Walang makakakita ng mga bakas ng pagiging mapusok ni Rage sa katawan niya. Balot na balot si Klaire, kahit hindi naman gano’n kalamig sa Pilipinas nang araw na ‘yon.
Hanggang sa may kumatok sa pinto. Si Alma iyon, dala ang pananghalian nilang mag–asawa.
“Ma’am, may sakit po ba kayo?” nag–aalala nitong tanong matapos makita ang ayos niya na tila giniginaw.
“Wala naman… salamat sa pagkain.”
“Opo, ma’am. Sabihin niyo lang po kung hindi maganda pakiramdam niyo.”
Hindi lang si Alma ang nakapuna, pati sinumang makakakita sa kanya ay mapapatanong sa itsura niya, pati na rin si Rage.
“Are you sick?”
Bahagya namang nakunsensya si Rage dahil hindi siya nauubusan ng lakas at oras–oras sumisiping sa asawa. Baka nga pagod na si Klaire at hindi maganda ang pakiramdam dahil sa kanya.
Hinaplos niya ang noo ni nito gamit ang likod ng kanyang kamay.
“Ah, gusto mo lang palang takpan ang mga hickeys na gawa ko? Dapat ipinapakita mo ‘yan sa iba. Maiinggit sayo lahat ng babae.”
Napabuntong–hininga na lamang si Klaire. Kung anu–ano na lang ang naiisip ng asawa niya.
“Magpalit ka ng damit. Ang sakit sa mata ng suot mo,” utos ni Rage.
Nanatiling tahimik si Klaire at inilapag na lamang ang pagkain sa mesa para sa asawa. Mabilis silang kumain dahil naghihintay na ang uncle niya sa labas.
Bago sila lumabas ng kwarto, muling iginiit ni Rage na magpalit siya ng damit. Napilitan siyang magbihis, manipis man ang tela ng bagong suot, natakpan pa rin ang katawan niya.
“That’s better. Baka bigla kang himatayin kapag naka–winter outfit ka sa init na ‘to,” bulong ni Rage habang nauuna nang lumakad.
“Nahihiya ka ba kapag pangit ang suot ko?”
Hindi siya sinagot ni Rage at diretsong naglakad. Napilitan tuloy siyang bilisan ang lakad para makasabay dito.
Sa tapat ng mansyon, naghihintay ang kanyang Uncle Jordan. Agad naman itong kinausap ni Rage.
Nang makita niya ang dalawang lalaki na magatabi, biglang kumunot ang noo niya. Mas bata nga pala ang Uncle Jordan niya kaysa kay Rage.
Siguradong ang awkward ng pakiramdam ni Rage na tawagin itong na “uncle.” At sa paningin ng iba, parang nakakaasiwa iyon.
“Ano’ng hinihintay mo? Sumakay ka na sa loob,” utos ni Rage.
Kabanata 110
+25 BONUS
Nasa liblib na bahagi ng lungsod ang puntod ng Mama niya. Mahaba ang biyahe, halos dalawang oras.
Habang nasa byahe, patuloy ang pag–uusap nina Rage at Jordan tungkol sa negosyo at plano nilang pagsososyo. Hindi na gaanong nakinig si Klaire, pakiramdam niya ay parang saling pusa lang siya sa sa dalawang lalaki.
“Are you still single?” Mas naging komportable pa si Rage kay Jordan at nagagawa nang magtanong sa mga personal na bagay.
“Sa ngayon.”
“Akala ko may asawa ka na.
“I lived with my girlfriend for a year. Sa una sweet, pero kalaunan nakakabaliw din pala. Women are annoying most of the time. Mahilig magreklamo, kung anu–anong hinihingi, nagagalit nang walang dahilan, tapos kung kailan abalang–abala ka sa trabaho, saka magpapapansin.”
“You’re right. That’s why I always turn down offers of marriage.”
So… iniisip din pala ni Rage na nakakainis ako, mareklamo, kagaya ng lahat ng sinasabi ni Uncle Jordan? Naisip ni Klaire at pinandilatan ng mata si Rage. Pero hindi siya pinansin nito. Nagpatuloy lang sa pakikipagkuwentuhan sa tiyuhin niya.
Pagdating nila sa parking lot ng sementeryo, tuloy pa rin ang usapan ng dalawa. Naiwan si Klaire sa likuran.
Pakiramdam niya ay para lang siyang hangin. Gusto niyang magalit, pero ayaw niyang matawag na ‘nakakainis na babae‘ gaya ng napag–usapan ng dalawa kanina. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa puntod ng Mama niya.
Halos sabay na huminto sina Rage at Jordan. Si Klaire, na nakayuko, ay muntik nang mabangga sa mga braso ng
dalawa.
“Bakit kayo huminto?” tanong ni Klaire.
Sa halos dalawang oras ng biyahe, minsan lang siyang nilingon ni Rage, at pagkatapos ay tumingin na uli ito sa unahan. Sa pagitan ng malalaking braso nina Rage at ng Uncle niya, napansin niya ang isang taong nakaupo at yakap–yakap ang puntod ng kanyang ina.
“Bakit… nandito ang taong ‘yan?”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)