakapaghanda na nga bago pa mapunit ni Rage ang damit ko

Mabilis na pinili ni Klaire ang pinakamakapal na damit na meron siya. Bukod sa makapal, marami rin itong butones kaya’t mahirap tanggalin. Binalutan niya rin ng scarf ang leeg para takpan ang dumaraming hickeys doon na si Rage lang naman ang salarin.

Naku naman!bulong ni Klaire habang hinahaplos ang bagong tsikinini na gawa ni Rage sa itaas na braso niya. Pati dito meron na rin?

Buti na lang ay hindi pinapayagan ni Rage ang mga kasambahay na asikasuhin siya tulad ng dati. Ito na mismo ang nagsilbi sa kanya, mula sa pagpapaligo hanggang sa pagpapakain sa kanya.

Kabanata 110

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)